CHAPTER 22: Saved by the bell

6.2K 74 6
                                    

 Crizzel's P.O.V


"Paupo." sinabi ni Migz at biglang tumabi sakin. Kasalukuyang kumakain ako ngayon at sumingit siya. SRSLY? Kaninang umaga pa siya. Una bumalik sa dati niyang upuan at ngayon sakin pa rin tumabi. Hindi ko alam yung gusto niyang mangyari kung bakit siya lumalapit sakin ULIT ngayon.


"Sige upo ka lang sa tabi niya." asar ni Randel sakin. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi siya natakot sakin. 


"Musta ka na?" tanong ni Angel kay Migz. Di bale magkaharap sila.


Nagkakamustahan? So magkakilala pala sila?


"Okay lang. Marunong ng magmahal?" patanong na sagot niya. Anuba. Mukha kong narrator sa kanilang dalawa! Tsaka marunong ng magmahal? Kanino naman?


"Wow nice. Mag-share ka naman. Kayo na ba?" pilit niya kay Migz na parang close talaga sila.


Yumuko ka Crizzel. Kumain ka na lang. Mas may benefits pa yan kaysa sa pakinggan silang dalawa.


"Yun na nga eh. Ayaw niya sakin o kahit ma-involve sakin." 


Sounds familiar. Ako ba yung pinaparinggan nito?


"May manliligaw siyang iba at medyo mahirap ng makasingit sa puso niya."


Ramdam ko talaga na ako yung pinaparinggan niya eh. Mahirap sumingit? Loko ba siya? Kung alam niya lang na....ARGH.


"Pero okay lang, nung last monday, nalaman ko naman na yung totoo. Salamat sa load kong may pang-call."


Last monday....sinabi ko sa isang caller yung lahat ng nararamdaman ko kay Migz.


Ang ibig sabihin......


"Ikaw yun?"  tanong ko sa kaniya 


"Ano sa tingin mo?"


"Just say yes or no, Migz."


"Manghula ka na lang muna kasi."


"Para saan ba yung panghuhula? Umamin ka na lang. Ikaw ba o hindi?"


Ayan na, nag-aaway na naman kami. Tsk. Bakit ba kasi ayaw niya na lang aminin. Time consuming.


"Oo ako."


SIYA NGA! 


"Ngayong alam mo na. Pwede ko bang malaman kung totoo nga ba lahat ng sinabi mo sakin nung gabing yun?"


*KRRRRRRIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG* YES!!!!! Sa hinaba-haba ng pagpasok ko sa school, ngayon lang ako natuwa sa bell. ^_^


"Save." asar ko sa kaniya. Akala ko mababanas siya sakin pero,


"Mag-uusap pa tayo pagkatapos ng klase." at nauna na siyang maglakad. Nako naman!!!! Mag-cutting kaya ako?

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon