Chapter 35

80.8K 2.5K 216
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 35
Housewarming

I was all-smile while preparing the foods and boozes on the dining table. Any minute by now, my friends would arrive for my simple housewarming party.

Drew and Walter already confirmed their attendance. Si Emma na lang ang hindi pa rin sigurado hanggang ngayon. Muli ko siyang tinext para kumpirmahin kung pupunta ba siya o hindi, ngunit hindi na siya nagreply pang muli sa akin.

Well, I couldn't blame her if she really decided not to come. Kung hindi niya pa rin kayang harapin si Drew ay hahayaan ko na siya. But of course, I would like it more if she would come here even just for a short time. Gusto kong magkasama-sama kaming lahat kahit na mayroong kulang sa aming isa.

Katatapos ko lang magbihis ng maayos na damit nang biglang tumunog ang aking doorbell. Nagmamadali akong lumabas ng akinh kwarto para pagbuksan ang mga kaibigan ko. I saw Drew and Walter who came together with their hands full. Parehas silang mayroong bitbit.

"Ano 'yang mga dala ninyo?" tanong ko sa kanilang dalawa habang minamata ang mga supot na dala.

"Pwede bang papasukin mo muna kami?" nakangising sabi ni Drew at kahit na hindi pa ako nakakagalaw ay pinapasok na niya ang sarili sa loob ng aking unit.

Wala akong nagawa at napatabi na lamang ako sa gilid. Nag-angat ng tingin sa akin si Walter ngunit nang magtama ang aming mga mata ay agad siyang lumihis ng tingin at sinundan na lamang si Drew papasok sa loob. Ilang sandali pa akong napatanga sa harap ng pinto bago ko sila pinuntahan.

I found Walter already looking so comfortable in my living room, but no one was more thick-faced than Drew who just went out of the kitchen with a bowl of assorted chips. Masyado silang feel at home pero hindi ko naman sila masisi dahil ganyan din ako sa kanilang dalawa.

"Saan mo nakuha 'yang mga chichirya na 'yan?" tanong ko kay Drew dahil hindi naman ako bumili ng mga chichirya.

"I bought it," he answered. "There's one more bag of chips in the kitchen. I put it inside the pantry."

Inilapag niya ang bowl sa coffee table at agad na kumuha roon si Walter. Lumapit siya sa akin upang maakbayan ako.

"That's my housewarming gift," he told me. "Para may manguya ka kapag bored ka lang at gusto mong kumain. Iyong hindi ka tataba masyado dahil parang lumalaki ka na."

My forehead creased. Lumayo ako bahagya kay Drew upang maharap siya. I put my hands on my waist and gave him a good stare of threat.

Naalala ko tuloy ang mga nakain ko nitong nakaraang linggo. Rojan made sure that my tummy was always full even when it's not lunch time. Pero sigurado naman akong hindi pa ako nalalayo sa dating timbang ko. Siguro ay mga two kilos lang ang nadagdag sa akin o baka nga mas mababa pa.

"Excuse me, Drew, but I'm perfectly fit!"

He laughed while sitting beside Walter. "Alam ko naman 'yon..." he said. "I just really want to tease you. Nakakatuwa kapag mukhang naiinis ka."

Nanatiling may mga gitling sa aking noo habang pinapanood ang dalawa kong kaibigan na nagsasaya. Napabaling ako sa pintuan dahil umaasa pa rin akong dadating si Emma.

"Dapat pala kumain muna tayo ng totoong pagkain," sabi ni Drew at muling tumayo pagkatapos pigilan ang sarili sa pagkain ng dala niyang chichirya.

"Hindi ba totoong pagkain 'yan?" natatawang tanong sa kanya ni Walter.

He rolled his eyes at Walter. "You know what I mean."

While they were having a stupid and nonsensical argument with each other, I decided to send a message to Emma one last time. Kahit sana man lang magreply siya sa akin kung makakapunta ba siya o hindi para hindi na ako aasa at hihintayin pa siyang dumating.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now