Chapter 40: The End Part 3/The Finale

31.2K 653 260
                                    

A/N

Nalulungkot ako na masaya na tapos na ang nobelang ito. Sana'y nakapag handog ako ng kakaibang love story sa inyo. Please naman sa mga silent readers it's your time to comment. Ending na silent reader pa rin kayo hehe.. I will appreciate if you will leave a review in this ending.. I'm getting emotional men.. Salamat sa suporta!

____________________________________________________________

Nahirapan akong mag adjust nang tumira ako dito sa U.S. at dito mag-aral. I almost gave up at first since sarili ko lang talaga ang inaalagaan ko at walang kasama. May kamag-anak ako dito pero I tried not to contact them. Sa Mama ko lang ako may contact, not with anyone else.

Matigas ang ulo ko sa bagong rule ko sa buhay.  Ito ang magsisilbing parusa ko para sa sarili ko magmula ng paglaruan ko ang puso ng mga taong nagmamahal sa akin. Nagpakababad ako sa pag-aaral. Puro aral….. aral…. aral….. I want to make my Mama proud of me!

Nakakakuha ako ng mataas na marka sa mga subjects ko. Sumasali rin ako sa mga Organizational activities at very active sa School. Marami akong naging mga kanong kaibigan, pero never akong nang entertain na manligaw ng kahit sino. Kung may lumalapit na babae sa akin or even bisexuals, I always say I’m taken.

Never akong nag open ng Facebook kaya nasasabihan ako ng mga kaklase kong mysterious guy. Hindi rin ako mahilig sa party stuff, piling pili ang mga kasiyahang dinadaluhan ko. Nang mga nagdaang buwan, dahil sa sobrang kaaaral ay nagkaroon ako ng panlalabo ng mata. I always wear sunglass na may grado specially kapag ako’y magrereview ng mga subjects. Kaya napipintasan akong nerdy hunk sa school since matataas ang grades ko and I wear glasses.

Mabilis lumipas ang panahon, nahaharvest ko na ang mga pinaghirapan ko to my expectations. I’m so proud of myself dahil ito talaga ang pinakahihintay ko….. Ang makatapos! During my graduation day ay pumunta si Mama to support me. I loved her with all my heart. I awe everything to her. Sya ang  dahilan kung bakit ako nandito, nakatayo sa entablado at tinatanggap ang recognition for being a Cum Laude.

My Mom is so proud of me, cheering on me at the top of her lungs. She’s the best Mama in the world!

“I’m proud of you anak,” sabi nya sa ‘kin habang sinusoot ang medalyang natanggap ko dahil sa magdamagang pagod at puyat para sa pag-aaral. I kissed her sa pisngi and hugged her tightly. Everyone is clapping on us. Nakakabinging palakpakan.

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

“Are you going to celebrate your Birthday here o babalik ka pa ng Pinas?” tanong ng Mama ko while we are eating our lunch.

“I’ll spend my Birthday alone…” I said.

“Saan?”

“Kahit saan!”

“Balak ko sanang magpaparty for you in celebration of you finishing your study and also your Birthday,” sabi nya habang iniinom ang juice.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now