CHAPTER 33

3.1K 63 0
                                    

Cristhalia's POV
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon, ang pinakahinihintay na araw nina Dark. Ang graduation nila. Nag aasikaso na ako ng mga bagay na dadalhin ko para sa graduation. Cumlaude si Kuya Aaron natuwa nga ako nung nalaman ko iyon.

Nang maayos ko na ang lahat, pumunta na ako sa labas at nagpahatid sa driver nina Dark. Wel dito pa din ako nakatira sa bahay nina Dark kahit nalaman ko na na kapatid ko talaga si kuya Aaron.

nang magmaneho ang driver nina Dark, bake ako lang mag isa ang pupunta sa Graduation kase nauna nang pumunta doon sina Kuya. Nasa kalagitnaan kami ng daan papunta sa school nina Dark ng biglang may maitim na van na tumigil sa harapan namin.

Maya maya pa, 5 kalalakihan na nakaitim at nakasuot ng bonet ang bumaba sa loob ng van. Lumapit sila sa kotse na sinasakyan ko at pilit akong kinukuha. Nanlaban ako pero wala akong magawa laban sa lakas nila. Kinuha ako nung mga lalaki at pilit isinakay sa van

"Mga hayop kayo! Pakawalan nyo ako!"- pagpupumiglas ko

Bakit ganito? Bakit ba lagi na lang akong nakikidnap? Ano bang kasalanan ko?

"Tumahimik ka jan! Pag di ka tumahimik, nakikita mo tong baril na to!? Hindi ako magdadalawang isip na iputok to jan sa ulo mo!"- sigaw sa akin nung isang lalaki na nakaitim

Bigla akong tinalaban ng takot. Bakit? Bakit kailangan mangyare to?

"Gising ba sya?"

"Oo boss"

"Patulugin mo"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Bakit kailangang patulugin ako? Lumapit sa akin yung isa sa mga lalaki at may idinamping panyo sa mukha ko. Nagpumiglas ako pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyare. Unti unti akong nawalan ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Someone's POV
Kring......
Kring......

Kinuha ko ang telepono at marahang kinausap ang taong nasa kabilang linya.

"Ma'am nakidnap na po nila si Ma'am Cristhalia"- sabi nang lalaki sa kabilang linya

"Mabuti naman po kung ganun manong. Bumalik na kayo sa mansyon at gawin nyo ang pinagagawa ko sa inyo"- malumanay kong sabi sa kanya

"Sige po ma'am"- sabi nya sa akin bago ibaba ang telepono

Maya maya pa, rinig ko ang ugong ng sasakyan na unti unting pumapasok sa loob ng malawak kong parking lot. Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang mga tauhan ko na inutusan kong kumidnap kay Cristhalia.

"Ma'am, nakuha na po namin sya. Ang galing po palang umarte nung driver na yon ma'am hindi mo mapapagkamalan na kasabwat e"- nakangising sabi nung isang tauhan ko

"Syempre, tauhan ko din sya kagaya nyo. Hala! Ibaba nyo na si Thalia sa kanyang higaan at hayaan nyong gawin ni Goerge ang dapat nyang gawin"- makahulugan kong utos sa kanila

Ibinaba na nila si Cristhalia sa isang kama. May maya pa, dumating na si Goerge at sinimulan na ang kanyang dapat gawin. Napangiti sya ng makita nya kung gaano kaganda ang babaeng matagal ko nang sinasabi sa kanya.

"Goerge ikaw na ang bahala sa kanya"- sabi ko sa kanya

"Yes ma'am ang saya nito, siguradong mag eenjoy ako dito"- nakangiting sabi ni Goerge habang pinagmamasdan ang itsura ng tulog na si Cristhalia

"Tita"

Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Nakita ko si Vince na nakangiti

"Kamusta Vince, kamusta ang pinapaasikaso ko sayo?"- nakangiting sabi ko

"Nagawa ko na pong lahat tita, si Dark na lang ang kulang at si Thalia"- sagot sa akin ni Vince

"Naipakidnap ko na si Cristhalia at kasalukuyang si Goerge ang may hawak sa kanya. Si Dark ang asikasuhin nyo."- makahulugan kong sabi

"Wag po kayong mag alala kami na po ang bahala kay Dark hindj ba Jayden?"- nakangising sabi ni Vince

"Oo, sisiguraduhin naming di makakalimutan ng dalawang iyon ang araw na ito."- nakangiting sabi ni Jayden

Umalis na ang dalawa ako iniwan akong nag iisa. Sinilip ko si Cristhalia at kita ko na hinuhubadan na sya ni Goerge.

Magiging masaya ang araw na to.

Jayden's POV
Nandito kami ngayon sa isang taong resort kung saan naroroon si Thalia. Si Dark na lang ang kulang at magagawa na namin ang matagal na naming plano.

Pumunta ako sa may Garden at tiningnan kung ayos na ba ang lahat doon.

"Jayden, nacontact mo na ba si Dark?"- tanong sa akin ni Vince

"Hindi pa, kailangan na nating kumilos at hanapin kung nasan sya. Kailangang matapos na ang lahat ng ito bago lumubog ang araw"- seryosong sabi ko

Tinawag ko ang 5 na lalaki na inutusan ni Tita na kumidnap kay Cristhalia.

"Ser may iuutos po ba kayo?"- sabi sa akin ng isa sa lima na yon

"Meron, hanapin nyo si Dark, wag na wag kayong titigil hanggang di nyo sya nahahanap kailangan natin sya bago matapos ang araw na to"- makahulugan kong sabi sa kanila na agad naman nilang sinunod

Matapos noon, isang tawag ang nakarating sa amin mula kay Aaron.

"Hello"- sabi ko

"Asan kayo? Tulungan nyo naman ako napaka daming bulaklak tong dala dala ko"-reklamo ni Aaron sa amin

"Sige pupuntahan ka namin jan"- masigla kong sabi kay Aaron

Sinenyasan ko si Vince ng maibaba na ni Aaron ang cellphone nya. Agad kaming nagtungo sa isang sasakyan at pinuntahan si Aaron.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar kung asan si Aaron, nakita din namin dun si Dark na may dala dalang isang bonquet ng bulaklak.

"Dark"- tawag ko sa kanya

"Oh kayo pala! Kamusta!?"- nakangiti nyang sabi sa amin

Nilapitan sya ni Vince at biglabg binatukan

"Ikaw! Kanina ka pa namin hinahanap! Inutusan na namin yung kumidnap kay Thalia na hanapin ka tapos nandito ka lang pala! Dalian mo nandun na si Thalia inaayusan ni Goerge!"- pasigaw na sabi ni Vince kay Dark

Napatawa lang si Aaron sa kanilang dalawa. Kailangan na naming ayusin ang lahat bago gumabi.

"Guys, tara na aayusin pa natin ang lugar kung saan magpropropose tong lover boy natin"- patawang sabi ni Aaron

Oo tama kayo nang nababasa. Ngayon ang araw na pormal na magpropropose si Dark kay Thalia. Siguro naguguluhan kayo pero ito lang masasabi ko exciting to panigurado.

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now