Chapter 47

93K 3.1K 736
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 47
Lifetime

"Uuwi ka ng Bela Isla?"

I nodded even though I knew he wouldn't be able to see it.

I was on the phone with Rojan. I called him to ask permission and tell him that I'd be going back home in Bela Isla for the weekend. Kung hindi niya ako papayagan ay wala na rin siyang magagawa dahil nakapagbook na kami ng ticket. Aagahan ko na lang siguro ang pag-uwi ko sa Lunes para makapasok ako sa trabaho ng tamang oras at hindi ko na kailangan pang maghalf day.

"Babalik din naman ako ng Lunes," I assured him. "I already sent all overviews I did for all of the pending proposals. Wala na akong naiwang trabaho. Naayos ko na rin ang schedule mo at wala ka ring meeting sa Monday."

Sa totoo lang ay gusto ko pa sanang magtagal doon at sumabay ng umuwi kina Naiyah at Drew, pero alam kong kailangan ako sa trabaho. I'm Rojan's secretary and it's my job to always be with him at work. Ako rin ang nakakaalam ng mga schedule niya kaya hindi ko pwedeng ipagpaliban ang trabaho. I could give it to him though, but that would be disrespectful.

"Will you go home alone?" he asked.

"Hindi," diretso kong sagot. "Kasama ko ang mga kaibigan ko."

"Mga kaibigan?"

Ngumuso ako. Mukhang gusto niyang isa-isahin ko pa ang mga kaibigan na kasama ko sa pag-uwi.

"Sina Walter, Naiyah at Drew," sagot ko. "You know Walter and Drew, right? At saka nakwento ko na sa'yo si Naiyah dati..."

Bahagyang humina ang aking boses nang maisip kong nauungkat ko na naman ang aming nakaraan. But I just wanted him to familiarize himself with the names that I mentioned. Totoo namang nakwento ko na sa kanya si Naiyah noong college pa kami.

Silence reigned in between us. I could hear his heavy breathing. Kapag ganito siya ay alam kong nag-iisip siya nang malalim.

"Rojan?"

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Okay..." pagpayag niya.

That was our phone call the day before I flew to Bela Isla. And now, I couldn't believe that he's already here in front of me. He didn't even tell me that he's already flying back to the Philippines when I called him yesterday.

I also don't know how he managed to find our house here in Bela Isla, or maybe... he contacted my brother?

Nalipat ang tingin ko kay Kristoff na walang suot na ekspresyon habang nakatingin sa akin. Kita kong tinapik ni Rojan si Kristoff sa balikat kaya napalingon sa kanya ang kapatid ko. Kristoff just smiled at him before he went back to our house nearby.

"Pinapunta mo siya rito?" Dinig kong tanong ni Walter habang papalapit si Rojan sa amin.

Mabilis ko siyang nilingon at umiling. "Hindi ko alam kung bakit siya nandito..."

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang maputol ang usapan naming dalawa ni Walter. Sa tingin ko ay kailangan kong ihanda ang aking sarili sa kung ano man ang maaari niyang sabihin.

Pagkalingon kong muli sa harapan ay nakalapit na sa amin si Rojan. His eyes were directly looking at me, but he gave Walter a quick glance and nod to acknowledge his presence.

"Mauuna na ako," biglang paalam ni Walter at saka naglakad paalis nang hindi na lumilingon pabalik.

When Walter got farther, I brought back my stare to Rojan who was intently looking at me. It was like he's trying to read my mind and get through my eyes.

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now