CHAPTER 10

3.2K 85 0
                                    

Cristhalia's POV
"We're here na guys"- Aaron

Huminto kami sa isang malaking table. Nandun na sina Jayden at Vince pero wala pa si Tukayo at yung demonyong si Dark.

"Uy, hi Thalia!"- Vince

"Hello?"- ako na nakangiti

"Asan sila?"- Aaron

"Well, nasa school pa hinahanap tong si Thalia"- Jayden

"Ahh... okay..Tawagan nyo, sabihin nyo kasama ko na si Thalia nila"- Aaron

"Ano kamo?"- Ako

"Ah wala hahaha"- aaron

"No need to call them, kase nandyan na sila oh"- Jayden

Napalingon ako at nakita ko sina Clark at Dark dere deretso sila sa pag lalakad papunta samin pero bigla din silang napatigil ng makita ako.

"Ako na sumundo sa kanya"- nakangising sabi ni Aaron

"Ahh"- Clark/Dark

Hindi ko alam kung anong meron sakin kase parang medyo kinabahan ako ng makita ko si Dark. Siguro gawa yun ng pag kakasabi nya ng I love you sakin.

"Hi?"- Dark

Parang naestatwa ang aking katawan ng bigla nagsalita si Dark.

"He... hello?"- ako

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nauutal at kinakabahan samantalang dati hindi naman ako ganto.

"So, dahil nandito na ang lahat, ipapaliwanag ko na kung ano ang gagawin natin"- Vince

Nagsiupo na kami at lahat kami ay nakatingin kay Vince.

"Gagawa tayo ng isang story"- Vince

"Story? Ano namang kinalaman noon sa project natin sa Math?"- Jayden

Math kase yung subj. Kung saan kami may project e.

"Well ang gagawin natin ay isang story where in ipinakikita doon kung paano nagagamit ang mathematics sa buhay ng tao"- Vince

"Ahh, so you mean gagawa tayo ng isang written story? Ganun?"- Aaron

"Nope, we're gonna do a picture story. I iillustrate natin doon kung paano nagagamit ang mathemathics sa buhay natin"- Vince

"Ahh... so, mag dodrawing tayo?"- Clark

Biglang may pumasok sa isip ko. Kung drawing ang usapan may kilala akong tao na magaling mag drawing si Nicx.

Bigla akong napangiti sa iniisip ko. Sana hindi sya busy ngayon.

"May kakilala ako na pwede kong pag tanungan ng ideya about dun sa project natin"- nakangiti kong sabi

"Talaga? Sino?"- Jayden

"Yung kaibigan ko, wait lang txt ko lang sya"- ako

To: nicx
Nicx, busy ka ba? Pedeng humingi ng tulong?

--send--

"Sinong tinext mo?"- Jayden

Bzzzzzzzzzzzz bzzzzzzzzzzz

Napatingin ako sa cellphone ko ng may narinig ako na nagvibrate.

"Its mine"- Dark

Napatingin ako kay Dark. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yun o ano kase pansin ko na biglang namutla si Dark.

"Tawagan mo na lang kaya"- Vince

"Hmmm sige try ko"- ako

"Uy, sino ba yung tinext mo?"- Jayden

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now