His Personal Wife - 2.

418K 6.5K 2.3K
                                    

Hey guys! Thank you for still supporting HPW! As much as I want to update everyday, I can't because I'll attend some classes this summer. I'll be very productive this summer before we migrate to US this coming August so I'm gonna be busy, but not all the time. I'll still update whenever I have the chance.

So, vote and comment everyone! Anyhoo, I dedicate this to Janica for making a seperate book cover for HPW. It's for CC so I'm grateful to her. Please read her story too! 'Boyfriend kita?!' (Kathniel) I'm sure it's good!

Umeenglish ako. Lels. Pabayaan nagpapractice ako xD

----------------------

CHAPTER 2.

DANIEL'S POV

Sino ba yung babaeng yun?

Nakakawalang-gana. DJ daw pangalan ko. John kaya pangalan ko.

Baka may sira sa utak, o talagang kamukhang-kamukha ko lang talaga yung sinasabi niya.

Either way, hindi ko siya kilala. She's just a stranger to me.

Dumaan muna ako sa office para humingi ng pasensya sa boss ko. Nakatanggap na naman ako ng sermon. Kesyo daw tinanggap na nga niya ako dito kahit wala akong work experience, kahit di ako nakapag-aral, dahil lang may talent naman ako sa pagdedesign ng miniature houses. Wala daw akong utang na loob.

Pero sanayan lang yan.

"Boss, gagawa na lang ulit ako. Isusubmit ko sainyo kaagad first thing in the morning." sabay ngiti ko sa kanya.

Kahit matanda na 'tong boss ko, alam ko na mabait at may puso naman 'to. Napabuntong-hininga lang siya.

"Sabi mo yan John. Kailangan ko na talaga yung miniature house na yun bukas at ipapakita ko pa yun sa kliyente. Sige, mauna na ako." tinapik niya lang ako sa balikat.

Pero bago yun, tinignan niya ako ng matagal. Para bang sinusuri niya yung mukha ko.

"John ba talaga ang pangalan mo?"

"Ha? Opo. Bakit naman po?" umiling lang siya.

"Wala."

Pagkatapos nun, naglakad na ako pauwi. May dala-dala akong pasalubong para kay Lolo at lola.

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon