EPILOGUE

5.3K 93 20
  • Dedicated kay You (my fan..my reader..my supporters)
                                    

Crizzel's P.O.V


Pagkatapos ng reception ay umuwi na kami ng bahay ni Migz. Bahay namin.


"Ah! May plane ticket!" sigaw ko pagkadating namin sa harap ng pintuan. Nasa lapag lang kasi yung dalawang ticket tapos may nakadikit na note.


"For your honeymoon~ Make some grandchildren here in Thailand~ Love, soon to be lolo and lola" pagkakabasa ko sa nakasulat.


H-honeymoon?


Hindi kaya masyado pang maaga? Hindi ba pwedeng bigyan ng interval yun? Mga 1 week after sana.


"Ang weird. Bakit kailangan pa nating sa Thailand gumawa ng baby. Pwede namang dito na lang."


Nanlamig ako sa sinabi ni Migz. Seryoso ba siya dun? Mas weird pa siya sa idea ng mga magulang namin.


"Diba tama naman ako baby?"


Napalingon ako sa kaniya ng di oras. Nakakaloko yung mga sinasabi niya.


"Huh? E-ewan ko. Pero akin na yung susi, gusto ko ng matulog." mabilis kong sabi sabay kuha nung susi


Pagkarating ko sa kwarto namin ay may bumungad sakin.


"WAAAAAAAAH!!!!!" Sigaw ko habang nakatingin dun sa nighties. Ano na naman bang kalokohan ng magulang namin 'to?!


"Ano nangyari?! May ahas ba?! Okay ka lang ba?!" nag-aalala na sabi ni Migz pagkapunta niya sakin


Tinuro ko yung nakalagay sa kama namin. Akala ko magugulat siya gaya ng reaksyon ko pero...natuwa siya. Tumingin siya sakin ng may kahulugan. Iniisip niya siguro na susuotin ko yun ngayong unang gabi namin. HINDI.


Lumapit ako sa kama at tiningnan yung mga nighties. Walang pwedeng isuot ng matino. Pang-sexy lahat.


"Why don't you give it a try?" sabi ng tao sa gilid ko


"Ikaw kaya magsuot nito." kinuha ko lahat ng nighties at tinago sa isang drawer.


"Eh kung hindi mo yan susuotin, anong susuotin mo pantulog? Hindi naman pwedeng naka-wedding gown ka pa rin."


Oo nga noh. Wala pa dito sa bahay yung pantulog ko, puro undies lang.


"May shirt ka?" tanong ko sa kaniya. Kumuha naman siya sa cabinet.


Ang daya. Sa kaniya kumpleto na yung mga damit niya samantalang ako underwear at bra pa lang yung nakalagay sakin.


Kumuha ako ng towel, undies at yung shirt niya tsaka ako pumasok sa banyo.


Pagkalabas ko, nakabihis na siya ng pantulog niya. Tsk. Hindi talaga siya nakapaghintay na matapos ako.


"Baby ayos lang ba sayo kung shirt ko lang yung suo—-" napahinto siya ng makita ako "You look so hot."


Above the knee ko lang yung shirt niya at wala kong short o kahit ano. Eh diba sabi nila, sexy daw tingnan yung mga babaeng nakasuot ng oversized na shirt.


Palapit na sakin si Migz ng pigilan ko siya. Alam ko na kasi yung gusto niyang gawin at medyo kinakabahan ako para dun.


"Pahiram ng pants." sabi ko. Para maiwasan yung pagtitig niya sakin ng ganun, mas maigi siguro kung mas pambaba ako.


Kumuha siya ng pants na tulad ng suot niya at inabot sakin. Papasok na sana ko ng banyo ng bigla siyang pumunta sa harapan ko. Hinapit niya ko sa bewang at——teka parang nangyari na 'to ah.


"Yung wedding vow mo kanina, nagustuhan ko." sabi niya with seductive tone. Ugh stop!


"Yung vow mo rin kanina, sobrang naiyak ako." sabay ngiti para maitago yung kaba na nararamdaman ko.


"I love you baby." nakatitig talaga siya sa mga mata, matutunaw ako niyan!


"I love you too bab——" hindi ako natapos ng halikan niya ko bigla.


"I know." sabi niya at pinagpatuloy yung halik niya.


Alam ko na kapag hindi ko siya pinigilan, sa iba mapupunta yung halik niya. Pero naman oh!


"Pwede bang dito na lang natin gawin at wag na sa thailand?" tanong niya sakin


Teka...ito na ba yung oras na gagawin na namin 'yun'? Ano ba dapat kong gawin?


"Ta-tawagan ko muna sila mama para sa approv—-"


"I only need your approval."


"O-okay lang naman sakin kung dito."


Ngumiti siya at hinalikan muli ako. Ito na talaga yun. Wala ng atrasan 'to. Pumayag na ko kaya dapat ko ng panindigan. Goodluck sakin!

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon