His Personal Wife - 3.

397K 5.8K 1.6K
                                    


Break muna tayo sa pag-eenglish. *O*

Dedicated pala kay Joyce! Uy, smile ka na ha? Thank you sa support mo dito! Wag ka ng iiyak dun sa ex mong baog! Hahaha! Joke lang! Pero seryoso, goodluck sa lovelife! Hugs!

--------------------------

CHAPTER 3.

KATHRYN'S POV

"...Yes Tito. I will accompany you first thing in the morning. Yes, okay. Bye." binaba ko kaagad yung telepono dito sa kwarto pagkatapos kong kausapin si Tito Rommel.

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga. Nararamdaman ko yung sakit ng ulo ko. Grabe, nakakapagod pala talaga yun. Yung naghahanap ka ng taong ayaw naman magpakita.

Isang linggo. Isang linggo ang hinintay namin bago namin nakuha ang address ni DJ.

It turns out na ang boss ni DJ sa trabaho ang nagturo samin kung nasaan siya. Nagtataka yung boss niya kung bakit parang pamilyar si DJ, at mukhang mayaman at may pinag-aralan, pero nagtatrabaho sa kanila as a miniature house designer. Nagpasalamat na lang ako sa pagtanggap niya kay DJ at sa pagturo na rin kung nasaan siya. Alam ko private ang identity ng mga empleyado nila at hindi pwedeng ibigay sa kahit sino ang personal information nila pero tinulungan pa rin nila kami. Well, may reason kung bakit pero hindi naman siguro importante kung ano man yun. I'm just happy na tinuro nila samin si DJ.

And I'm thankful for that.

Bukas ng umaga, pupuntahan na namin si DJ. Kukunin na namin siya ulit.

Napapangiti ako kapag naiisip ko yun.

We will be together again, master.

Patulog na sana ako ng biglang nag-ring yung telepono. Hindi ko na tinignan yung caller ID, sinagot ko na lang ng diretso.

"Hello?"

"Kath..."

"O Quen? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" hindi ko na siya nakita o nakausap man lang ngayong linggo. Kaya nag-aalala ako sa kanya.

"May inasikaso lang ako sa family business."

"Ah..."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon