Chapter 15

77K 1.9K 115
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 15
Fireworks

"Ate, saan mo ba ako ipapasyal ngayon?" tanong sa akin ng aking kapatid. "Ayoko na sa pinagdalhan mo sa amin noon, Ate. Gusto ko ay sa iba naman."

Napairap ako dahil sa kaartehan ng aking kapatid. Kung hindi ko lang siya mahal at mas bata sa akin ay baka nasapak ko na talaga siya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil ako ang mas nakakatanda sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa tapos mag-usap sina Papa at Rojan kaya ako ngayon ang napiling kulitin ng kapatid patungkol sa gala namin bukas. Ang totoo niyan ay hindi ako makapagdesisyon noong isang araw. Si Rojan ang nag-isip kung saan ko sila dadalhin na hindi masyadong magiging magastos.

"Hindi tayo ngayon mamamasyal. Magpapahinga muna tayo ngayon tapos bukas tayo ng tanghali tutulak papuntang Batangas," sagot ko sa kanya.

"Batangas?" Tinagilid niya ang kanyang ulo habang kuryosong nakatingin sa akin. "Hindi naman 'yon dito sa Maynila, 'di ba?"

"Hindi nga," nakangiti kong sabi sa kanya dahil nararamdaman ko ang kanyang excitement.

"Ano'ng gagawin natin doon, Ate?" tanong niya. "Marami rin bang pasyalan doon gaya rito sa Maynila?"

Ngayong naisip ko kung ano ba ang mga tanawin doon, baka madismaya lamang ang aking kapatid. Lumuwas sila rito sa Maynila dahil sawang-sawa na siya sa mga galaan at tanawin doon sa Bela Isla pero dadalhin ko siya sa Batangas kung saan ganoon din. But at least, it's a different place, right? He'll have a taste of a different sea other than the one in Bela Isla.

"May rest house roon ang Kuya Rojan mo at doon tayo mag-oovernight," sabi ko sa kanya. "Mayroong beach sa likod ng kanilang rest house at maraming pwedeng gawin. Nasabi niya rin sa akin na mayroong half-court doon. You two can play basketball, swim in the sea or do other water activities."

Nagningning ang mga mata ng aking kapatid sa aking sagot. Marinig niya pa lang ang salitang basketball ay agad nang nag-iba ang kanyang disposisyon.

"Ibig sabihin ay sasama si Kuya Rojan?" paninigurado niya.

I smiled and nodded. He celebrated as he couldn't hide his excitement. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala dahil mukhang agad nang na-attach ang aking kapatid kay Rojan pero masaya ako dahil gusto siya ng kapatid ko.

My brother wasn't good in socializing with my friends. Kahit si Walter ay hindi naman malapit sa kanya kahit madalas ito sa bahay namin noon. I guessed Rojan was an exception because he's good in playing basketball.

While he's in the middle of celebrating, my phone rang because of an unexpected call from Walter. Napasinghap ako at saka lumingon sa labas kung saang nag-uusap pa rin sina Papa at Rojan. I excused myself from my brother and went inside my room before I answered the call of my friend.

"Hello, Walter?" pagsagot ko ng kanyang tawag gamit ang isang mahinang boses.

I felt like a criminal trying to hide something. Now that my whole family knows Rojan, I know it would be hard to keep it from Walter. Paniguradong magku-kwento si Mama sa kanyang kumare. However, I can't still convince myself to tell Walter about it. Maybe once he's back, that's the time I'll collect my thoughts and encourage myself to finally tell my beloved friend about Rojan. Hopefully, he would find it in his heart to accept the only man who managed to make my heart beats this fast as a part of us no matter when he's out of our league.

Alam kong kung si Drew ang tatanungin ay wala siyang magiging problema. Si Emma naman ay alam na ang tungkol kay Rojan dahil sa kanya ako naglalabas ng aking saloobin. At si Naiyah... alam kong hindi kami nakakapag-usap na pero alam ko namang suportado niya ako sa kung ano mang magiging desisyon ko. Ang tanging mahihirapan lang akong sabihan ay si Walter.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon