His Personal Wife - 12.

319K 4.9K 1.4K
                                    

Di ko mapigilang di mag-update. Daming kaganapan sa kathNiel. Shet. Kilig ako mygod. Spread the KV (kathNiel vibes) <3

Dedicated to Ate Roma. Ey, last na 'to. Excited na talaga ako sa meetup natin nila Ate Miq. Hahaha! Sana may mga kasama pa tayong ibang kathNiel authors 'no? Like. Ehem. special mention RMz (pilyangRMz) and Ate Erin (erindizon). Mwahahaha :">

-------------------------

CHAPTER 12.

KATHRYN'S POV

AFTER A WEEK

Ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin para makaalala na siya. Nagmukha na siguro akong desperada eh. Naging nerd ako for a week. Naging slave talaga ako ni DJ. Naging teddybear ni DJ dahil lagi siyang nangyayakap. Ewan ko ba dun. Wag mong sabihing nagkakagusto na siya sa akin? Nakakatuwa naman yun kaso, diba?

Mas magandang magustuhan niya ako ulit ng nakakaalala na siya.

At eto ako ngayon, umiiyak mag-isa sa living room. Nilalamon yung popcorn habang nanunuod ng 'The Vow'. Grabe, ang dami kong iyak! Ang unfair kasi eh. Hindi na siya naalala nung babae pero nagkatuluyan pa rin sila sa huli. Ang saklap pala ng ganun. Naiisip ko, parang ako yung lalaki. Hintay ng hintay sa taong ni walang kasiguraduhan kung maaalala ka. Ay ewan! Bakit ba nagdadrama ako ngayon?

Nasaan na ba kasi si DJ? Ang tagal naman niya dumating! Gusto ko ng sabihin yung surprise ko eh.

*tok tok*

Just in time!

Tumakbo kaagad ako papuntang pintuan para mapagbuksan si DJ.

"Hi." bati ko sa kanya.

"Hi." sabi niya sabay halik sa noo ko. Hays, pagod na naman siya. Tinapos niya kasi yung 10 days niya sa company namin. Ayaw naman niya daw na iwanan yun. Grabe, ang sipag!

Pumunta kaagad ako sa ref at inilabas yung pagkain niya. Ininit ko na rin sa microwave. Pagkatapos pumunta na kaagad ako sa dining room.

Inilapag ko na yung pagkain niya dun tapos tinawag ko na siya. Lumapit naman siya nun.

"Thanks Kath. Gutom na rin ako eh. Grabe, nakakapagod. Yakapin mo nga ako!"

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon