Chapter 3

102K 2.9K 135
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 3
Concern

There was an awkward silence inside the car when we were already on our way to the venue of the meeting. I already expected this kind of atmosphere, but I didn't expect it to have a cruel effect on me. I thought I was ready for it, but I wasn't.

Even though his car was spacious enough, it suddenly felt so cramped that I was almost suffocating. Isiniksik ko na ang aking sarili sa may pintuan ng sasakyan para lamang mas makahinga. Kapag nalalapit ako sa kanyang gawi, literal man na lumuluwag ang paligid ngunit mas sumisikip naman ang aking pakiramdam.

Bahagya akong sumulyap kay Rojan na seryosong nagmamaneho. He looked comfortably serious with me. Parang wala rin siyang pakialam na kasama niya ako ngayon.

Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang aking cellphone para sa mensaheng galing kay Walter na kakatanggap ko lamang. Agad kong binuksan ang aking cellphone upang basahin ang kanyang mensahe at para makalimutan lamang ang sitwasyon ko ngayon.

From: Walter
Hindi mo man lang sinabi sa akin na sekretarya ka ng ex mo.

Napakagat ako sa aking ibabang labi habang paulit-ulit na binabasa ang kanyang mensahe. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya dahil hindi ko nasabi sa kanya ang aking magiging trabaho. Ang alam ko'y ang alam lang nila ay bilang office clerk ang aking inapply na trabaho rito. I forgot to mention the job offer I got.

To: Walter
Nawala na sa isipan ko.

Nang maisip kong hindi sapat ang aking unang pinadalang mensahe ay nagpadala ako ng panibago bago pa siya muling makasagot sa akin.

To: Walter
At saka hindi ko naman kailangang sabihin pa 'yon sa'yo. Ang importante ay mayroon akong trabaho.

Nanatili ang pagtitig ko sa aking cellphone habang hinihintay ang reply ni Walter ngunit walang dumadating. I must've pissed him off. Madali talaga siyang mapikon pero kapag siya na ang nang-iinis ay tuwang-tuwa pa siya.

Noon pa man ay hindi na kami laging nagkakasundo ni Walter at laging nagkakapikunan pero sa kabila no'n ay naging magkaibigan pa rin kaming dalawa. Sa totoo nga lang, sa mga kaibigan na mayroon ako ay siya ang pinakamalapit sa akin. He may be annoying most of the times, but he is a true friend. No matter how many times we argue, he never left me, and I'm very thankful for that.

My phone suddenly chimed and vibrated again after a few minutes of idling. I finally received a reply from Walter.

From: Walter
Basta itext mo ako kung saan ang meeting ninyo. Susunduin kita.

Iyon na lang ang kanyang sinabi sa akin. Alam kong wala na akong magagawa dahil pinal na pinal na ang kanyang sinabi. Ayaw ko na ring makipagtalo pa sa kanya. Ayos na rin siguro 'yon para hindi ko na kailangang magcommute pauwi.

Instead of replying to his message, I just kept my phone inside my bag. I took a deep breath before leaning on the backrest of the passenger seat.

"Gaano na kayo katagal?"

Gulat akong napalingon kay Rojan. His eyes were fixed on the road, and I saw him tightened his grip on the steering wheel as his jaw clenched repeatedly.

"Gaanong katagal nino?" naguguluhan kong tanong dahil hindi ko malaman kung ano ang tinutukoy niya.

Muling umigting ang kanyang panga at dumilim ang mga mata na nakatitig pa rin sa aming dinadaanan. Dahan-dahan niyang itinigil ang sasakyan at sinulyapan ko ang stoplight na ngayon ay sa pula naka-ilaw. Nang ibinalik ko ang aking tingin sa kanya, damang-dama ko ang malakas na paghampas ng aking puso sa dibdib na para bang kumakawala na nang makita ko siyang diretsong nakatingin sa akin.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon