Chapter 46

87K 2.5K 351
                                    

#LethalAttachmentWP

Chapter 46
Sunset

I was filled with nostalgia the moment my nose inhaled the fresh salty air from the sea and my eyes captured the familiar view of my home, Bela Isla. Fragmented memories from my childhood up to my last days in this beautiful province entered my mind involuntarily. The happy moments lingered inside my mind for a while that made me smile.

While we were travelling to our homes, I've been watching every places we passed by outside the window. May mga iilang lugar na nagkaroon ng pagbabago, pero mas madami ang hindi. Sayang at hindi namin madadaan ang school dahil mas mauuna ang aming bahay na nasa dalampasigan. Siguro'y papasyal na lang ako roon bukas. For sure, Naiyah and Drew would spend time alone together tomorrow, but I hope that they would make time for us.

However, just to be sure, I'll make a quick plan for my trip tomorrow. Sa sobrang tagal na magmula no'ng umalis ako ng Bela Isla, hindi ko mapigilan ang umaktong turista. I want to see decipher every changes made. Hindi ko masyadong na-enjoy ang mga tanawin dahil sa pagk-kwento ni Naiyah tungkol sa mga nangyari dito sa Bela Isla noong wala kami, kaya susulitin ko ang aking libreng araw bukas.

But come to think of it, with my income from Sarto, I think I could schedule a trip home quarterly. Nasa apat na libo lang naman ang magagastos ko sa flight roundtrip lalo na kung hindi peak season. Now that I'm earning more than enough for my needs and savings, I think it's only right to visit my family very often. Kung gugustuhin din nila ay dadalhin ko na sila sa Maynila. We could all live together, but I doubt my brother would agree to it.

Dati ay gustong-gusto niyang magbakasyon sa Maynila, pero ngayon ay ayaw na niyang umalis at gustong maiwan mag-isa rito kapag binabalak nina Mama at Papa na bisitahin ako. Ganoon talaga siguro kapag nagbibinata na. Nagbabago na ang mga hilig niya, pero nanatili ang kagustuhan niya sa paglalaro ng basketball.

Parehas kami ng binabaan ni Walter dahil magkapitbahay lang kami, ngunit alam kong malapit na silang umalis lalo na kapag tapos na ang pagpapagawa niya ng bahay nila sa Tanawan.

"Ako na ang magdadala niyan," pagprisinta ni Walter at kinuha sa akin ang dala kong duffle bag.

Kaunti lang ang mga dala kong damit dahil mayroon pa akong iniwan na nasa bahay. Wala namang masyadong nagbago sa pangangatawan ko magmula no'ng umalis ako. I just grew taller and my body became slightly curvy. Ang karamihang laman ng bag ko ay mga pasalubong para sa kanila.

Hinayaan ko si Walter na bitbitin ang dala ko. Mula sa main road ay naglakad na kami papasok sa amin. Nagsimula nang maging buhangin ang aming nilalakaran at nadidinig ko na ang tunog ng dagat sa 'di kalayuan. Ang tawa ng mga naglalarong bata sa dagat ay sumasabay sa pagkanta ng alon at pagsipol ng hangin.

Tanaw na tanaw ko na ang mga nakahilerang bahay sa dalampasigan. The houses were in different sizes and styles. Sa samahan ng mga pamilyang nakatira dito ay respetado ang pamilya naming dalawa ni Walter at pati na rin ng isang kababata namin na nag-Maynila na rin.

Tumigil ako sa paglalakad para makita nang mas matagal ang napakagandang tanawin at agad ding huminto si Walter upang hintayin ako. May iilang pagbabago rin ang nangyari sa mga bahay rito. Even from afar, I could also see the changes on my own home. My parents told me last, last year that they decided to have a front porch in our house. Sa beranda ay mayroong simpleng duyan sa kaliwa at sa kanan naman ay munting kainan.

Naalala ko ang pangarap ni Mama dati na magpatayo ng bahay na mayroong malaking terasa. Maglalagay raw siya roon ng kainan para maamoy niya ang presko at sariwang hangin habang kumakain. Doing this to our house made her dream come true somehow.

Lethal AttachmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon