Chapter 34: The Deal

16.8K 284 23
                                    

“Anong ginagawa niyo dito?” I asked her bafflingly.

“I said, surpise! What’s wrong babe?”

“Nothing. Tinatawagan ko kayong dalawa sa phone pero hindi kayo sumasagot. I thought you flew back to Manila?”

“I have a lot of time to be with you Aries. Going back to Manila is a big No No for now!”

“Bro, don’t tell me wala kang alam sa nangyayari?” ngiting sabi ni Edward.

“About what? Ano bang plano nyo? Naguguluhan ako sa inyo. Paano nyo nalaman ang lugar na ‘to. Sinong nagsabi sa inyo na nandito kami?”

I saw Dante grinning. Hindi ko ma-gets ang action nya pero nakatunog na ako na marahil ay isa sya sa may pakana nito.

“Hindi ka pa ba sinabihan ni Dante?” sabi ni Edward. Makikita ang nangingitim na parte ng kanyang labi gawa ng pagsuntok ko sa kanya. Wala lang akong time na magsorry dahil sa pagkalito sa nangyayari.

I stared at Dante. “Is there anything that I need to know?”

Matipid syang ngumiti.

“Arianna I think we need to check something there,” banggit ni Edward at agad tumayo sa kinauupuan.

“Oo nga pala. Babe we’ll get back ha. Sandali lang kami,” madali nila para makapagsarili kami ni Dante mag-usap.

Nirepostion ni Dante ang sarili sa pagkakaupo at nagpaliwanag.

“Nauna na silang pumunta dito bago pa tayo. We had a deal about the status of our relationship with you,” kalmado nyang sabi.

“Teka Dante naguguluhan ako. Anong deal?”

Napabuntong hininga si Dante. “Kagabe kase, nung umalis ka, nag-usap usap na kami. Nakita namin yung sitwasyon na…. nahihirapan ka, nahihirapan din naman kami. So ayun, napagkasunduan namin na……. kelangan may isang sumuko. At ako yun…”

Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. “Bakit ka susuko? Hindi naman sila ang mamimili e. Ako yun Dante.”

“Nagvolunteer ako. Nagkagalit galit kaming tatlo Oo pero matindi ang pinaghuhugutan ng nobya mo at ni Edward. Sobrang nanliit ako. Wala akong laban kaya ako na ang unang sumuko.”

“And then….. ano ngayon kung sumuko ka?”

“Sabi ko sa kanila, kahit dalawang araw lang…. Tayong dalawa lang… Dito sa lugar na ‘to.”

“Paano tayo magsosolo kung nandito sila?”

“It’s a part of the deal. Masosolo kita ng dalawang araw pero sasama sila dito sa isla. Don’t worry they have a different room. Napag-usapan din namin na didistansya muna sila sayo sa loob ng dalawang araw, it will start later after I say to you our set-up.”

Napahawak ako sa aking ulo sa sobrang  pagkalito na may halong pagkainis.

“Bakit nyo to ginagawa sa ‘kin Dante?”

“Ito ang pinakamagandang paraan para maayos ang gulong to. Gaya ng sinabi ko, I’ll make the most out of it kaya sa loob ng 2 days gusto kong masaya tayo,” ngiti nyang sabi.

“Dante, ano bang magagawa ko? I know it’s another awkward moment  for all of us.”

“Indeed, kaya please lang Aries…. Gusto ko maging masaya ka.. please, I’ll make sure na ibibigay ko sayo lahat-lahat sa natitirang araw natin.”

“Dante ayokong magsalita ng tapos pero….”

“Please….. Hindi lang ako ang nagdesisyon dito. Kaming lahat ng mga kalaguyo mo. Magpasalamat ka walang nananakit sa kanila.. ikaw lang,” pangiti nyang sabi.

“So ano nang gagawin natin?”

“Let’s enjoy it!”

Biglang dumating sina Arianna at Edward.

“Hey Babe.” She kissed me on the lips and tapped Dante’s arms. “Take your time guys. Araw nyo to! If you need help andyan lang kami ni Edward!” ngiti nyang sabi at agad umalis. Alam naman nya ang magiging set-up dahil napagplanuhan na nila ang mga ito.

“Meron akong plano Aries!” masayang bulalas ni Dante.

“Ano yun?”

“Since masosolo naman kita. May plano ako.”

“Anong plano mo?”

“Operation selos!!” tuso nyang sabi.

“Ano nanaman yang kalokohan mo?” sabi ko.

“Papatayin natin silang dalawa sa selos. Matira matibay. Ano payag ka?”

“Sige..” di ko kumbinsidong sagot.

“Binuro nila ako kagabe e. Siguro time kong maghiganti. Tutal hindi sila pwedeng makalapit sayo within 20 feet, gagawin ko ang lahat para magselos sila.”

“Hmmmmm… mukhang interesting yan ah?”

“Basta ako ang bahala, watch and learn!” kindat nya sa ‘kin.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now