CHAPTER 2

4.5K 106 2
                                    

Dark's POV
"Hey bro, yung my loves mo umalis na"- Jayden

Napatunghay ako ng sabihin ni Jayden ang mga katagang yun. Agad kong inilibot ang mga mata ko duon ko lang napagtanto na wala na nga dito si Thalia ko.

Hi guys, ako nga pala si Jhace Dark Oliver. Dark na lang for short. 23 yrs old at 4th yr college in BS in Architecture.

"Tara,"- ako

Nagsitayo na kami sa inupuan namin at nagsilabas. Kung nagtataka kayo kung sino ang sinasabi nilang my loves ko well ipapakilala ko sya sa inyo.

She's Cristhalia Sky Mendoza, pero kung anong ganda ng pangalan ay sya namang panget ng pagmumukha nya. She's a nerd. A total nerd pero hindi ko alam kung anong nangyare sa akin at sa kanya pa ako nagkagusto.

I'm one of the hearthrobs here at isa din akong varsity player dito. Kaya kung tutuusin paano ako nainlove sa isang pangit na kagaya nya. Ewan ko ba, iba talaga pag tinamaan ng palaso ni cupido.

Bzzzzzz bzzzzz bzzzzz bzzzz

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko na nagmessage na ang my loves ko.

From: nicx
Nicx, tapos na first subj. Ko ngayon. Kumain ka na ba?

To: nicx
Hindi pa eh, may practice kase kami sa basketball.

Pagsisinungaling ko. Wala akong magagawa. Hindi nya pwedeng malaman na ako ay yung taong laging nangaapi sa kanya.
Lakad ako ng lakad ng bigla akong higitin ni Vince.

"Fuck! Bat mo ko hinigit!?"- ako

"Uy pare naman, paanong hindi kita hihigitin eh pader na yang babanggain mo"- Vince

"Pare naman, tingin tingin sa dinadaanan pag may time mababangga ka na ng wala sa oras, bahala ka baka di ka magustuhan ni Cristhalia niyan"- Jayden

"Oo na!"- ako

Alam ng mga kaibigan ko na may gusto ako kay Thalia at you know what gulat na gulat sila ng sabihin ko na gusto kong magpapansin sa kanya.

Well at dahil doon tinilungan nila ako. Kanya kanya kaming hanap ng makukuhaan ng number nya at yung social media name nya.

To: Nicx
Hey nicx may klase kayo?

Send. Hihihi malalaman ko ngayon kung asan sya.

From: Nicx
Wala kaming klase mamaya pa, nasa garden ako ng school alam mo naman naiinis ako sa mga tao sa school kaya dito ako napunta

"Hmm nasa garden pala"- Aaron

"What the, wag ka ngang mambasa ng text ng may text!"- ako

"Sus, ganyan ka na, hay naku ano ba talagang nakain mo at nagustuhan mo yung babaeng yon?"- Aaron

"Ewan ko, nalove at first sight ako sa kanya e"- ako

"Hahahah alam mo pag sinasabi mo yan, parang gusto kong masuka ang cornii!"- Jayden.

"Tsk, bahala nga kayo jan, dun muna ako sa may Garden"- ako

Iniwanan ko sila at tuluyang pumunta sa garden ng university namin.

Silip dito

Silip doon

Asan kaya yung babaeng iyon? Inilibot ko ang mata ko habang nagtatago sa mga halaman. Tago kasi ang garden at wala halos no, walang  pumupunta doon kundi sya lang.

Tingin tingin tingin

Sa wakas nakita ko si Thalia ko na nakahiga sa ilalim ng puno. Kahit malayo ako kita ko na nakapikit sya.

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz