CHAPTER 13

2.6K 66 1
                                    

Cristhalia's POV

"I love you baby, that's all"

Hanggang ngayon ay di parin mawala sa isipan ko ang mga katagang sinabi at inamin nya.
Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na may gusto, umm na mahal ako ni Dark.   

Kasalukuyan akong nasa school at para akong ewan na hindi maintindihan kung sino ang pinagtataguan. Para kasing ayaw ko munang makita si Clark at Dark dahil sa mga inamin nila.

Sa kakatango ko at sa lalim ng iniisip ko, di ko na namalayan na may nabangga na pala ako.

" Oh, Anong nangyare sayo? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic? Napilayan ka ba? May tumulak ba sayo? Sabihin mo sakin gugulpihin ko."- sunod sunod na tanong ni Aaron.

Napakunot ang noo ko sa mga tanong nya. Nabangga ko lang sya kung magreact kala mo kung sino nang bumugbog sa akin eh.

"Okay lang ako, salamat. Umm pede mo na bang bitawan ang kamay ko?"- nakangiti kong sabi

Bigla syang natauhan sa sinabi ko at agad binitawan ang kamay ko sabay hingi ng pasensya.

"Dark, may nagawa na ba kayong project?"

"Wala pa e, may ginawa ako kagabi kaya hindi ako nakabili. Yung girlfriend ko nakita nyo?"

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses ni Dark. Ano ba tong nangyayare sakin? Samantalang dati naman hindi ako ganito.

Dahil sa kaba ko, nakalimutan ko na, na kasama ko nga pala si Aaron ng mga sandali na yon.

"Uy, okay ka lang?"- Aaron

"A... ako? Oo naman okay lang ako. Hindi naman ako kinakabahan"- ako

Napakunot sya ng noo sa sinabi ko. Unti unti nyang hinawakan ang kamay ko at saka pinisil iyon.

"Ano bang problema?"- sya sabay halik sa kamay ko.

Bigla kong kinuha ang kamay ko mula sa kanya. Saktong dating naman nina Dark.

"Hey, baby andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap"- Dark

Napa lingon ako kay Dark sabay kunot ng noo dahil sa sinabi nya.

"Baby?"- ako

"Yes baby may sasabihin ka ba? Wag mo ng sabihin alam ko namang mahal mo din ako nasabi mo na kasi yun kagabi diba?"- nakangiting sabi ni Dark

Lalo akong napakunot ng noo with matching taas ng isang kilay. Ano bang nangyayare dito sa kulokoy na to. Sa pag kaka alala ko sya yung umamin kagabi at hindi ako.

Maya maya pa, lumapit sakin si Dark inakbayan nya ako sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko. WTF!

"Pre, hiramin ko muna syota ko ahh mukhang napapasarap usapan nyo eh"- Dark

"Anong syo-- umm"- ako

Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko sabay hila sakin palayo kina Aaron.

"Tukayo? Ui Dark anong ginagawa mo sa tukayo ko!?"-Clark

Bigla syang napatigil sa paglalakad ng makita nya si Clark. Hinarang sya nito at pilit akong inaagaw. Lumapit din samin sina Aaron at kagaya ni Clark pilit din nya akong kinukuha kay Dark pero sa kabilang dereksyon.

"Hoy Dark! San mo balak dalhin si tukayo ko!"- Clark

"Oo nga san mo balak dalhin si Thalia! Ibigay mo nga sya sakin!"- Aaron sabay higit sakin

"Ano! Hell no!"- Dark sabay higit din sa akin

"Ano ba kayo sakin nyo nga sya ibigay!"- Clark

Pinaghihilahan nila akong tatlo buti na lang pero pare pareho nila akong hindi makuha.

"Ano ba sabing bitawan mo sya!"- Aaron

"Kayo ang bumitaw!"- Dark

"Ibigay mo nga sya sakin!"- Clark

Nagkapikonan na sila Dark. Binitawan nila ako pare pareho sabay kompronta sa isat isa.

"Ano ba hindi ba kayo nakakaintindi! Diba sabi ko bitawan nyo!"- galit na sabi ni Dark

"Eh tanga ka ba!? Kung ibinigay mo na lang sakin di tinigilan kita!"- Clark

"Anong sa inyo! Hoy kami kanina yung mag kausap nung biglang harasin nitong si Dark si Thalia kaya dapat sakin nyo sya binigay!"- Aaron

Napaupo na lang ako. Nilapitan ako nina Vince at Jayden at inalo ako. Patuloy padin sa pagtatalo yung tatlo habang ako naman ay unti unting tumutulo ang luha dahil sa ginawa nila.

"Shhh tahan na wag ka ng umiyak uy"- Jayden

Kinocomfort ako nung dalawa habang patuloy ang pag aawaynung tatlo. Maya maya pa, unti unti nang dumadami ang nanonood sa amin.

"Luhh nu ba yan bat ba nila pinag aawayan yung nerd na yun eh ang pangit pangit naman"

"Nakakasuka, isang nerd na pangit pinag aagawan! Ano kayang klaseng gayuma ang pinainom nito sa kina Dark"

"Ang landi. Biruin mo tatlo talaga. Hindi makuntento sa isa ang puta"

Mas lalo akong naiyak sa mga narinig ko. Hindi ko naman ginusto to ahh! Bat ginusto ko bang pag agawan nila ako!? Hindi naman ahh! Sakit nyong magsalita! Kung makapanghusga kayo, daig pang kayo nanay ko!

Hindi ko na kaya ang narramdamam ko. Sobrang sama ng loob ko kina Dark ganun din sa mga schoolmate ko.

"Magsitigil nga kayo!"- Ako

Napatigil ang pag aaway nina Dark ng mag salita ako. Lahat sila ay nagsilingon sa akin at kapwa gulat ng makita nila akong umiiyak.

"... tu... tukayo"- gulat na sabi ni Clark

"Buti nagsitigil kayo"- mapang asar kong sabi

"Are you crying?"- Dark

Napangisi ako sa sinabi nya sabay ngiti ng peke.

"Hindi, nakangiti ako. Ang saya saya ko pa nga eh. Hindi ako naiyak promise. Sobrang natutuwa ako dahil pinag agawan nyo ako"- sarkastiko kong sabi

Napatungo silang lahat. Maya maya pa, unti unting lumapit sa akin si Dark at akmang hahawakan ang aking kamay.

"Wag mo kong hahawakan."- ako

"Thalia"- Dark

"Alam nyo, ang bait nyo, ang bait bait nyo, wala kong masabi sa kabaitan nyo. Biruin nyo yon, gawin nyo ba naman akong laruan na pinag aagawan. Higit higitin nyo ba naman ako na parang manika. Hello!? Buhay ako ha! Baka nakakalimutan nyo! Tao ako TAO! Hindi laruan!"- galit kong sabi

Hinawakan ako ni Dark para sana aluin ako pero tinabig ko iyon. Galit ako sa kanila, galit ako sa kanilang tatlo.

"Thalia, sorry"- Dark

"Sorry? No thank you, sayo na yang sorry mo di ko kailangan nyan kase tapos nyo na kong pag agawan. At tsaka, kung nagkahiwag hiwag ba ako kanina may magagawa yang sorry mo? Wala diba?"- Ako

Napatungo na lang si Dark. Sinulyapan ko yung dalawa at ganun din ang itsura nila.

"Grabe yung girl no? Kala mo naman maganda"

Lalong uminit ang dugo ko sa mga tao na nadidito. Kala mo kung sino eh pare parehas lang naman kaming tao.

"At kayo mga chismosa at atribida, mga pabibo, ako'y tigil tigilan nyo ha! Napakagaling nyong manghusga daig pang kayo yung nagpapakain sa akin! Parang di kayo nag aaral ah! Alam ko tinuturo sa school ay leksyon at kung ano ano pa hindi chismis at pagiging atribida! May grade ba ang pagiging pabibo? Try ko nga din baka sakaling tumaas grade ko!"- nakangisi kong sabi

Napahiya yung mga schoolmates ko kaya kanya kanya silang nagsi alisan. Napailing na lang ako ng wala sa oras sabay kuha sa mga gamit ko.

"Hey where are you going!?"- Clark

"Aalis hindi ba halata? Ayaw ko kasing makita nga pagmumukha nyo tsk. I hate you"- ako

Natigilan sila sa sinabi ko. Dere deretso na ako sa pag lalakad ko at kahit isang lingon ay hindi ko sila nilingon. I really hate them.

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now