His Personal Wife - 29.

264K 4K 1.4K
                                    

Dedicated to Zelly. Hihihi. Thank you sa lahat sis! :)

Guys, yung previous chapter ay first part of the BIGGER TWIST. And this is the second part of the BIGGER TWIST. Sorry, kailangan capslock talaga. Hahaha. Loveyou all guys. :)

Trust...

---------------------------------------

CHAPTER 29.

DANIEL'S POV

WEDDING DAY

"Daniel, calm down. Baka na-late lang yung bridal car ni Chandria."

"Dad, it's been two fvcking hours! Kanina pa ko naghihintay. Mukha na kong tanga dito kakahintay." hinilamos ko ang mukha ko sa kamay ko at pinipigilan na magwala.

"Excuse me. Pero matagal pa ba kami maghihintay?" napatingin kami sa nagsalita. Si Sheeryl, kasama ang kapatid niyang lalaki na si Darcy. Close friend ng pamilya namin.

"Bakit?" tanong ni dad.

"Darating pa ba ang bride? Kasi may pupuntahan pa kami ng kapatid ko."

Sinamaan ko ng tingin si Darcy. "Darating ang bride. At kung hindi kayo makapaghintay, pwede na kayong umalis." singhal ko.

Tumalikod ako at tinawagan uli si Kath. Hindi siya sumasagot pero nagriring ang cellphone niya. Ano ba 'to, ano bang gusto niyang mangyari ha?!

"Daniel, dapat di mo ginanun ang mga bisita mo. Alam mo namang naiinip lang ang mga yun."

"Wala akong pakiealam sa kanila dad! Akala ba nila sila ang naiinip? Ako rin! Pero kahit naiinip na ko, nag-aalala pa rin ako sa kanya!"

"Anak huminahon ka--"

"Ano bang gustong mangyari ni Kath?! Ano, nag-decide siya na hindi na ko siputin dito?! Na hindi niya na ko papakasalan?! Ayaw niya na bang makasama ako habang-buhay?!"

Napatingin samin ang ibang bisita pero sinamaan ko lang sila ng tingin. Hindi ko mapigilang hindi magalit.

Lumapit sakin yung nanay ni Kath. Tinapik niya ko sa balikat.

"Huminahon ka Daniel. Baka nagkaproblema lang yung bridal car. I'm sure parating na sila dito."

Bumuntong-hininga ako, ayokong isipin na tama ang mga lumabas sa bibig ko ngayon.

Nakita kong lumapit si Albie sakin. Nandilim bigla ang paningin ko.

"Pare, hindi namin alam na--"

*boogsh!*

Napahiga si Albie sa sahig.

"Babe!" lumapit si Zharm kay Albie at tinignan ako. "Ano ba Daniel?!"

"Sinabi ko na sayo na bantayan niyo si Kath hanggang sa makasakay siya diba?! Oh ano?! Nasaan na siya ngayon ha?!"

"Daniel, ginawa namin ang inuutos mo! Akala mo ba pinapapabayaan namin siya ha?!"

"Talaga Enrique? Eh isa ka rin eh! Oh asan siya ngayon?!"

Lumapit na rin si Julia na pumipigil sakin ngayon.

"Wag ka ngang ganyan Daniel! Hindi kasalanan ni Albie o ni Quen yun! Kahit kami!" sigaw ni Julia sakin.

Tumayo si Albie at nakipagtitigan sakin. "Hindi kita papatulan dahil alam kong halo-halo ang nararamdaman mo ngayon. Kaya pare? Umayos ka. Hanapin mo na lang si Kath kaysa magmukmok ka dyan. Wag kang umasta na para kang nawalan."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon