Chapter 39: The End Part 2

17.6K 321 46
                                    

Sa mga nakalipas na araw, we focused on Arianna's case para ma-hunting si Rovie, ang tarantadong rapist ng nobya ko. Nagtatago na siya sa Cebu at ngayo'y hindi pa nahahanap. Nagbago na rin ang pakitungo ni Mama kay Arianna dahil naintindihan na nito ang nangyaring pagsubok na dumaan sa kanya.

I think I did my part na kahit papaano'y maappreciate ang ginagawa naming pagtulong sa kanya. It's time to tell Arianna and Edward that I chose to finish my studies for two years instead of choosing between both of them.

Napag-usapan naming tatlo na magkita kita sa Condominium ko but Edward chose na makipagkita sa Condo nya. I went to his Condo unit.

"Hi," I said to Edward nang pagbuksan nya ako ng pinto.

"Uy Brad pasok ka!" habang papasok na'y nakita ko si Arianna na unang dumating.

"Hi Babe," she kissed me on my lips.

"Kumain ka muna Brad," alok sa akin ni Edward.

Tumungo kaming dalawa sa may lamesa.

"Wow.. anong meron?" sabi ko.

"Alam kong darating kayo kaya kahit papaano umorder ako ng makakain."

Kumuha ako ng tackos which is really my favourite Mexican food. Meron din syang inorder na Pizza and vegetables salad. Off course hindi mawawala ang wine pagganitong salo-salo namin.

Kumain muna kami and nag-usap usap na parang naresolve na namin ang lahat ng issues namin sa buhay. I'm glad na naging kaibigan na rin ni Arianna si Edward na siyang tumutulong ngayon sa kaso niya.

Habang kami'y nagkakasiyaha'y napapahinto ako kapag naiisip ko ang naging desisyon ko. Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Ang sarap kaseng pagmasdan ang mga ngiti ng dalawang 'to. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko pa sinasabi'y nangingilid na ang luha ko. Lord please give me a courage to be man enough. I love these people infront of me. I love them with all my heart.

"Guys, thank you at pinaunlakan nyo ang meeting na 'to," sabi ko nang pabiro. Binato ako ni Edward ng tropillow.

"Ang drama mo!" tawa nya. Maging si Arianna'y tumawa rin. Kanina pa kase kami nagtatawanan kaya ang hirap ipasok ng moment na 'to. That you will say goodbye to both of them. It kills me!

"Seryoso na 'to... Guys thank you sa lahat... sa lahat lahat... for loving me more than I love myself," medyo madamdamin kong pagkakasabi. Nag-iba tuloy ang mood ng kwarto. Kanina lang ay nagtatawanan kami ngayo'y naging medyo seryoso na.

"Anong meron Babe?" sabi ni Arianna na nuo'y nakaupo sa sahig while katabi ko sa couch si Edward.

"What's wrong?" mahinang sabi ni Edward.

"I'm going back to finish my studies for two years," I said.

"Ano namang problema dun? We're happy to know that! Why are you acting like that Babe?" alalang sabi ng nobya ko.

"I'm leaving on Friday to U.S. I'll be there for two years to finish my studies."

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto dahil sa sinabi kong iyon. It's really unfair to both of them dahil naghihintay sila ng decision ko kung sinong pipiliin ko sa kanila.

"So, you are telling us na..... Aalis ka nanaman? Tatakasan mo nanaman yung problema mo?" sabi ni Edward at tumayo sa kinauupuan niya.

I saw Arianna already shedding a tear.

"I'll be back after two years. It's not goodbye. I'll be back," I said.

"Two years Aries!! We are talking about years, not days or weeks. Andaming pwedeng mangyari!" she said while crying. I saw her eyes already puffing.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon