His Personal Wife - 17.

329K 4.9K 1.7K
                                    

Dedicated to her. Thanks! =)

Anyways guys, enjoy the update! Ay, may scene pala dito na teaser ng isang scene sa isang KathNiel fanfic na marami ding nagbabasa! Kaya I advice na magbasa rin kayo ng ibang kathNiel fanfics dahil malay niyo, may HPW teaser na pala dun. Malay niyo lang hahaha =) Collabs! HAHAHA *evil laugh* Alam niyo yun chi... hahaha! ENJOY the Update. =)

-----------------------------

CHAPTER 17.

KATHRYN'S POV

TAGAYTAY: 2ND DAY

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni DJ. Pero syempre sa harapan lang ni Quen at ni Bea yun. Pagkatapos ng nangyari kanina, pakiramdam ko kumpleto na ulit ako. Siguro nga masyadong mabilis yung pangyayari. Natanggap ko siya ulit.

Pero ayoko na kasing mag-inarte. Yung tipong magtatanim pa ako ng sama ng loob sa kanya dahil lang nagtago siya sakin sa loob ng dalawang taon. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal niya rin ako. Yun ang importante. Atsaka, alam ko na magbabati at magbabati rin kami. Hindi yata namin matitiis ang isa't-isa. May dahilan naman siya. Tatanggapin ko yun. Nagkasakitan kami, totoo. Pero ngayon? Ayos na kami. Ayoko na. Ayoko na mangyari na tiisin ulit namin ang isa't-isa.

Bakit ganun? Pakiramdam ko teenager pa rin ako. Young adult pa lang ako pero pwede pamura? Shet! Ang saya-saya ko! Nasa akin na ulit ang master ko.

Pero di ko maiwasan na mabahala. Anong meron kay Bea at bawal siyang masaktan?

Nagbihis na ako ng t-shirt at shorts. May bonfire daw kasi eh. Ayoko namang magmukhang KJ kaya sasama ako. Kahit magkunwari muna kami ni DJ na not-in-good terms. Hayaan ko na muna.

*tok tok*

Binuksan ko yung pinto at nagulat ako ng makita ko kung sino.

SI DJ, nakasandal sa gilid ng pintuan, nakacross-arms at nakangiti sakin.

"Oh DJ? Baka may makakita sayo."

"Nasa labas na sila. Sa may bonfire. Sabi ko susunduin kita dito at sabay na tayo lalabas."

"Ah. Sige, tapos na naman ako. Lika na?"

"Sandali lang." pumasok siya ng kwarto at sinarado niya yung pinto. Tapos nilock 'to.

Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya. "Ah, DJ? Di pa ba tayo bababa? Baka hanapin nila tayo."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon