His Personal Wife - 39.

275K 4.2K 915
                                    

Hi guys! I have a new KathNiel fanfic entitled "The Rising Star". Dahil maraming nagrequest eh. Haha. Makakarelate kayo dun alam niyo bakit? Isipin niyo, paano kung di nag-artista si Daniel Padilla? Ano kayang mangyayari? =)) I hope suportahan niyo rin yun gaya ng support niyo dito sa HPS/HPW =)) Aasahan ko kayo hahaha =))

Namnamin niyo bawat salitang binibitawan nila ha?

---------------------------------------

CHAPTER 39.

KATHRYN'S POV

Hindi ko alam kung paano lalapit sa kanya, o kung paano ko siya iaapproach. Ewan ko ba, parang namimilipit ang dila ko dahil after all these years, ngayon ko lang siya naalala.

Buti na lang, siya ang unang bumali ng invisible barrier sa aming dalawa.

Dahil bigla niya akong niyakap.

"Bogs..."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hi, Bogs."

Tinapik ko yung likod niya at maya-maya, bumitaw na siya. Nginitian niya na lang ako.

"Uhugin ka pa rin ba?"

 

"Sira."

Natawa na lang siya at nagkamot ng ulo.

"So..."

"Uhm..."

Nagkatinginan na lang kami at natawa.

Namiss ko rin siya.

Si Bogs...

Ang dahilan kung bakit ako nakapagsalita ulit.

Umupo na lang kami sa may bench sa may carpark.

He sighed.

"Ang tagal na 'no? 11 years." malungkot niyang sabi. "Ilang taon ng nakakalipas since, the accident."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon