CHAPTER 24

2.4K 57 0
                                    

Cristhalia's POV
"Hi? Pangit ba?"- tanong ko sa kanila na hanggang ngayon ay nakatingin lang sakin

"Nope, truly lumabas yung ganda mo nung umigsi yung buhok mo"- sabi ni Vince na nakangiti

Matapos noon lumabas na kami sa parlor shop. Sinabi ko sa kanila na gusto kong pumasok pero hindi nila ako inintindi.

"Uy, may pasok pa tayo dib?"- sabi ko sa kanila

"Tsk, tingnan mo nga relo mo kung may pasok pa?"- sabi sakin ni Aaron

Tiningnan ko yung relo ko at nakita ko na 3:00 pm na ng hapon. Napapout na lang ako habang sila naman ay tahimik at may kanya kanyang ginagawa.

"Nga pala Dark, pano na yung project natin? Sa isang araw na ang deadline noon diba?"- biglang sabi ni Aaron

"Hala! Oo nga pala may Project pa tayo!"- sabi ko

"Tsk! Ngayon mo lang naalala?"- tanong sakin ni Aaron

"Oo eh hehehe. Alam ko na! Gumawa na lang tayo ngayon! Sleep over na lang kayo sa bahy nina Dark. Okay lang naman yun diba?"- sabi ko habang nakatingin kay Dark

"May magagawa pa nga ba ako? Pati wala ding pasok bukas may conference meeting ang mga teachers sa buong University kaya may time tayo para makagawa ng project natin"- sabi ni Dark

"Okay, nandito na tayo"- sabi ni Jayden

Ang bilis naman? Nandito na kase kaagad kami sa bahay nina Dark. Si Jayden ang nagmamaneho. Nagsibaba na kami sa sasakyan at saka pumasok sa bahay ni Dark.

"Guys, pahiramin ko na lang kayo ng damit ko ha. Then handa ko na din mga gagamitin natin sa project natin. And Alia, sa Guest room ka na lang maghintay dun tayo gagawa project ha"- malumanay na sabi ni Dark

Nagpunta na sila sa kwarto ni Dark kaya ako ay pumunta na din sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit ko at saka naglagay ng contact lens sa mata ko para hindi ako naka salamin ngayong gagawa kami ng project namin.

Matapos kong makapag palit bumaba na ako at dumeretso sa guest room. Sabi kasi ni Dark dito daw gagawa ng project. Makalipas ang ilang minuto, dumating na din sina Dark.

"Bukas na tayo gumawa ng project natin. Naalala ko wala nga pala sakin yung ibang materials nasa condo ko nga pala"- sabi sakin ni Dark

Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng Guest room. Ilang saglit pa sinabihan na kami ng mga katulong nakakain na daw kaya nag punta na kami sa dining room.

"Pagkatapos nito, mauuna na akong umalis ha. Medyo nananakit yung ulo ko e"- sabi ko sa kanila

Natapos akong kumain na parang wala akong kasama. Kung gano kasi sila ka hyper at kagulong kasama s'ya namang tahimik nila pag nakain. Sabagay they all come from a rich and respectful family kaya ganito sila sa disiplinado.

Natapos ang araw na yon na parang wala akong kasamang lalaki sa bahay dahil pagkatapos namong kumain nagkulong silang lahat sa kwarto ni Dark.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sabi nga nila gagawa kami ng project. Agad akong naligo at nag asikaso ng sarili ko. Nilinis ko din ang mga sugat ko at nung okay na ang lahat, bumaba na ako at dumeretso sa guest room.

Kakatok na sana ako ng biglang buksan ni Jayden ang pinto. Seryoso? Gising na agad sila?

"Oh buti gising ka na. Kamusta tulog mo?"- sabi sakin ni Jayden

"Okay naman"- sabi ko

Laking gulat ko nang pagpasok ko ng guest room ay nandoon lahat sila Dark at may kanya kanyang ginagawa.

"Te... teka, project ba natin yan?"- manghang sabi ko

"Oo,"- tipid na sabi sakin ni Dark bago ipagpatuloy ang ginagawa niya

Ang gaganda ng mga nakalagay na drawing. Project ba talaga namin to? Grabe daig pang fine Arts graduate ang nagawa eh sa ganda.

"Kailan pa kayo nagawa ng project natin?"- sabi ko

"Well kagabi?natulog lang kami ng konti tas ginawa na namin ulit"- sabi sakin ni Jayden.

Bago ako gumawa ng project. Idiniscuss muna ni Dark yung mismong gagawin ko. Dahil hindi ako marunong mag drawing, at madami na silang na drawing ako ang nagawa ng mga design na ilalagay dun sa project namin habang nag dodraring sina Dark ng iba't ibang image na ilalagay nila doon.

Makalipas ang ilang oras, may mga page na din kaming natapos. Ako ang nag cocolor at naglalagay ng design at kung ano ano pa sa mga picture na nagawa nila.

Inabot kami ng hanggang hapon bago namin natapos ang gawain namin. Sobrang ganda nya matapos namin iyong gawin..

"Yiiiieeee ang ganda! Parang nakakapanghinayang ibigay sa professor natin eh"- sabi ko na parang kinikilig

"Piece of cake"- pagmamayabang ni Dark

"Piece of cake ka jan palibhasa magaling kang mag drawing e"- sabi ko

Iniligpit na naming lahat ang mga gamit na ginamit namin. Ibinalik na din ni Dak sa kwarto nya ang mga materials. Pati yung mismobg project sya na din yung nag tago.

"Yo guy! Dahil tapos na tayo! Its time to party party!"- masiglang sigaw ni Vince

Naglabasan na sila sa guest room kaya ako na lang ang natira doon. Nilinis ko ang mga pinagkalatan namin sa guest room. Sa pag wawalis ko, nakalimot ako ng isang compas ruler at lapis kaya minabuti ko na ibigay ito kay Dark.

Dali dali akong umakyat sa 2nd floor ng mansyon at pumunta sa kwarto ni Dark. Baka kasi nandito pa sya.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang Dark ang sumagot sa akin. Unti unti kong pinihit ang doorknob ng kwarto nya at tuluyang binuksan ang kwarto nya.

"Dark?"- sabi ko

Kinapa ko ang tabi ng pinto at nakapa ko ang isang switch. I on ko iyon. Pero laking gulat ko sa nakita ko sa kwarto nya. Puro kasi portrait ng mukha ko ang naroroon. May nga nakalagay na message sa baba sa lahat ng portait doon.

"Dark?"- sabi ko

Hindi ko iyon pinansin bagkus ay ipinagpatuloy ko ang pagtawag sa pangalan ni Dark pero wala akong Dark na nakita sa kwarto nya. Ipinatong ko yung compas ruler sa study table nya. Aalis na sana ako ng may isang portrait ng sarili ko na pumukaw sa attention ko

'Nicx ko'

"Nicx?"- sabi ko sa sarili ko

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα