CHAPTER 6

3.4K 99 0
                                    

Dark's POV
Hindi na talaga ako makapagpigil kaya bigla bigla akong lumapit at binuhat na parang sako si Thalia ko.

Dere deretso lang ang lakad ko kahit naririnig ko na nasigaw ang mga kasamahan ko. Wala akong paki alam sa inyo baka agawan nyo pa ako!

Pilit nagpupumiglas si Thalia pero wala syang nagawa. Lakad ako ng lakad hanggang sa makarating kami sa isang di ginagamit na kwarto.

Pumasok ako doon at nakakita ako ng upuan. Nilock ko muna yung pintuan bago ko sya ibaba sa upuan. Malinis kasi sa room na yon kahit walang nagamit.

"Hay salamat! Buti at ibinaba mo na din ako"- naiinis na sabi ni Thalia

Hindi ko sya pinansin bagkus ay naghanap na lang ako ng first aid kit. Nang makakita ako agad ko syang nilapitan.

"Hoy, anong gagawin mo?"- Thalia

Tiningnan ko sya sa mga mata at saka hinawakan ang kamay nya. Bale harapan ang pwesto namin kase kumuha ako ng upuan para magkaharapan kami.

"Ano bang nangyare bakit binully ka nila?"- malumanay kong sabi habang ginagamot ang sugat nya

"Wala ka na don! Aray!"- Thalia

Napa aray sya dahil bigla kong nilapatan ng bulak na may alcohol yung sugat nya.

"Tsk, bat ka nila binully?"- ako

"Aray ano ba! masakit!"- Thalia

"Bat ka nila binully"- pag uulit ko

"Paki alam mo ba? Hindi naman kita kaibigan o boyfriend o asawa para sabihin ko sayo!"- maratay na sabi nya

Itinigil ko ang pang gagamot sa kanya. Ibinaba ko ang hawak kong bulak at saka sya tiningnan.

Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya habang nakatitig parin sa kanya.

"Sasabihin mo o hahalikan kita"- malumanay kong sabi

Kita ko na biglang napalunok si Thalia ko. Unti unting bumaba ang tinggin ko sa ilong nya papunta sa labi nya.

Bigla kong naalala yung balak na gawin ni Clark sa kanya kanina.

"Ang sarap mo sigurong halikan."- ako

Biglang bumalik sa isip ko ang mga nakita at narinig ko kanina. Kung paano hawakan ni Clark si Thalia kung paano nya tingnan at kausapin ang mahal ko.

Parang magnet ang mukha ni Thalia, magnet na parang ayaw paalisin ang mukha ko sa tapat ng mukha nya hangga't di nagkakalapit ang mga labi namin.

Natutukso na talaga ako kaya unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa tuluyan kaming magkahalikan.

Ramdam ko na nagulat sya sa ginawa ko. Pilit nya akong tinutulak pero masyado akong malakas kaya di sya nag tagumpay.

Ang lambot ng labi nya. Ang sarap halikan. Maya maya pa, unti unti ko ng inihiwalay ang labi ko sa labi nya at saka sya muling tiningnan sa mga mata.

"Tandaan mo to Thalia, Sakin ka lang at walang sinuman ang pwedeng umagaw sayo mula sakin. Hindi si Clark hindi ang kung sino dyan dahil sa oras na mangyare yon. Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin."- ako

Hinawi ko ang buhok sa mukha nya. Hindi sya makaimik, marahil hindi pa nya totally natatanggap yung nangyayare.

"Walang mananakit sayo dahil sakin ka, ako ang makakalaban ng mang aapi sayo"- ako

Muli ko syang hinalikan pero sa noo na yun. Matapos noon muli kong kinuha ang bulak at ginamot sya. Sya naman ay walang imik na pinanonood ako.

"Tapos na, may iba pa bang masakit sayo maliban sa mga galos na to?"- ako

"Wala"- Thalia

Tiningnan ko sya sa mga mata at saka muling nagsalita.

"Ayokong lalapit ka sa kahit sinong lalaki sa buong campus naiintindihan mo? Ako lang ang pwedeng lumapit at kumausap sayo"- ako

"Anong, hoy Dark ano ba tong pinagsasasabi mo ha? Kanina ka pa ahh. Di kita kaano ano para utusan ako ng mga dapat kong gawin, di kita kamag anak o syota para sabihin kung sino ang dapat kong kausapin o hindi"- Thalia

Natauhan ako sa sinabi nya. Ano nga ba nya ako? Isa nga lang pala akong hamak na on phone bf nya na hindi naman nya talaga kilala.

Isa nga lang pala akong bully na ang hilig ay magpapansinsa kanya. Sino nga ba ako sa kanya. Ako lang naman yun taong kinamumuhian nya.

Tumayo na sya at kinuha nyung gamit nya.

"At isa pa, muntik na kong madala sa sinabi mo kanina, pero bigla akong natauhan sa katotohanang ikaw si 'Dark Oliver' ang taong hubby ang pang iinis at pambubully sakin. Pinagsisisihan ko na ikaw nakakuha ng first kiss ko kase sigurado akong pagtatawanan mo ko pagkatapos neto"- sya

Hindi ako umimik sa sinabi nya. Gusto ko syang yakapin at sabihing totoo lahat ng sinabi ko sa kanya. Gusto kong sabihin na nagpapapansin lang talaga ako sa kanya. Gusto kong sabihin na mahal ko sya pero natatakot ako na baka sagutin nya lang ako ng

'Tama na, alam kong pinagtitripan mo na naman ako'

At umiyak na naman sya ng dahil sa kagagawan ko.

Naglakad na sya palabas ng kwarto, pero napatigil sya sa tapat ng pintuan.

"Nga pala, salamat ha. Kahit papaano na appriciate ko yung pagtulong mo sakin kanina"- Thalia

Bigla akong napatingin sa kanya at sa unang pagkakataon nakita ko ang ngiti sa mukha nya. Ngiti na hindi mula sa cellphone kundi isang ngiti na alam kong bukal loob nya. Pagkasabi nya noon tuluyan na syang lumabas ng kwarto na yun at iniwan akong nag iisa.

Bzzzzzzzzzz bzzzzzzzzzzz

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nag vibrate.

"Hello"- ako

'Pre asan ka? Este asan kayo? Kanina pa namin kayo hinahanap. Nagpunta na kami sa clinic pero wala kayo doon san ba kayo nagpunta?'

"Nandito ako sa room 3*** sa 2nd floor ng ****** building"- ako

'Ah ok----'

Di na niya natapos ang sasabihin nya ng bigla kong pinatay ang cellphone ko.

Napa facepalm ako, Hay ayaw nya talaga sakin kahit totoo ang sinasabi ko ayaw nyang maniwala.

Nasa kalaliman ako ng pagiisip ng bigla kong maalala yung nangyare kanina. Napahawak ako sa labi ko at saka napangiti ng wala sa oras.

"Alam ko na ang gagawin ko para maging sakin ka"- ako

BLAG....

"Dark! Andito ka lang pala! Teka!? Asan si Thalia?"- Vince

"Umalis na"- ako

"Uy, parang good mood ka ata ahh"- Jayden

"Good mood?"- ako

"Bigyan nyo nga to ng salamin para makita nya na abot tenga yung ngiti sa mukha nya."- Jayden

"Tsk"- ako

Mapakagat labi ako. Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam pag nahalikan mo yung babaeng mahal mo sa unang pagkakataon?

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now