Chapter 30: The Rage

21.9K 376 46
                                    

Nabaling ang tingin ko nang husto kay Arianna na tila di kumbinsido sa sinabi nyang buntis sya.

“Arianna. What do you mean you’re pregnant?” I said hesitantly.

“What’s the matter? Are you surprised?” she said grinning.

“I mean… How come?” tanong ko sa kanya na may pag-aalinlangan.

Napangiti si Arianna sa naging reaksyon ko. “I’m not yet done okay? Let me finish first. I’m preganant…..I mean I was pregnant bago palang naging tayo. I’m two months pregnant nang sagutin kita. Who’s the father? That….. I don’t know, so I chose na ipa-abort ang bata.”

I was shocked by her revelations pero nakaramdam ako ng koting relief dahil ang akala ko’y buntis sya ngayon. Sina Edward at Dante’y natulala rin sa sinabi nya.

“I’m confused Arianna, bakit mo pina-abort ang baby mo at sino ang tatay?” I said with brows arched.

“Sa tingin mo magwowork out ba ang relationship natin kung sabihin ko sayong buntis ako? I don’t think that’s gonna happen. And besides, my parents were gonna kill me. I chose to perform abortion as early as two month para hindi pa ganun ka-develop ang bata. Sino yung father? Believe me, I don’t have a clue!” confident nyang sinabi habang umiinom ng tequila.

“Arianna, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ‘to?” I said na medyo galit ang tono.

“Because that’s my deepest darkest secret. I felt filthy during that time but you saved me from hell,” she said na parang lasing.

“It’s not the point. Hindi ka naging honest sakin.Parang sinabi mo na rin na wala kang tiwala sa ‘kin. Arianna you commited a crime. You killed your own blood!” I said na napalakas ang tono.

Napahinto si Arianna sa pag-inom dahil sa sinabi ko sa kanyang ‘yun. “Kung makapagsalita ka Aries parang mamamatay tao ako.”

“Off course you were! I mean, this is insane! Paano mo nagawang patayin ang walang kamuang muang sa loob ng tiyan mo?”

“So you are judging me based on that?”

“No?! I’m just disappointed na nagdecide ka ng para sayo lang. How did you know na hindi kita tatanggapin nung mga oras na ‘yun?”

“You know Aries, that’s one of the biggest downfalls of my life. Kung maibabalik ko lang ang panahon na ‘yun, I might think twice. Nangyari na ang nangyari, I never thought na huhusgahan mo ko dahil sa pag-amin ko sa ‘yo.”

“The bottomline….. Hindi ka naging honest sa akin. You still killed your baby,” I said seriously.

“And how would I know na honest ka rin sa ‘kin? Kung makapagsalita ka you’re saying na wala kang tinatagong kabuktutan sa sarili mo,” she said in a furious tone.

Tumayo siya at napansin kong nangingilid ang kanyang luha. She went out of the room, hindi ko alam kung saan sya pupunta.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon