CHAPTER 21

2.5K 68 0
                                    

Cristhalia's POV
May halos one week na din mula nang sa bahay na nina Dark ako tumira.

"Baby ko, tara na"- sabi sakin ni Dark habang nakatok sa pinto ng kwarto ko

"Oo na eto na oh papunta na jan!"- sabi ko

Mula nung tumira ako dito lagi na kaming sabay pumasok ni Dark. Madami ngang nagtataka sa school kung bakit e. Hindi lang yun sobrang nakakapagtaka din na mula ng tumira ako dito hindi ko na nakakatxt si Nicx ko.

Nang makalabas na kami ng bahay dumeretso na agad kami ni Dark sa kotse nya at nagsimulang bumyahe papunta sa university.

After some minutes nakadating na kami sa university and as usual, madami na namang mata ang nakatingin samin.

"Yo guys nandyan na pala kayo!"- masiglang bati samin ni Vince

"Hi good morning baby ko"- sabi ni Aaron sabay akbay sa akin

Well mula nung gabi na dinalhan nya ako ng pagkain sa kwarto ko naging ganyan na sya sa akin. Daig pang boyfriend ko. Dahil first baby o kaya prinsesa ko ang tawag nya palagi sa akin never na nya akong tinawag sa pangalan ko mula noon.

Then sobrang overprotective. Tas lagi nya akong sinusundo sa mga klase ko. Nagagalit sya pag may nangbubully sa akin basta all in all daig ko pang kasama ko si Kuya Cris sa school araw araw.

"Baby, dapat di ma nanagsalamin, mas bagay sayo yung wala e"- malambing na sabi ni Aaron sakin

"Hay naku Aaron! Hindi ako sanggol para tawagin mong baby, at isa pa hindi kita tatay o ano pa man para yan ang itatawag mo sakin"- sabi ko sabay irap

"Bunso, pabayaan mo na ako. Ikaw naman"- sabi ni Aaron na may ngiti

"Bunso pala huh? Edi kuya na kita? Kuya Aaron"- pang aasar ko sa kanya

Bigla syang napatigil sa paglalakad kaya napatigil din kaming lahat. Teka nagalit ba sya dahil tinawag ko syang kuya?

"Ui, Aaron?"- sabi ko

"Ulitin mo nga, tawagin mo kong kuya Aaron"- sabi nya

"Kuya Aaron? Oh tapos?"- sabi ko na may pagtataka

Maya maya pa, tumingin sya sa akin at saka ngumiti. Matapos noon ginulo nya ang buhok ko.

"It really makes me happy Alia, sana from now on kuya na ang itawag mo sakin"- sabi niya sa akin

Napakunot ako ng noo sa mga sinabi nya. Ano bang nangyare sa isang ito? Kung maka pag react daig pang magkapatid kami na nawalay ng napakatagal na panahon e.

"Okay kung yan ang gusto mo kuya"- pang aasar ko

Ngumiti sa akin si Aaron at saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong sub sa umaga samantalang sila naman ay mamayang tanghali pa ang simula ng mga klase nila.

"Hey, sa cafeteria na lang tayo. Wala naman tayong mga klase eh"- sabi ko

"Hmm sige bunso, mauna ka na may pag uusapan lang kami saglit ha"- sabi ni Aaron

Nagsimula na akong maglakad papuntang Cafeteria. Nang makarating ako doon di kanais nais na mga tingin ang sumalubong sakin.

"Oh so siya pala? Siya pala yung nerd na nagfefeeling maganda"- sabi ng isang babae

Nag tawanan ang mga tao sa loob ng cafeteria dahil sa sinabi ng isang babe na yon. Hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay naupo na lang ako sa isang silya.

"Hay, antagal naman nina Dark.... hun teka, bat ko ba iniisip yung mga bwisit na yon?"- sabi ko sa sarili ko

"Hey nerd, masarap bang pagsawaan ng mga lalaki ha?"- sabi na naman nung isang babae

Nagtawanan na naman ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria. Ano ba talagang problema nila? At pag sawaan? Ano ako prostitute?

"Hahaha ang sagwang tingnan ano kayang itsura nyang nerd na yan habang pinagpapasa pasahan ng mga hearthrob natin?"- sabi naman ng isa pang babae

Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahhahahahhahahahahah

"Ano masarap ba silang lahat? Kaya lahat sila nilandi mo?"- sabi pa ng isa habang pinagtatawanan ako

Hindi na ako nakatiis sa mga pinagsasasabi nila at bigla akong tumayo para depensahan ang sarili ko mula sa taong nasa paligid ko na makikitid ang mga utak.

"Paki alam nyo ba sa buhay ko ha! Pinakakain nyo ba ako!? Kapal naman ng mga mukha nyo ni hindi nyo nga ako kilala kung makapang husga kayo kala nyo kung sino kayo!?"- sabi ko na may halong pagkainis

"Guilty yung bitch oh!"- sabi ng isang babae

"Hoy slut! Bakit hindi ba totoo na napagsawaan ka na!? Hindi ka na virgin diba! Wag kang tatanggi may nakakita sayo na dinala ka ni Dark sa condo nya!"- sabi naman ng isa

Maya maya pa lumapit yung isa pang babae na may dala dala baso ng juice.

"Hindi lang yon naaktohan ka din na bumaba mula sa kotse ni Clark diba!? Sabihin mong hindi totoo!? Flirt"- sabi nya sabay buhos ng juice sa mukha ko

"Meron pa bitch, maraming nakakita sayo na sinundo ka ni Aaron tas sumama ka naman kase malandi ka nga, kinakati at higit sa lahat Gold digger. Tanggi may mga litrato mo kami"- sabi nang naunang babae habang naka ngisi

"Tss. Makikitid talaga ang utak ng mga taong to, excuse me ha una sa lahat walang katotohanan ang mga pinagsasasabi nyo, oo sinundo ako ni Aaron, isinama ako ni Dark sa Condo nya at inihatid ako sa school ni Clark pero hindi ibig sabihin noon na nilalandi ko sila. At isa pa, hindi ako slut, bitch at flirt ha sa paglilinaw virgin pa ako. Baka kayo tong mga lantang gulay na na nung sariwa napagsawaan na."- sabi ko na may diin

"Ikaw!"

Bigla akong hinigit sa buhok ng isang babae. Sinampal naman ako nung isa. Bale pinagtutulungan nila ako. Sipa doon, tadyak dito kalmot kung saan saan.

"Ngayon mo ilabas ang tapang mo malandi ka!"- sabi nung isang babae

"Tama lang to sayo bitch! Mamatay ka na hayop ka!"- sabi naman ng isa

Pinagtutulungan nila ako. Hindi ako makakilos, hindi ako makaganti dahil limang babae ang nangugulpi sakin. Samantalang yung ibang mga babae naman ay taga cheer na ipagpatuloy yung pambubully sakin.

"Nasan na kaya--- what the!"

"Fuck! What the hell are you doing to her!"

Nagulat ang lahat. Kilala ko ang boses na yun si Aaron at Dark! Ramdam ko na lumapit sila sa amin at inawat ang mga nangugulpi sa akin.

"Hey baby, we're here na"

Naririnig ko na may nakausap sa akin pero bigla bigla na lang itong nawala hanggang sa nagdilim na ang lahat.

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon