Chapter 5

95.7K 2.7K 224
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 5
Acting

"After lunch na kayo aalis?" gulat na tanong ni Laurel at mukhang dismayado. "Oh my gosh! It can't be! Wala ka pang damit! You need to go home and get dressed properly for the occasion."

"Uh... Maayos naman ang suot ko," sabi ko habang inaalala sa aking isipan ang hitsura ko kaninang umaga nang humarap ako sa salamin para ayusin ang sarili.

I was wearing a white chiffon longsleeves tucked in a nude bandage skirt. I believed that I was wearing a semi-formal attire that can be considered as an attire that's proper for the occasion.

Bayolenteng bumuntong hininga si Laurel. "Kriesha, alam ko at nakikita kong maganda ka at kaya ka nang dalhin ng mukha mo pero kailangan mo pa ring manamit ng formal para sa party mamaya," pangaral niya sa akin. "Maraming mga mayayamang negosyante at sikat na personalidad ang pupunta roon. Kailangan ay humalo ka sa kanila. Kailangan mong makipagsabayan."

"Laurel, wala naman akong balak makipaghalubilo at makipagsabayan sa kanila at saka sekretarya lang naman ako ni Rojan. They wouldn't pay that much attention to me," katwiran ko.

He massaged the temple of his nose as a way to express his frustration on me. "Believe me..." he said and stared straight at me. "I've been with him to parties as his secretary and it's a must that I should be blending in with the crowd. If you're going to be Sir Sarmiento's date tonight, you're instantly going to be one of the main attrations in the event."

I was slightly taken aback. Agad akong umiling bilang pagtanggi sa kanyang naiisip. "Hindi niya ako date mamayang gabi, ano ka ba!?" sabi ko at bahagyang humalakhak. "Isasama niya lang ako dahil siguro ay kailangan niya ng sekretarya. He must be fishing for a possible investor."

Laurel just rolled his eyes on me. "Hay nako!" he grunted. "Let's not talk about that anymore. Mas problemado pa rin ako sa outfit mo."

Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang hindi niya titigilan ang pagdiskitahan ang suot ko. Gustong-gusto niya akong magpalit ng damit gayong wala na akong oras. Any minute from now, Rojan might be done eating his lunch already. Malapit na kaming umalis kahit na hindi ko alam kung bakit kailangang ganito kami kaaga aalis.

"Kung sana kasi ay sinabi mo sa akin bago pa tayo kumain ng lunch, nakalabas pa sana muna tayo para bumili ng pwede mong maisuot para mamayang gabi," pagsisi niya sa akin at saka humalukipkip. "Pero kasalanan ko rin dahil hindi ko naalala na bukas na pala 'yon. I should've told you beforehand to prepare for it. Ugh! I'm such a stupid beautiful gay."

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang matawa sa kanyang hitsura. "Laurel, ayos nga lang sa akin na ganito lang ang suot ko mamaya," nakangiting paninigurado ko sa kanya. "At saka kung bibili pa ako ng maisusuot ay gastos lang 'yon. Nagtitipid ako at kailangan kong mag-ipon."

"Girl, you don't have to worry about that. We can use the company card for it since you're going to buy a dress that's needed for a business occasion," he informed me.

"Aksaya pa rin sa pera 'yon," pilit ko. "Kaysa maaaring maidagdag sa proyekto ng kompanya ay mapupunta lang doon."

Maarte niyang hinilot ang kanyang ulo gamit ang dalawang kamay at nakataas pa ang hinliliit. "You're so impossible, Kriesha," sabi niya. "Bahala ka na. Wear whatever you want. Act however you want."

Ngiting tagumpay naman ako dahil sinukuan niya na rin ang pangungulit sa akin. Sakto namang tumunog na ang intercom bilang alert galing kay Rojan at alam ko na ang ibig sabihin no'n kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na kay Laurel. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng opisina ay biglang pumasok si Rojan sa loob.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon