EPILOGUE

4.7K 90 19
                                    

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Sobrang dilim sa lugar na yon at halos wala talaga akong makita. Maya maya pa, isang ilaw sa di kalayuanang nagbigay liwanag sa kadilimang aking natatanaw.

Napatakip ako ng bahagya sa aking mga mata dahil di ko kaya ang malakas na liwanag na nagmumula roon. Maya maya pa, isang marahang romantiko na awiting instumental ang tumugtog mula sa kawalan.

Namatay ang ilaw at unti unting may limitaw na ilaw na parang alitaptap sa paanan ko. Sinundan ko iyon at dinala ako ng aking mga paa sa isang maaliwalas na lugar, punong puno ito ng nagliliwanag na palamuti, may mga petals ng rosas na nakapaligid sa lugar na iyon habang sa gitna ay isang lamesa na may mga kandila at mala telenobelang ayos ang itsura.

"Baby?"

Napalingon ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses....

Nakita ko si Dark, nakangiti may hawak na rosas ngunit hindi para sakin.

"Baby ko"- nakangiting sabi ng babae

Nilapitan sya ni Dark, hinawakan sa kamay at hinalikan ito. Matapos noon niyaya nya ang babaeng iyon papunta sa table na nakita ko kanina.

Bakas ang saya sa mga mata ng babae samantalang kabaligtaran ang nararamdaman ko. Lumapit ako sa kanila at tinawag si Dark pero, ni isang sulyap ay di sya nagbigay sa akin.

"Dark"- tawag ko sa kanya

Sa pagkakataong iyon ay lumingon na sya sa akin pero ninisang emosyon ay wala akong nakita sa mga mata nya.

"Baby, sino sya?"- tanong nung babae na kasama nya

"Wala baby, isa lang sya di importanteng tao na di kailangang pansinin"- sabi ni Dark

Unti unting nanikip ang dibdib ko sa aking narinig. Bakit? Bakit Dark? Anong nangyare? Bakit ka nagkakaganyan?

Hindi ko na nakayanan pa ang sama ng loob na nararamdaman ko. Sinampal ko si Dark kasabay ng luha na unti unting pumapatak mula sa aking mga mata.

"B... bakit Dark?.. Bakit nagawa mo to sakin?... Bakit? May ginawa ba akong masama? May ginawa ba akong di mo nagustuhan?.. D.. Dark.. Diba... Diba sabi mo mahal mo ako?.... Diba sabi mo... ako lang? Bakit ganyan ka? Ano bang nangyare? Dark... Wag ka namang ganyan oh... Mahal na Mahal kita Dark...."- sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

Kita ko na bahagyang ngumiti si Dark. Maya maya pa, niyakap nya ako ng sobrang higpit sabay halik sa noo ko.

"Mahal na mahal din kita Alia ko. Alam ko namang mahal mo ako. Kaya Alia, Criathalia Smith hayaan mong maging parte ako ng buhay mo. Hayaan mong alagaan kita sa abot ng makakaya ko"- sabi nya sa akin

Pagkasabi nya noon, bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin. Lumuhod sya sa harapan ko at may kinuhang isang maliit na kahon.

"Thalia, walang araw na hindi kita minahal, walang araw na di kita na aalala. Kaya Thalia, bigyan mo ako ng pagkakataon na mas lalo kang mapahalagahan at maingatan. Cristhalia Sky Smith, Will you marry me?"- malumanay na sabi sa akin Ni Dark habang hawak hawak ang isang kahon na may lamang singsing.

"Anong.. Akala ko...."

Naguguluhan ako, akala ko sila nung kasama nyang babae.

"Umuo ka na Alia" nakangiting sabi nung babae

"Alia tatanggapin mo ba ako bilang asawa mo?"- sabi nya sa akin

"Oo, oo Dark... Dahil ikaw ang kailangan ko"- nakangiti kong sambit

Inilagay na ni Dark ang sing sing sa kamay ko matapos noon, tumingin sya sa babae at saka ngumiti.

"Salamay Rylene"- sabi ni Dark

Nagliwanag ang buong paligid. Nakita ko ang parents ni Dark, si kuya Aaron at ang iba pa. Ipinaliwanag nila sa akin na pinlano ang lahat ng ito.

Lumapit si Jayden kay Rylene at hinalikan ito sa labi. Nalaman ko na matagal na palang magfiance ang dalawa at kasabwat lang sya sa plano.

Hindi ko malilimutan ang araw na yon. Ang araw na nakidnap ako ng di ko alam ang dahilan. Nakita kong may iba ang boyfriend ko at pinagtitripan ako pero sa huli isang masayang pangyayare ang tumatak sa isip ko.

Sa simula, sinong mag aakala na ang isang kagaya ko ang magiging fiance ng isang taong noon ay kinaiinisan ko.

Masaya ang lahat habang ang aking mahal ay sumisigaw sa katagang.

"I'm that Nerd's Unknown Boyfriend"

-END

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now