CHAPTER 11

2.8K 81 6
                                    

Cristhalia's POV
"Thalia, saglit lang wag mo kong higitin"- Aaron

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko kay Aaron. Isa pa parang bigla biglang sumasaya ako pag nakikita ko sya samantalang kanina ko lang sya nakilala.

Patuloy ko parin syang hinihigit kahit na nag rereklamo sya. Ewan ko ba kung bat ko sya hinihigit basta feel ko lang na higitin sya. Tumigil kami sa may parking lot at saka hinintay sina Clark.

"Hay, buti tumigil ka na din. Ang kulit mo pala"- natatawang sabi ni Aaron

"Hmm slight lang... ewan ko ba, hindi naman ako ganto ka clingy sa iba lalo na sa hindi ko gaano kakilala pero sayo iba eh... iba pakiramdam ko sayo, yung feeling ba na parang matagal na tayong magkakilala pero ngayon lang tayo nagkita ulit"- ako sabay ngiti

Ngumiti lang sya sa akin at unti unting lumapit sa akin. Kinuha nya ang panyo nya sa bulsa nya at saka ako tinitigan.

Tinanggal nya ang salamin ko at pinunasan ang mukha ko sabay hawi sa mga buhok kong nakalawit sa mukha ko.

"Yan, okay na, pinawisan ka tuloy sa paghila mo sakin"- Aaron

"Ehem"

Napatingin kami dun sa umehem at nakita namin sila Clark na nakatingin sa amin. Si Clark ay nakakunot ang noo.

si Dark naman ay nakakuyom ang kamao at hindi mo maintindihan kung galit ba o ano samantalang sina Jayden at Vince naman ay nakangisi lang samin ni Aaron.

"Tapos na ba kayong maglandian?"- Dark

"Tsk kapal mo naman, lakas ng loob mong magsabi na naglalandian kami!"- ako

Nakakabwisit talaga tong si Dark kahit kailan! Buti pa tong si Aaron mabait di gaya nya ang sama sama ng ugali.

"Bakit? Di ba landian yang ginagawa nyo?"- Dark

"Pare, pare, tama na yan.. kailangan na nating bumalik sa school kase malapit na next subj. Natin"- Jayden

Tinatap ni Jayden si Dark sa likod samantalang si Vince naman ay style naka awat na hindi mo maintindihan.

"Tsk, tara na nga"- pasigaw na sabi ni Clark.

Sumakay na si Clark sa kotse nya at padabog na sinaraduahn yon. Ano bang nangyayare dito kay tukayo ko?

"Tara na, sakin ka na lang ulit sumakay"- Aaron

"No, sakin sya sasakay"- Dark

Napatingin ako kay Dark. Maya maya pa biglang sumigaw si Clark.

"Sakin sya sasakay"- Clark

"No thanks guys, kay Ron na ko sasakay"- nakangiting sabi ko

"Ron? Sinong Ron?"- Vince

"Hmm sya! Si Aaron... sabi nya kasi pwede ko syang tawaging Ron"- ako

Lalong lumaki ang ngisi sa mukha ni Vince sa sinabi ko. May sinabi ba kong mali? Sa pag kakaalam ko wala naman diba?

Nabigla ako ng hawakan ako ni Dark sa kamay. Ano bang problema ng isang ito?

"Dito ka saking kotse sasakay"- Dark

Napalingon ako kay Aarong ng bigla naman nyang kunin ang isa ko pang kamay.

"Hindi pare, ako nauna kaya sakin sya dapat sumabay"- seryosong sabi ni Aaron

Bigla ulit akong hinigit ni Dark pero hinigit din ako ni Aaron sa kabilang dereksyon.

"Ano ba!? Tigilan nyo nga ako! Nasasaktan na ako! Hoy ikaw Dark! Diba magkaaway tayo! Bat mo ko ginaganto ha!?"- Ako

Nakakainis na grabe! Bat ba hindi na lang ako pabayaan ni Dark. Hindi ko naman sya syota o kapatid o asawa o kabit para pigilan nya ko!

"Basta sakin ka sasabay naintindihan mo!"- Dark

"No! Ayoko!, tukayo pasabay na lang ako pwede"- ako

Inirapan ko muna si Dark bago ako humarap kay Clark. Hindi ko alam kung nakita nya o napansin nya na inirapan ko sya gawa ng salamin ko.

Akmang lalakad na ako papunta kay Clark ng biglang hawakan ni Aaron ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya na gulong gulo ang utak.

"Bakit? May problema ba?"- ako

Bigla syang nagpout sa akin at nagpapaawang nagsalita.

"Kala ko sakin ka sasabay"- Aaron

"Ah ehh hehehe kay Clark na lang"- ako

Nahihiya kong binawi ang kamay ko sa kanya. Muli syang nagpout sa harapan ko. Yiieee ang cute cute nya talaga promise!

"Okay..."- malungkot na sabi nya

Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi na ako nakapagpigil sa kacutan na pinapakita nya kaya bigla bigla ko syang kiniss ng pasmack sa pisngi.

"Peace"- ako

Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ni Clark matapos kong ikiss sa pisngi si Aaron.

Halata ko ang pagkagulat sa mukha ni Aaron dahil sa ginawa ko pero ang hindi ko inaasahan ay kung bakit parang mas nagulat sina Dark at Clark kaysa kay Aaron.

Ano ba talagang problema ng mga ito?

Aaron's POV
Hanggang ngayon ay gulat parin ako ng bigla akong halikan ni Thalia sa pisngi. Ni sa panaginip hindi ko naisip na hahalikan ako ng isang tulad nya.

Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa school namin. Well nag iisa na lang ako kase sa sasakyan ni Clark sumakay si Thalia.

Hanggang ngayon hindi parin makamove on ang sarili ko sa nangyare.

Ibang iba yung pakiramdam ko nung bigla nya akong hinalikan. Yung feeling na biglang bumilis ang tibok ng puso mo sabay biglang init ng pakiramdam mo. Yung ganun ba....

"Hay Thalia, anong ginawa mo sakin... Alam mo bang dahil sa ginawa mo mababaliw ako meto sayo"- ako

Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko habang nagmamaneho. Lipad ang isip ko at nakastock lang dun sa pangyayare na hinalikan nya ako.

Bigla akong napahawak sa pisngi ko.

"Paano kaya kung sa labi nya ako hinalikan? Masarap kaya? Ngayon alam ko na kung bat nabaliw si Dark sa kanya."- Ako

Totoong totoo, alam ko na ngayon kung bakit nabaliw at na obssess si Dark sa kanya. Kahit na Nerd pa sya at halos walng paki alam sa iba.

She has something uncommon sa ibang babae. Yung hidden charm nya. Yung malambing na boses nya at nakakaadik na ngiti nya.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o nasisiraan ng ulo kase sa unang pagkakataon nagpapantasya ako sa isang nerd na kagaya nya. Isang nerd na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa isang halik nya lang.

"I will gonna make sure na mauunahan ko sa pagkuha sayo sina Dark. You'll going to be my girl no matter what"- ako

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon