CHAPTER 30: Girlfriend

5.9K 75 5
                                    

Migz's P.O.V


 Maaga kong nagising para sunduin sa bahay nila si Crizzel. Habang nagda-drive ako, iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kaniya na dumating si Sarah at hinalikan ako kagabi. Baka magalit kasi siya. Tsk. For sure magagalit yun. Wag ko na lang kaya sabihin? Baka isipin niya namang hindi ako loyal boyfriend. Grrrr! Gulong-gulo na ko!


*tok tok tok*


Napabalik ako sa nangyayari ng may kumatok sa bintana ng kotse.


"Parang kanina ka pa tuliro diyan. May problema ba?" Tanong ni Crizzel. Umiling na lang ako.


*lunch break*


 "Sarah!!!!" 


Sarah? 


"Migz kalma lang. Ibang sarah yung tinatawag." bulong ni Angel sakin.


Buti naman. 


"Migz...ayos ka lang ba?" tanong ni Crizzel sakin. Tumango lang ako.


Hindi ko na alam yung gagawin ko. Bumabalik sakin lahat ng nangyari nung first year. Yung tubig...yung unti-unti nila kong hinuhubaran...yung tawa nila...AYOKO NA!


Angel's P.O.V


Nagulat kaming lahat ng biglang tumakbo si Migz palabas ng cafeteria. Susundan na sana siya ni Crizzel kaso pinigilan ko.


"Ako na lang yung susunod." Pakiusap ko kay Crizzel. Agad naman siyang pumayag.


Hinanap ko si Migz hanggang sa makita ko siya sa likod ng building namin na wala masyadong tao.


"Naiintindihan ko kung ano yung kalagayan mo pero sana isantabi mo muna yun? Intindihin mo si Crizzel, nag-aalala siya sa kinikilos mo. First day pa man din ng relationship niyo oh." 


"Kung madali lang, matagal ko na sanang nakalimutan." Humarap sakin si Migz at tumutulo yung luha niya , wala kong magawa kung hindi yakapin siya at sabihing magiging maayos rin ang lahat.


"Bago pa lumala yung pag-aalala ni Crizzel sayo, ako na ang magpapaliwanag ng nangyari sayo dati. Ano pang silbi ko bilang bestfriend mo diba?" sabi ko dito. Tumigil siya sa pagluha at nagpasalamat sakin.


*click*


Tunog ng pag-shot ng isang camera. Pagkatingin namin sa bandang gilid ay isa sa mga kaklase pala naming tinutukso kaming dalawa ni Migz. Tumakbo ng mabilis yung babae kaya naman hinabol naming dalawa.


Unfortunately, nabangga nung babaeng yun si Crizzel na pabalik na sana ng classroom. Nalaglag sa harap niya yung camera at dinampot niya yun. No, please no. 

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon