CHAPTER 28

2.2K 59 1
                                    

Aaron's POV
Naglalakad ako papunta sa Garden. Asan na kaya ang kapatid ko? Lakad lang ako ng lakad ng mapansin ko na may parang sumusunod sa akin.

Nung akmang lalapitan nya na ako, bigla akong humarap at inambahan sya ng suntok.

"Sir Aaron wag po!"- biglang sabi sa akin ng isang estudyante

"Tsk! Ba't mo ba ako sinusundan?"- tanong ko dun sa lalaki

Napalunok sya, marahil alam nya na uminit ang ulo ko sa kanya kaya ganon. Maya maya pa, may inabot sya sa aking bag na ikinalaki ng mga mata ko.

"Teka, sa kapatid ko to ah! San mo to nakuha?"- tarantang tanong ko sa kanya

"Nalimut ko po yan, bale nalaglag po yan dun sa dala nang kaibigan nyo"- maliwanag na sabi ng lalaki

Napakunot ako ng noo sa sinabi nya. Kaibigan? Sa pagkakaalam ko magkakasama kami nina Dark sa klase namin.

"Sinong kaibigan ko?"- tanong ko dun sa lalaki

"Yun pong lalaki na tukayo ang tawag nung nerd na babae, yun yun po yung may dala dun sa magandang babae kanina. May kasama nga po sya, yung nakagalit ni Sir Dark sa Cafeteria"- sabi ng lalaki

"Si Clark?"- bulong ko sa sarili ko

Maya maya pa, patakbong pumunta sa akin sin Dark. Tsk! Ano namang ginawa ni Clark sa kapatid ko?

"Aaron!"- sigaw sa akin ni Vince

Pinaalis ko na yung lalaki na kausap ko. Hingal na lumapit sa akin sina Dark at may dala dalang kapirasong papel.

"Ano yan?"- nagtataka kong tanong sa kanila

"Si Alia, nasa panganib sya"- hingal na sabi ni Jayden

Iniabot sa akin ni Dark ang papel at di ako makapaniwala sa nakasulat doon.

'Hello mga kaibigan ko, hinahanap nyo ba si Cristhalia? Wag na kayong maghanap, mapapagod lang kayo. Wag kayong mag alala, pag namatay sya ibabalik ko sa inyo ang bangkay nya - Clark'

"Clark!"- galit kong sabi habang hawak hawak ang papel na iyon.

Agad kaming kumilos nina Dark. Lahat ng alam naming pag tataguan nila ay hinanap namin.

"May apat lang sila na pwedeng pagtaguan. Ang Condo ni Clark, Ang mansyon nila, isang warehouse at isang Rest house."- sabi ni Jayden matapos nyang mahack ang information tungkol kay Clark

"Naoaka hayop mo Clark! Anong balak mong gawin kay Alia"- galit na sabi ni Dark

"Eto ang plano, puntahan natin isa isa ang lahat ng pwede niyang pagdalahan kay Alia, Dark sa Rest house ka, Jayden sa Mansyon ka nila, Aaron sa ware house ka, ako naman ang bahala sa condo ni Clark."- sabi samin ni Vince

Dali dali kaming gumawa ng aksyon matapos naming mag plano. Baka kung ano ang gawin ng tarantadong yun sa kapatid ko!

"Guys, tumawag kayo pag nandon sila para makapunta kaagad kami"- sabi ni Jayden

Matapos noon, kanya kanya kaming pumunta sa nasabing lugar na inasign samin no Vince. Halos paliparin ko na sa sobrang bilis ang kotse ko sa pagmamadali. May ilang minuto din bago ako makarating sa nasabing ware house nina Clark.

"Tsk, ang lawak ng ware house na to"- sabi kl sa sarili ko

Nung una dinaanan ko lang yung warehouse. Malay ba natin kung may naka abang dun sa akin. Ipinarada ko malayo sa ware house ang kotse ko bago ako pasimpleng naglakad papunta sa nasabing ware house.

Pag dating ko doon, dahan dahan akong pumasok sa isang basag na bintana. Nang makapasok na ako, dahan dahan akong naglakad para suriin ang lugar. Mahirap na, baka nandito nga sila.

Maya maya pa, may narinig ako na mumunting tinig galing sa isang silid. Agad akong pumasok sa kabilang silid na katabi ng silid na iyon.

Pagpasok ko doon, agad akong naghanap ng kahit isang maliit na butas na magiging daan paramakita ko ang nangyayare sa kabila.

Mula sa butas, kitang kita ko ang isang lalaki na nakatayo malapit kay Alia. Maya maya pa, lumapit sya kay Alia at hinawakan ang kapatid ko sa baba.

"Alam mo, pinatay ka na ng Dad namin eh. Bakit nabuhay ka pa? Pero wag kang mag alala, sa pagkakataong ito matutuluyan ka na"- malademonyang sabi ng lalaki na iyom sa kapatid ko

"Walang hiya ka! Wala naman akong ginawang masama sa inyo ha! Bakit mo ba ako ginaganito!"- sigaw ni Alia dun sa lalaki

Mlumayo ng bahagya yung lalaki dahilan para makita ko ang mukha nya. Teka, sya yung - sinasabi ko na nga ba! May masamang balak ang lalaki na yon sa kapatid ko!

Kitang kita ko yung lalaki na nagpanggap na isa pang Jhace kanina sa school. May hawak hawak syang baril at nakangiti na parang demonyo.

"Ikaw wala, yung pamilya mo meron, Alam mo ba na dahil sa pamilya mo namatay ang Mom namin. Dahil yon sa kawalangyaan ng pamilya mo! Alam nilang may sakit ang mom namin pero pinagtrabaho parin nila siya."- galit na sabi nung lalaki

Biglang itinutok nung lalaki sa ulo ng kapatid ko ang baril na hawak nya. Masama na to. Agad kong tinext sina Dark na nakita ko na si Alia. Matapos noon, ipinag patuloy ko ang pag silip sa mga bagay na nangyayare sa kabilang silid.

Nanlaki ang mata ko ng kitang kito na konting galaw na lang ng daliri nung lalaki ang puputok na ang baril sa ulo ni Alia.

"Mamamatay ka na"- may diin na sabi nung lalaki

"Kuya"

Mas lalo akong nagulat sa taong nakita ko. Tarantado sya! Pinagkatiwalaan namin sya! Traydor!

"Clark"- gulat na sabi ni Alia

"Oh, bunso nandyan ka na pala. Kamusta ang lakad mo"- sabi nung lalaki kay Clark

Magkapatid sila? May kapatid si Clark? Teka, gano na nya kami katagal niloloko.

"Hello tukayo"- nakangiting sabi ni Clark kay Alia

Lumapit sya kay Alia at niyakap ito ng mahigpit.

"Clark tulungan mo ako"- mangiyak ngiyak na sabi ni Clark

"Shh... baby, dont cry. Wag kang mag alala hindi ka naman mamamatay ng nag iisa, isasama ko sayo ang kapatid mo"- sabi ni Clark sabay ngiti ng malademonyo

Anong nangyare sa kanya? Parang hindi sya yung Clark na kilala namin. At teka, kung nandito sya ibig sabihin yung pagsabi nya na umalis sya at pumunta ng Korea ay pawang kasinungalingan lang?

Lumayo na si Clark kay Alia pero bago noon, hinalikan nya muna sa labi ang kapatid ko. Papatayin kita Clark napaka hayop mo!

Kring kring kring

Nataranta ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit nakalimutan kong isilent tsk!

BANG!

"Hello Aaron"

I'm That Nerd's Unknown Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now