CHAPTER 30

2.5K 63 0
                                    

Cristhalia's POV
Dali dali kaming humanap ng lugar kung saan kami makakaraan palabas ng ware house, perro bago pa man kami makalabas isang pamilyar na mukha na ang sumalubong sa amin.

"Di na kayo makakalabas ng buhay dito"- seryosong sabi sa amin ng kapatid ni Clark

Maya maya pa, isang putok ng baril ang nagpatigil sa amin.

BANGGG!!!

"At saan nyo balak pumunta?"

Napatigil kami ng marinig namin ang boses ni Clark. Agad namin syang nilingon at nakita namin si Clark na walang emosyon na nakatingin sa amin. May hawak hawak syang baril at nakatutok iyon sa amin.

"Clark! Tapusin mo na sila!"- sigaw ng isang boses sa di kalayuan

"Clark!"- gulat na sabi ni Dark

Maya maya pa, kitang kita ko na may likido na unti unting tumulo mula sa mukha nya. Umiiyak ba sya.

"Patawad tukayo,"- sabi ni Clark sa akin

Ramdam ang lungkot mula sa boses nya. Anong ginagawa nya? Bakit sya nahingi ng tawad?

"Clark, salamat. Tayo na lumabas na tayo dito"- biglang sabi ni Dark habang nagmamadaling lumabas

Hinigit ako ni Dark. Bakit sya nagpapasalamat kay Clark? Maya maya pa, isang galit na boses ang narinig namin

"Clark! Traydor ka! Mamatay kayo mga Smith!"- sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan

Biglang nagpaputok ang lalaki sa dereksyon ko. At sa di inaasahang pangyayare kita ko na tatama sa akin ang bala na iyon.

"Alia!"

Hindi ako makagalaw, alam kong tatama sa akin ang bala ng baril nya. Pero isang bagay ang hindi ko inaasahan, bigla akong niyakap ni Clark na naging dahilan para sa kanya tumama ang bala.

"Clark"- gulat na sabi ni Aaron

"Clark"- sabi ko kay Clark

Ngumiti lang siya sa akin na parang walang nangyare sa kanya maya maya pa, ramdam ko na may mainit na likido na tumutulo mula sa likod nya. Sa likod nya tumama ang bala.

"Clark.... Bakit?.... "- tanong ko habang unti unting tumutulo ang luha ko

"Patawad, mahal na mahal kita. Hindi kita kayang saktan. Patawad Thalia"- sabi ni Clark bago sya tuluyan syang natumba

"Clark!"- sigaw ko sa kanya

Tumulo ang luha ko. Clark, bakit? Agad siyang nilapitan ni Dark para alalayan. Ramdam ko sa mukha nya ang sakit dulot ng balang tumama sa katawan niya.

"Clark!"- sigaw ng isang pamilyar na boses

Nagulat kami ng patakbong lumapit ang lalaki na nagpanggap na si Nicx, agad ng nilapitan at niyakap ang katawan ni Clark ng makalapit siya sa amin.

"Clark, Clark, gumising ka! Gumising ka!! Hindi dapat sayo iyon! Di dapat ikaw ang tinamaan! Clark! Kayo!!!"- may galit na sabi ng kapatid ni Clark

Binitawan nya si Clark at galit na tumingin sa akin habang itinututok ang nakakasa nyang baril sa amin ni Aaron.

"Ikaw! Ikaw dapat ang nabaril! Ikaw dapat!"- nanggagalaiting sigaw ng kapatid ni Clark

"Ibaba mo yan! Napapalibutan ka na namin Art!"

Nagulat ako ng makita ko ang mga pulis kasama sina Vince. Nakatutok ang mga baril nila kay Art at anumang oras ay handang iputok iyon.

Maya maya pa, bigla akong hinablot ni Art sabay tutok ng baril sa sintido ko.

"Sige, iputok nyo! Sisiguraduhin kong isasama ko ang babaeng to"- malademonyong sabi ni Art

"Ibaba nyo baril nyo!"- utos ng isang pulis sa kasamahan nito

"Yan, mabuti at nagkakaintindihan tayo!"- sabi ni Art habang nakangisi

Habang ibinababa ng mga pulis ang baril nila napansin ko na parang may binabalak si Dark. Hindi nga ako nagkamali, bigla nyang hinawakan ang kamay ni Art.

Dahil sa pagkabigla napabitaw sa akin si Art at nakipag buno kay Dark. Pilit pinipigilan ni Art na makuha ni Dark ang baril na hawak nya pero di inaasahang pangyayare ang naganap.

BANG!

"DARK!"

Kita ko na ngumisi si Art. Maya maya pa, unti unti siyang natumba. Sa kanya pala tumama ang bala ng baril kanina.

Dark's POV
Natumba si Art, hinanghina akong napaupo salamat natapos din. Agad kinuha ng mga pulis ang bangkay ni Art habang kanina pa pala kinuha ng iba pang mga pulis ang katawan ni Clark.Nilapitan ako ni Alia at umiiyak na yumakap sa akin.

"Huhuhu kala ko kung ano nang nangyare sayo! Akala ko ikaw yung nabaril! Akala ko--"- nag iiyak na sabi ni Alia habang yakap yakap ako

"Shhh baby, hindi ako ganun kadaling mamamatay, magpapakasal at magkakaanak pa tayo kaya hindi ko hahayaan na mamatay ako ngayon"- sabi ko kay Alia sabay halik sa noo nito.

******
Nandito kami sa morge at tinitingnan ang kanyang bangkay. Alam kong sa loob loob mo mabuti kang tao. Mahal mo ang kapatid mo kaya mo to nagawa samin.

Yumakap sa akin si Alia habang pinanonood namin ang pagtakip ng tela sa bangkay ni Art.

"Kuya, pasensya na trinaydor kita. Pasensya na kuya"- sabi ni Clark habang tumutulo ang kanyang mga luha

Nilapitan ko siya ganun din sina Aaron. Tinapik ko ang balikat nya para kahit papaano mabawasan ang hirap na nararamdaman nya.

***Flashback***

BANGGG!

"WHAT THE!"

Agad akong nagtago ng may biglang bumaril sa akin. Pero bakit ganun? Inasinta ba talaga ako ng bumaril sa akin o hindi? Para kasing sinadyang padaplis ang tama sakin ng bala.

"Nandito ka na pala Dark? Gusto mo din bang sumama sa kaluluwa ni Cristhalia?"

Ang boses na iyon, sinulyapan ko ng bahagya ang nagsalita at tama nga ako ng hinala, si Clark yon! May hawak syang baril na nakatutok sa akin. Bwisit bwisit!!

Napansin ko na parang may isa pa syang lalaki na kasama. Maya maya pa, umalis na yung lalaki at iniwan si Clark.

"Dark, lumabas ka na jan. Wala kong balak na saktan ka"- seryosong sabi nya

Kita ko na ibinaba na nya ang hawak nyang baril at utay utay na lumapit sa akin. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko pero alerto parin akong nakikiramdam kung may balak ba syang gawin sakin.

Walang ano ano'y lumapit sya sa akin at may inabot na bagay.

"Susi yan sa posas ni Aaron. Nasa kwarto na yun sila. Iligtas mo sila para sakin. Dark, patawad. Ayokong mapahamak ang kapatid ko, kaya kahit di ko gusto ginagawa ko na lang para sa kanya. Kunin mo tong baril ko at ilayo mo kaagad sila dito."- sabi sa akin ni Clark

"Bakit mo ginagawa to?"- tanong ko kay Clark

"Hindi ba halata? Kaibigan ko kayo, mga tunay na kaibigan. Umalis na kayo bilisan mo. Ilayo mo ang magkapatid dito kung hindi mapipilitan akong traydorin ang kapatid ko mailigtas lang si Thalia mula sa kamay nya"- sabi sa akin ni Clark

***end of flashback***

"Wala kang kasalanan Clark, ginawa mo lang ang alam mong tama"- sabi ko sa kanya

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now