CHAPTER 3 : Mr. Casanova

9.5K 127 24
                                    

Z/N: Casanova's face sa taas.

=======================================


Crizzel's P.O.V


Heaven talaga kapag ihing-ihi ka na tapos naka-ihi ka. Greater than any success!


Pagkalabas ko sa CR ay nakakita ako ng isang pamilyar na mukha. Si Christine tsaka yung isang lalakeng nakatalikod....nagki-kiss! O_O


Naghanap ako ng camera dahil baka may shooting lang o ano pero WALA. Bawal yan ah!


Lumapit pa ko ng konti at hindi pala Kiss na OA. Kiss lang sa neck. Pero mas malala nga yun diba?


"Casanova?" conclusion ko agad dun sa lalake. Pero baka hindi ito yung tinutukoy ni christoff. Pero malay mo.


Gulat ko nung tumigil sila. Huh? Nasabi ko ba ng malakas?


"Miss may kailangan ka ba?" tanong sakin nung lalake. Ah so tama nga ako, siya yung casanova.


Para iwas pahiya...hinarap ko na lang siya at sinabi kong,


"Masamang magkiss dito. Dun kayo~" inarte ko pa yung kamay ko na parang may tinuturo "Dun kayo sa eskinita niyo~"


"Don't act like you're the president of the council. You're just.....normal." singit ni Christine. Ang arte. Feeling 90 sa english -_-


"Ano bang paki mo? Miss..." lumapit si casanova sakin at tiningnan yung kaliwang dibdib ko. Sa uniform kasi namin ay nakasulat yung last name at initials ng middle name at first name. "Miss Gomez?"


Tinutulak ko siya pero ayaw niyang umalis sa harap ko. Naiinis pa ko sa tingin niyang parang hinuhubaran ako.


*PAK*


Kaya yun...sinampal ko na lang siya.

Nagulat siya sa ginawa ko kaya bigla niya kong sinigawan,


"Ano ba talagang problema mo ha?!!!!"


Lumunok na lang ako at pinanindigan yung ginawa ko.


"Anong problema ko? Ikaw at yung pangit mong pag-uugali! Alam mo bang dahil sa pakikipaglandian mo sa babaeng yan ay may nasaktan kang tao! Yung kaibigan kong si Christoff na boyfriend ng haliparot na yan!" dinuro-duro ko siya.


"Miss di ko alam yung sinasabi mo at wala rin akong pakialam." tumingin siya kay Christine "Break na tayo."


Maluha luha si haliparot habang tinatanong kung anong problema.

"Ayoko lang sayo." cold na sabi nito


Umiyak naman si Christine, buti na rin yan. Masaktan siya gaya ng ginawa niya sa kaibigan ko.


Umalis sa harap namin si Casanova at parang wala siyang iniwan na girlfriend. Ano bang aasahan ko sa tulad niya? Wala nga siguro siyang alam kung hindi lumandi at manlandi.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon