Previous Page of 5Next Page

His Personal Wife - Book 2.

Dedicated to
zephyrpedz
spinner.gif

Maganda po yung kanan sa gilid. Hinahanap-hanap kita by Daniel Padilla. Thanks dre for the official soundtrack of HPS/HPW! Nyahahaha! Sabog lang po. n_n

Dedicated kay Kuya Zephyrpedz na lagi kong inaasar kay LiwanagJanelle. Bawal po maglandian sa comment board ko dito. WAHAHAHA JOKE! Extra kayo hahaha. =)

 

 

--------------------------

 

 

CHAPTER 6.

DANIEL'S POV

 

 

"John, bakit parang hindi ka mapakali dyan?" tanong ni Pedz sakin habang may inaayos na papeles sa table niya. Kanina pa kasi ako nagkakamot ng ulo. Sa lahat ba naman ng Big Boss dito, si Kath pa?

 

 

"Nako hon, wag mo na lang pansinin yan. Mukhang hindi mo pa kasi alam ang relasyon nila." pang-aasar ni Janelle habang nakaakbay kay Pedz ng nakatayo.

 

 

Sinamaan ko lang sila ng tingin. "Wag niyo nga akong bwisitin. Ako na naman napapansin niyo. Kayo talagang mag-syota."

 

 

"Che! Kasi naman John. Ay mali, ano ba yun?" nag-iisip kuno si Janelle at tinuro ako. "Tama! Daniel John Ford Montenegro pala pangalan mo! Bakit ba naman kasi nagpanggap ka pang mahirap?"

 

 

"Hindi nga kasi--" aish. Muntik pa akong madulas na may amnesia ako. Ayaw nga palang ipasabi ni dad kahit kanino. "Wala."

 

 

"Anong klaseng sagot yan 'pre? Wag kang mang-goodtime. Seryoso kami ng girlfriend ko." pang-aasar pa ni Pedz.

 

 

"Pwede ba, wag kayong maingay? Nakakahiya marinig pa ng mga katrabaho natin."

 

 

"Ano ka ba John, este Daniel. Alam na naman ng lahat yung tungkol sayo. At alam rin nilang lahat na girlfriend at turned-to-be fiancee ka ng Big Boss natin." sabi ni Janelle na naka-pameywang pa.

 

 

"Sabihin mo nga 'pre. Alam ko na-engaged ka dun sa anak ng Buenavista kaso bigla ka na lang nawala. Patay ka na daw. Yun ang alam ko sa balita. Siguro magtatanan sana kayo ng Big Boss natin kaso, di ka sinipot 'no? Kaya ka nagkunwaring patay at nawala ng dalawang taon 'no? Hahaha!" natatawang sabi ni Pedz.

 

 

"Siraulo!" kinaltukan ko ng mahina si Pedz. "Basta wag kayong maingay. Namomroblema na nga ako kung paano ko haharapin yung babaeng yun eh."

 

 

"Bakit naman? I thought ngayon na magkasama na kayo ulit, okay na kayo? Wag ka ng maarte. Siguro kahit may personal relationship kayo, magiging professional pa rin ang pakikitungo niyo dito. Unfair yun samin 'no!" pang-aasar na naman ni Janelle.

 

 

Sasagot na sana ako ng biglang tinawag ako ng boss namin. Tumayo ako at tinignan si boss.

 

 

"Bakit po?" tanong ko.

 

 

"Pinapatawag ka ng Big boss natin. Parang-awa mo na, wag mong badtripin si Maam Kath dahil sa kanya nakasalalay ang pagtaas ng sweldo natin!" babala sakin ni boss.

 

 

"Eh bakit mo sakin sinasabi yan?"

 

 

Nakakuha ako ng kaltok sa kanya.

 

 

"Sir naman.. Makabatok naman kayo." sabay himas sa ulo ko.

 

 

"Alam namin na ikaw ang karelasyon niya dati! At malay mo maging fiancee ka niya! Kaya magpaimpress ka! Utang na loob mo na rin yan samin dahil tinanggap ka namin dito! Scale model designer ka na nga lang ng mga miniature house!" tss. Dami namang sinabi ng panot na boss namin. At fiancee? Masyado pang maaga. Ni hindi ko pa nga maalala si Kath. Mababadtrip ako pag ganun.

 

 

"Oo na ho!" sinamaan ako ng tingin ni boss. "Sir!"

 

 

"Mabuti. Sige na, baka mainip yun at mapag-initan pa ko. Dali na!"

 

 

Para akong robot na dumiretso sa office ni Kath. Este ni Big Boss. Putcha, bigla akong kinabahan! Tss. Nakatingin pa sakin 'tong mga officemate ko. Sarap tusukin mga mata.

 

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (802)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

His Personal Wife - 6.

Cast

Kathryn Bernardoas Kathryn Santiago
Daniel Padillaas Daniel Montenegro

Who's Reading

Recommended