Chapter 43

76.7K 2K 149
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 43
Closure

"Walter, sensya na sa abala," paghingi ng pasensya ni Emma kay Walter nang makalapit ito sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa talim ng kanyang titig. Sa titig niya pa lang ay parang nadidinig ko na siyang nagtataas ng boses sa akin. Kahit hindi na siya magsalita ay alam ko na naman na ang mga sasabihin niya.

"Can I talk to Kriesha, Emma?" Walter asked Emma with a very calm tone that made him scarier. "Alone..." he added.

Nag-angat ako ng tingin kay Emma na ngayon ay pasulyap-sulyap na rin sa akin. Hilaw siyang ngumisi kay Walter at saka sinukbit ang kanyang bag. Nanlaki ang aking mga mata dahil talagang iiwanan niya ako kasama si Walter.

"Saan ka pupunta?" nababahala kong tanong kay Emma.

Hinawakan ko ang kanyang braso bilang mensahe sa kanya na ayoko siyang umalis. Nilingon niya ako at kinunot ko ang aking noo dahil mukhang wala siyang balak magpapigil sa akin.

"May kailangan pa pala akong gawin, Kriesha," nag-aalangang sagot ni Emma.

I know she's just making that stuff up. She's lying to get away because Walter was silently giving her subtle threats.

"Sige na! Mauuna na ako." Mabilis niyang hinawi ang aking kamay na nakahawak sa kanya para tuluyang makaalis.

Napatayo ako at hahabulin dapat siya nang bigla akong hinarangan ni Walter. Our eyes locked together once again. I swallowed the lump on my throat before plastering a sweet smile to ease the tension between us somehow.

Hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. His eyes remained looking so dangerous.

Nawala na ang suot kong ngiti. Bumuntong hininga ako pagkatapos magdesisyon na mabuting umakyat kami ni Walter sa aking unit. If Walter and I would talk here, we'd definitely cause ruckus. Ayokong maka-abala kami sa ibang mga taong gusto ng katahimikan.

"Halika sa taas..." tahimik kong pag-aya sa kanya.

Nauna na ako sa paglalakad palabas ng café. I could feel him following me and closing our distance.

We were both quiet inside the lift. Well, I should savor this peace and tranquility as I wouldn't be able to keep this soon. Ang tahimik na Walter ay isang Walter na maraming gustong sabihin. He's just saving all his thoughts and opinions while waiting for the right time to blurt them out.

Agad kaming lumabas ng elevator nang makarating kami sa tamang palapag. Hindi ko mapigilan ang sarili sa paglingon sa unit ni Rojan na katabi lamang ng sa akin.

Nandiyan pa kaya siya sa loob o naka-alis na? Maybe, he's in their house right now, preparing to leave with his family for tonight.

Lumabi ako at saka nilingon na lamang ang pintuan ng aking unit para makapasok na kami sa loob. Habang binubuksan ko ito ay hinahanda ko na rin ang aking sarili para sa haharapin kong giyera.

"Kumain ka na ba ng umagahan?" kaswal kong tanong sa kanya nang makapasok na kami sa loob.

Nilapag ko ang paper bag na dala ko sa may coffee table. Mamaya ko na lang iyong aayusin at gagawa muna ako ng umagahan dahil hindi pa ako nakakakain. Sa tingin ko ay hindi rin magandang mag-usap kaming dalawa ni Walter nang gutom ako. Baka kung ano lang ang masabi ko.

Dumiretso ako sa kusina at hanggang doon ay nakasunod pa rin siya sa akin. Tiningnan ko ang ref at nakitang may mga frozen foods na madali lang lutuin. Matagal lutuin ang kanin kaya magtitinapay na lang ako at saka papapakin ang ulam. Pwede ko rin itong ipalaman sa tinapay. Ang mahalaga ay malamanan ang aking tiyan.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now