His Personal Wife - 19.

320K 4.8K 3.2K
                                    

Dedicated to her. Thanks! Hi pala kay Ashlee, Madz, ate Rance and ate Heymi na nameet ko kahapon sa SM Naga. Nice meeting you all! :">

Sorry kung yung iba sainyo hindi pa rin masyadong nakuha kung bakit nagpanggap na may amnesia si DJ when in fact in the previous chapters he keeps mumbling and convincing himself na wala siyang maalala. Like what I've said po, pinatay niya yung dating DJ. Not literally. But other -lly's. Haha. At grabe, muntik na daw mag-trending ang #BEAtch sa twitter? Hahaha! Grabe kayo. Pati sa fb lalo na sa twitter pinag-uusapan ang sari-sariling murder plan kay Bea. Pati na rin kay DJ at Quen! Grabe. At madami ng naging KathQuen? Lalalala~ :)

--------------------------

CHAPTER 19.

QUEN'S POV

TAGAYTAY: 3RD DAY.

Tinignan ko ng seryoso si Bea. Anong sabi niya? Magtulungan?

"Anong plano?"

"Simple lang. May nangyari na samin ni Daniel. Galit si Kath sa kanya dahil sa nangyari kaya habang magkalayo sila, lapitan mo na si Kath at maging knight-in-shining armor ka na niya."

Si Bea ba 'tong nagsasalita? Bakit ganun?

"Bea, seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo. Gusto kong magtulungan tayo. Gusto kong mapaghiwalay natin si Daniel at Kath dahil hindi sila ang para sa isa't-isa. Para sila satin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko aakalain na ganito pala mag-isip ang babaeng 'to.

"Bea, hindi ako makikipagtulungan sayo. At sana, wag mo ng ituloy kung ano man yang binabalak mo dahil hindi makatarungan yan."

Tumawa siya. "Hindi makatarungan? Eh mas hindi makatarungan yung nangyari satin! Nagmahal tayo tapos hindi naman mapapasatin ang mga mahal natin?"

"Bea, hindi yan nadadaan sa ganyang paraan. Kung gusto mong mahalin ka ni Daniel, dapat yung sincere na dahilan. Hindi yung mamahalin ka niya dahil sa plano mo."

Tinalikuran ko na siya pero nagsalita siya ulit.

"Enrique naman, binibigyan na nga kita ng chance na mapasayo si Kath tapos babalewalain mo lang?"

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon