Chapter 8

89.5K 2.1K 164
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 8
Stereotype

"Miss Flamiano."

Halos mapatalon ako sa aking upuan nang tawagin ng aming propesor ang aking pangalan. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong kuryosong napatingin sa akin si Walter na aking katabi sa subject na ito habang ako'y lutang na nag-angat ng tingin sa harapan.

Nagulat ako nang bahagya akong itulak ni Walter patayo sa aking upuan kaya napatingin ako sa kanya. "Kuhanin mo na 'yong papel mo sa harapan," sabi niya sa akin.

My eyes slightly widened in realization. Nagmamadali akong nagtungo sa harapan at humingi ng paumanhin sa aming propesor. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong wala sa sarili dahil lumilipad ang isipan ko sa interaksyon naming dalawa ni Rojan noong isang araw na hanggang ngayon ay iniisip-isip ko pa rin. Mabuti na lang at mabait si Ma'am Heminiano. Hindi siya mahigpit sa kanyang mga estudyante.

"You got the highest score in the recent quiz," she informed me with a smile when I came in front to get my paper. "Congratulations! Keep up the good work."

Napaawang ang aking labi sa gulat dahil hindi ko inaasahan na ako ang makakakuha ng pinakamataas na marka sa aming klase. There were a lot of people in this class who were smarter than me. Kahit si Walter ay mas matalino pa kaysa sa akin. Hindi nga lang talaga halata dahil maloko siya.

Wearing a huge smile on my face, I went back to my seat. I saw Walter mirroring my smile while waiting for me to sit beside him again. He looked so proud of me that I became more confident with the result of our recent quiz.

"Aba! Mukhang may manlilibre mamaya ah," malokong inis sa akin ni Walter nang makabalik na ako sa aking upuan.

Kahit na gusto ko siyang irapan ay hindi ko magawa dahil sa sayang nararamdaman. Nilingon ko na lang siya nang nakangiti. "Kung sana ay nililibre mo ako tuwing mataas ang score mo, eh 'di sana ililibre na kita ngayon."

"Lagi naman kitang nililibre sa pamasahe tuwing hinahatid kita pauwi, ah! At saka tuwing inaaya kitang kumain sa labas," pagdadahilan niya.

Natawa na lang ako sa kanyang pagdidiwara nang biglang magsalita si Karmela na kaklase ko rin sa naunang subject kanina.

"Nako, Kriesha! Mukhang alam ko na kung bakit mataas ang nakuha mong score sa quiz," sabi niya sa akin at napatingin ako sa kanyang kaibigan na hindi mapigilan ang mapangiti nang malawak.

Napakunot naman ang aking noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko dahil ang tanging naiisip na dahilan ko lang naman ay nag-aral ako ng mabuti pero mukhang may iba silang tinutukoy.

"Hindi ba't bago tayo magquiz dito noong isang araw, pinuntahan ka ni Sarmiento?" makahulugan niyang sabi na sinang-ayunan kaagad ng kanyang kaibigan. "Iba siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig, no? Sana all!"

"H-Hindi ah!" nauutal kong pagtanggi at saka nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ngayon ang aking pisngi dahil nadadama ko ang init na mula rito.

I couldn't seem to understand myself. I wanted them to stop teasing me, but I also wanted them to continue because of the unexpected feeling that's arousing inside me. Hindi ko tuloy maiwasan ang matakot at kabahan dahil sa kakaibang pakiramdam na ito.

Sa paglalakbay ng isip ko ay hindi ko na nasundan ang sinabi ng Ma'am Heminiano. Ang tanging nadinig ko lang ay ang pagdi-dismiss niya sa amin ng maaga.

"Sinong Sarmiento 'yon?"

Kamuntikan ko nang mahulog ang aking gamit nang biglang magsalita si Walter sa aking tabi. Agad ko siyang nilingon upang mabigyan ng pansin. Sumalubong lamang sa akin ang kanyang magka-krus na kilay at seryosong tingin. Sa paraan pa lang ng kanyang pagtitig sa akin, pakiramdam ko'y mayroon na akong nagawang mali.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now