Chapter 27: The Equation of Love

22.2K 307 29
                                    

It’s really time for me to organize my thoughts. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyong ito lalo na’t ang kinatatakot ko’y masaktan ang damdamin ng mga taong nagmamahal sa akin. Hindi ko naman ginusto na mangyari ito, sino bang gustong ganito ang sitwasyon? Na kailangan mong mamili lamang ng isa sa tatlong taong napamahal sa iyo? Silang tatlo ay may kani-kanilang espasyo sa puso ko pero hindi ko inexpect na kailangan ko pang mamili. Ganito kase ang formula ko regarding the situation kung kanino dapat ako mapunta.

Here’s my Formula and computation:

a- Arianna

b- Edward

c- Dante

X- No Issue

Y- Photo Scandal- Not Resolved

Z- Photo Scandal- Resolved

1. a+b-c+X = Arianna (Winner)

→ If the photo scandal didn’t surface, everything is still the same. I’ll marry Arianna and Edward is still my FUBU.

2. a+b-c+Z= Arianna (70%), Edward (30%)

→ If the case was resolved by Edward at nagtapat na rin sya ng pag-ibig, kahit tinulungan niya ako’y mas matimbang pa rin si Arianna dahil nablackmail lang siya ni Rovie.

3. a+b-c+Y= Edward (Winner)

→ Off course If this will happen, I’ll automatically break up with Arianna and I’ll risk to have a relationship with Edward.

4. a+b+c+Y= Dante (Winner)

→ I’d rather be with Dante forever kung walang lusot ang scandal namin ni Edward

5. a+b+c+Z= ?????????????

→ Ito ang NAPAKAHIRAP  na equation na ngayo’y kelangan kong isolve. Ito ang set-up ko ngayon. Alam ko merong missing formula to fully solve the Math. So far, basing on the three formulas, ito ang ranking ko:

1. Arianna

2. Edward

3. Dante

Naisip isip ko rin na hindi lang kaming apat ang involve sa Equation na ito. Gusto kong isama ang traydor na si “Rovie” pero ano naman ang magiging role nya sa formula? Will it help me resolve the mathematical equation of Love? Ang baduy diba? Pero di ko maalis sa isipan ko ang misteryong ito. Diba merong tinatawag na Numerology? Letterology? Kung meron man hehe na ginagawang basehan ng mga pilosopo para masolve ang misteryo ng future nila? So why not try my Equation of Love? It sounds baduy nga lang...

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

Masyadong dikit ang laban ng tatlo sa puso ko. Meron pa rin akong criteria for judging at ito’y magbabago base sa susunod na mangyayari. Ang adik ko diba? Pag naorganize mo na ang thoughts mo maninimbang ka na talaga kung sino ang pipiliin mo lalo pa’t ang bawat isa’y hangad ang pag-ibig ko. Hindi ko na alam kung kailan ako makakapagpagupit sa haba ng hair ko hehe.

Ang hirap nito sobra! Kahit anong gawin kong paninimbang, di ko maiiwasang may masasaktan sa dalawang hindi ko mapipili. Napanood ko na to e, parang yung show sa America na Bachelor ba ‘yun? Ang kaibahan lang, sila may Camera, medyo scripted at napaglalaruan pa nila ang mga emotions nila. Ako, totohanan, ang hirap mamili at spontaneous ang magaganap. Hindi ko alam ang magiging reaksyong ng dalawang hindi ko mapipili, kung magpapakamatay ba sila o babarilin ako sa ulo hehe. Ang hirap!

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now