CHAPTER 8 : Sorry...FAIL

7.8K 101 8
                                    

Z/N: EDITING. Hello! Marami pong binabago sa istoryang 'to dahil na rin sa mga poor grammar na ginamit ko noon at napakadaming unwanted symbols ("./;'.,,'';'") ang nakalagay. Gusto ko lang din pong sabihin na hindi advisable para sa mga readers na basahin ito sa ngayon dahil ang mga chapters na walang "EDITED" na nakalagay sa huling parte ay hindi pa sumasailalim sa editing process. Kapatawaran at kaunawaan ang hinihingi ko po sa inyong lahat!

==================================================================

 

Crizzel's P.O.V 

 


Dismissal na at syempre favorite ko 'to. Hahahaha. Kayo rin naman eh xD


"Tara na?" ayaw ko sa mga kabarkada ko

"Sorry Zel may aura pa kasi ako eh." -Randel

(Aura = AWRA. May lakad o may gala.)


"Kami naman may DOTA match pa kami ni Christoff." -Jam


Tumingin ako kay Faith at bigla siyang ngumiti sakin. Yung pilit.

"Tatapusin ko pa yung calendar namin para sa Filipino month." 

Lingon ako kay Avy.

"Wala kong lakad pero sa bahay ako ng lola ko ngayon uuwi eh. Sa 10th ave yun kaya opposite yung daan natin." Sabi niya naman

AKO NA MAG-ISA.

"Bahala na nga kayo sa buhay niyo. Basta bukas ah, sabay -sabay tayo pumasok!"

Nag-agree naman sila lahat sakin kaya kahit papano...okay ng mag-isa umuwi ngayon. 

Lumabas na kami ng gate lahat pero bigla kong bangga ni Kuyang Guard na nagpapalit ng bombilya ng gate. Kaya pala medyo madilim kasi kulang ng isang bombilya.

"Sorry miss." sabi ni kuyang guard.

"Hindi okay lang po yu----AH YUNG SORRY!" sigaw ko ng maalala ko yung gagawin ko. Magso-sorry nga pala ko sa casanova ngayon! Takte naman oh!

"Sige bye. Humayo na kayo sa mga pupuntahan niyo. May tatapusin lang ako!" paalam ko sa kanila at biglang bumalik sa loob ng eskwelahan.

Buti na lang at hindi na kong nahirapan si casanova. Nakasalubong ko na kasi siya pero may kasama....dalawang babae. Nagda-dalawang isip na tuloy yung isip ko kung magsosorry pa ko o hindi. Okay na rin naman sigurong sinampal ko siya diba?

...hindi. Hindi okay yun. Kailangang mag-sorry.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kaniya

Sinamaan niya lang ako ng tingin at "Para saan?"

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon