Dedicated to Janelle. Nagkakasundo talaga kami eh. Hahaha! Iloveyouuu sis! Extra ka pala dito. Mwahahaha. Hugs! >:D< Miss ka na daw ni Pedz. Hahaha joke! :)

Sa mga nagpapadedic po, wala na muna ha? Sa mga sinabihan ko na magdededic ako sa kanila, pakihintay na lang ha? Sabog na po yung message board ko at inbox kaya pasensya na po. T^T

Pakibasa po pala footnote ko okay? Anyways, happy ako kasi ang haba ng update ko! Almost 3 hours ko siyang tinype. Hindi po ako pucho-pucho mag-update 'no. Hahaha :)

-------------------------------------

 CHAPTER 5.

DANIEL'S POV

 

“Masyado ka bang bilib sa sarili mo? Feeling mo lahat ng taong nakapaligid sayo, naggwapuhan at na-fifind kang 'hot and attractive'? Pwes, ibahin mo ako sa mga yun!”

 

 

“Bakit ganyan ang tingin mo sakin? Hindi naman ako superficial na tao, Kath!”

 

 

“You're acting like one! Para kang spoiled brat alam mo yun? Gusto mo siguro lagi kang nasasabihan ng 'DJ, you're so hot!' o kaya 'DJ, ang galing galing mo talaga sa lahat ng bagay!' pero believe me, hindi lahat ng taong yun ganun yung tingin sayo! Minsan kasi, hindi mo naiisip na may mga nahihirapan na dahil sayo!”

 

"Ah shit." napahawak ako sa ulo ko ng nagising na ako. Damn.

Napatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Anong klaseng panaginip yun? Fck.

Alam ko si Kath yun. Nasabi ko yung pangalan niya sa panaginip ko. Pero, takte. Totoo nga. Magkakilala kami dati.

Tsaka, anong klaseng panaginip yun? Magkaaway kami? Akala ko ba kami?

Hindi ko na lang yun inisip. Tumayo na ako at inayos ang kama ko. Pumunta na ako sa CR para mag-ayos at maligo na rin.

May eyebags na naman ako. Puyat kasi ako. Kakaisip sa mga nangyayari at nalalaman ko. Isa pa...

Yung babaeng yun. May nararamdaman talaga akong kakaiba sa kanya.

Ni hindi ko nga alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang "Slave..." na yun. Ewan ko, bigla na lang lumabas sa bibig ko. Kasi... ah shit.