CHAPTER 23

2.4K 64 1
                                    

Cristhalia's POV
Matapos kong magising mula sa aking pagkakatulog, agad din akong dinischarge sa hospital dahil hindi naman ganun kalala ang naging mga sugat ko. Talagang over acting lang ang mga kasama ko.

"Alia, magpagupit ka"

Napatingin ako kay Aaron ng bigla syang mag salita. Bakit naman kailangan kong magpagupit? Gandang ganda nga ng buhok ko, mahaba.

"Tsk, hindi mo pa napansin na hindi na pantay pantay yang bubok mo? Sige ikaw din kung kaya mong pumasok na ganan ang itsura mo eh"- sabi ni Aaron

"Tsk. Oo na po boss magpapagupit na! Nga pala, nitong mga nagdaang araw bakit di ko napapansin si Clark? May nangyare ba sa kanya?"- tanong ko kina Aaron na ikinagulat naman nila

Ba't sila nagulat? May nasabi ba kong mali? O napahamak talaga si Clark pero hindi lang nila sinabi sakin?

"Alia, si ba sinabi sayo ni Clark na aalis sya?"- tanong sakin ni Aaron

"Huh? Aalis? Hindi. Wala syang nababanggit sakin. Sa totoo nga, huling beses na nakausap ko sya ay nung bago ako lumipat sa bahay nina Dark. Matapos no'n di ko na sya nakita"- sabi ko kay Aaron

Biglang kumunot ang noo ni Aaron at saka tumingin sa akin ng makahulugan.

"Umalis na si Clark, umuwi sya ng Korea, pinauuwi daw kase sya ng kapatid nya. Akala naman namin nagpaalam sayo kaya hindi mo hinahanap"- sabi sakin ni Aaron

"Luh, hindi, ni hindi ko nga alam na lumayas na pala sya. Hay, sana man lang nag paalam sya sakin. Bakit ba kase ganun hindi sila marunong mag paalam. Hindi man lang sinabi na - huy di muna ako mag paparamdam. Para hindi ko sila inaantay"- inis kong sabi

"Ehem, tama ba yung narinig ko? SILA? akala ko si Clark lang yung hindi nagpaalam sayo. Eh bakit SILA yung sinasabi mo?"- nakangising sabi ni Aaron

"Hay, ganito kase yan. May boyfriend ako, di pala. May on phone boyfriend ako. Jhace ang pangalan nya at nicx naman ang tawag ko sa kanya."- sabi ko kina Aaron

"Oh tapos anong nangyare?"- nakangising sabi ni Aaron.

"Yon, mula nung tumira ako kina Dark di man lang nagparamdam sakin. Buti pa nga ang multo nagpaparamdan samantalang s'ya hindi. Minsan nga naiisip ko siguro alam nya na, dun na ako nakatira kina Dark kaya tinigilan na nya ang pag tetext nya sakin. Kaso ang masakit doon di man lang n'ya sinabi kung hiwalay na ba kami o ano"- malungkot kong sabi

Napangisi lang sa akin si Aaron. Samantalang si Dark naman ay di naimik at malayo ang tingin. Sina Vince at Jayden naman ay natawa ng mahina tas nagbubulungan ng kung ano ano na di ko maintindihan.

"Hay, baka naman kilala nyo sya. Sabi nya sa school din daw natin s'ya napasok. Gusto ko talagang makilala sya e. Kase sa totoo lang crush ko yun. Ang bait bait nya kase"- sabi ko na medyo kinikilig

"Tsk, wala na yon, iniwan ka na non. Natakot siguro kase alam nya na bigatin ang kaagaw nya"- sabi ni Dark bago lumabas ng kwarto.

"Anong problema n'on?"- bigla kong sabi

"Haha, wala! Tara na okay na yung discharge papers mo. Ihahatid ka na lang muna namin sa bahay nina Dark baka kase di mo kaya"- sabi sa akin ni Aaron

"Wag na kuya, samahan mo na lang ako sa parlor. Magpapagupit ako then saka ako papasok"- sabi ko sabay ngiti

"Huh? Kuya?"- nagtatakang tanong ni Aaron

"Hay, baliw talaga! Diba sabi mo kuya itawag ko sayo!?"- sabi ko

"Ay oo nga pala hahahaha"- sabi ni Aaron

Nang makalabas na kami ng hospital, sinamahan nila ako sa mall para magpagupit. Mabubwisit nga ako kase sabi ko sa parlor shop na lang ewan ko ba sa mga taong ito kung bakit dito ako dinala nakakahiya tuloy.

"Hey, dun tayo. Kilala ko mga parlorista doon haha"- sabi samin ni Jayden

Pagkasabi nya noon, pumubta kami sa dereksyon na sinabi nya. Habang daan, napapansin ko na madaming mata ang nakatingin sa amin. At lahat ng mapapatingin sa amin, sala sa napapabulong ay napapatawa sila.

Bigla akong nakaramdam ng hiya at kaba sa dibdib ko. Sabagay kahit sino naman mapapatawa pag nakakita ng isang pangit na nerd na mukhang basahan na puro galos na kasama ng mga gwapong lalaki diba?

BLAGGG

"Aray ko naman! Hoy bakit ba?"- may pagkainis kong sabi

"Hoy nga chismoso at chismosa! Sinong pinagtatawanan n'yo ha!"- sigaw ni Dark

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Dark. Ngayon ko lang din napansin na para akong may kasamang body guard dahil napapalibutan nila ako. Bale dalawa sa harapan at dalawa sa likuran ko. All in all para akong may body guard kung titingnan mo.

Pagkasabi noon ni Dark, biglang nagsi iwas ng tingin ang mga tao sa paligid namin. Maya maya pa, naglakad na ulit kami hanggang sa makarating kami sa parlor na tinuro ni Jayden kanina.

"Hello po good day mga Gwapong Ser! Welcome po kayo! Welcome!"- sabi ng isang bakla na sumalubong sa amin

Itinuro nila kina Dark yung waiting Area at inasikasong mabuti.

"Hello po, mga ser ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"- sabi ulit ng nung bakla

"Well, give her a haircut. Gusto ko maging hanggang balikat na lang ang buhok nya"- sabi ni Aaron dun sa bakla habang tinuturo ako.

"Ahh okay po ser, pagugupitan nyo po pala itong kasambahay nyo hindi n'yo po agad sinabi"- nakangiting sabi nung bakla bago ako lapitan

"What the! She's not our maid! She's our princess. Kami body guard nya lang kami kaya you must respect her"- may pagkainis na sabi ni Aaron

"Huh anong!?"- gulat kong sabi

"Oh Im so sorry po. Dont worry po akong bahala sa kanya. Come here dear"- sabi sa akin nung bakla

Sa totoo lang mabait yung bakla. Maybe nag kamali lang talaga sya kaya akala nya katulong ako.

Sinumulan na akong gupitan nung bakla. After some minutes natapos na n'yang gupitan ako. May mga ginawa din syang kung ano ano sa buhok ko matapos nya itong gupitan.

"Okay! You're done na iha. Look at yourself at the mirror! Oh diba bongga! Lumabas yung kagandahan mo nung nagupitan ka kahit sabihing naka salamin ka"- sabi sa akin nung bakla

Matapos noon inalalayan nya ako papunta sa mga kasamahan ko.

"Ehem ehem, you're princess is here na mga gwapings."- sabi nung bakla

Ngumiti lang ako kina Aaron. Tanging gulat na reaksyon ang nakita ko sa kanila. Bakit? Pangit ba? Hindi ba maganda?

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon