His Personal Wife - 18.

308K 4.6K 2.1K
                                    

Dedicated to her. Hi sissy thanks for supporting. :)

Uy guys, grabe! Hahaha. I suggest na magbasa na kayo ng ibang KathNiel fanfics, sa kadahilanang may ka-collab ako na ilalabas na yung collaboration namin! Hahaha. And it has something to do with the 'bigger twist'. Just saying. Hahaha. Kung gusto niyo lang naman mauna sa happenings. Di ko sasabihin kung anong story yun, it will totally ruin the suspense. :D

--------------------------

CHAPTER 18.

KATHRYN'S POV

TAGAYTAY: 3RD DAY.


Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip.

Iniwan na daw ako ni DJ. Pinagpalit na daw niya ako kay Bea. Naiwan daw akong mag-isa. Tulala. Pagod na sa kakaiyak.

Pero kahit panaginip lang yun, hindi ko napigilan na mabahala.

Naramdaman ko na naman yung sakit dati. Yung sakit nung nalaman kong ikakasal siya kay Julia. Yun nga lang, sa ibang babae ko na nararamdaman yun at sa kamalas-malasan ko pa.

Bestfriend niya 'to na mahal siya. At mahal din siya ni DJ.

Ayoko isipin na totoo yung nangyari kagabi. Ang naisip ko, ayaw niya lang siguro saktan si Bea dahil nga sa sakit sa puso nito.

Pero ang nangyari, ako naman ang nasaktan.

Hindi niya nga siguro naisip yun. Na masasaktan ako. Kunsabagay, sanay na siyang saktan ako diba? Lagi niya na lang akong pinapaiyak.

Mas iniisip niya yung mararamdaman ng iba.

Pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya na ako naman ang isipin niya. Kasi sa kahit anong anggulo mong tignan, kailangan pagpasensiyahan si Bea. May sakit siya sa puso. Hindi siya pwedeng masaktan.

Kung ako kaya yung may sakit sa puso, masasaktan kaya ako ng ganito ni DJ?

Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung mahal niya ba talaga ako. Kung ako lang ba ang mahal niya.

Hindi ko naman malalaman yun. Dalawang taon na ang nakakalipas diba? Hindi ko alam ang nangyari sa kanilang dalawa. Mag-bestfriends lang ba talaga sila?

Nagiging paranoid na naman ako. Shit. Ayoko ng ganitong feeling. Ayoko.

Kakausapin ko si DJ. Ittry kong alamin kung bakit niya ginawa yung kagabi. Gusto ko lang malaman yung dahilan.

Lumabas ako kaagad dahil wala naman si Bea sa kwarto. Kumatok ako sa pintuan nila Quen.

Binuksan ni Quen yung pintuan. Halatang kakagising lang dahil ang gulo ng buhok niya.

"Quen? Si DJ nandyan ba?"

"Wala. Hindi siya natulog dito. Bakit?"

Nakaramdam ako ng lungkot. Parehas na hindi umuwi si Bea at DJ. Magkasama silang dalawa kagabi?

Totoo kayang mahal nila ang isa't-isa?

"Kath." hinawakan ako sa braso ni Quen. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Wag mong hayaang saktan ka ng ganyan ni Daniel."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Kath, hindi sa lahat ng bagay dapat ikaw ang nag-aayos ng relationship niyo. Alam ko na nakakaalala na siya. At alam ko na mahal ka niya. Pero yung gawin niya sayo yung kagabi? Anong dahilan?"

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon