His Personal Wife - 31.

275K 4K 660
                                    

Dedicated to her. Hi! Thank you MC :)

Mga pigney teens, enjoy niyo mga ganitong scenes ha? Di niyo alam baka... =)))))

---------------------------------------

CHAPTER 31.

KATHRYN'S POV

HOSPITAL

"DJ, ano ba!"

"Anong 'ano ba'?"

"Painosente ka pa! Sapakin kita dyan eh!"

"Kaya mo yun gawin sakin ha? Pasyente ako!"

"Wag ka kasing mangiliti!"

"Hmm. Sige na nga. Yakapin na lang kita ng mahigpit."

Niyakap niya naman ako ng sobrang mahigpit, sa sobrang higpit hindi na ako makahinga. Eto talagang si DJ, akala mo iiwan ko siya!

"DJ, wait. Yung dextrose mo!"

"Anong meron sa dextrose ko?"

"Kailangan ng palitan. Wait lang tatawag lang ako ng nurse ha?"

Tatayo na sana ako ng biglang hilahin niya yung kamay ko.

"Bumalik ka kaagad ha?"

"Oo naman." hinalikan ko siya sa noo niya saka ngumiti. "Corny mo pala kapag baldado ka na."

"Anong baldado! After a week madidischarge na ko!"

"Oo nga. Pero baldado ka pa rin. Bleh!"

Nagsmirk siya bigla. "Nako Kath. Wag kang mag-alala, mababaldado ka rin kapag tapos na tayo sa honeymoon natin."

Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagsitaasan ang dugo sa mukha ko.

"Bahala ka nga sa buhay mo! Monster ka talaga! Hmp!" inalis ko yung kamay ko na hawak-hawak niya pagkatapos lumabas ako ng room niya.

Huwaaaaa! Takte, namumula talaga ako. Huhuhu. Nagets ko sinabi niya. Lamunin mo na ako oh lupa! (_ _")

"Ms. Santiago, is there a problem?"

Pagkatingin ko, ay si Doc Jhoan Sanchez pala 'to. Isa sa doctors ni DJ.

"Kailangan na pong palitan yung dextrose niya, doc Jhoan."

"Well, if that's the case, then I'll ask one of our nurses to assist you. Anything else Ms. Santiago?"

"That's all doc. Thank you."

Nginitian niya ako at nakita kong may sumunod sa kanyang mga wards ng hospital.

Pumasok na ko ng room ni DJ. Nakapikit ang loko. Baka nakatulog na.

Umupo ako sa may edge ng kama niya. Staring at him makes me feel happy.

After a week, kapag nadischarge na siya sa hospital, magpapakasal na kami. Everything will finally fall into it's right places.

Oh how I love this man.

I traced my fingertips on every detail of his handsome face. Napakaswerte ko talaga na ako ang minahal ng lalaking 'to. He's handsome, that's a given. Mayaman, maipagmamalaki mo sa lahat.

But there's something more about him that makes me feel... loved.

Nagulat ako ng biglang may humawak ng kamay ko, si DJ lang pala. Nakatingin siya sakin at nakangiti.

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon