CHAPTER 21 : Transferee.

6.3K 69 6
                                    

Crizzel's P.O.V

 

Kanina nung magkasama kami ni Nelo dahil hinatid niya ko sa school, gusto ko ng sabihin na kuyng pwede lang ay tigilan na niya yung panliligaw sakin kasi wala naman siyang makukuha mula sakin. Kaibigan ko lang...hanggang dun lang. Siguro nga na-attract ako kasi gwapo siya. Pero iba kasi yung attraction sa love. Sounds like baduy. -_-


*crik*


Ingay mula sa kabilang upuan.


"Migz~~Bakit diyan ka ulit umupo? Dito ka na lang sa tabi namin~" aya nung babaeng kulang sa atensyon.


Nginitian lang sila ni Migz at umupo na ng tahimik. Napangiti na ako ng di oras habang nakatingin sa kaniya. Simula nung party, hindi na siya nangahas na mapalapit sakin. Baka iba yung breakfast niya ngayon kaya naisipan niyang tumabi na ulit sa upuan ko. Kahit anuman ang dahilan, ang importante, feeling ko malapit na malapit lang ako sa kaniya. Sounds like Baduy again.


"Class, kumalma ang lahat! May sasabihin lang ako sa inyo!" sabi ni Mam Santiago, adviser namin. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya yung first period namin ah. "Magkakaron tayo ng bagong kapamilya sa classroom natin. Hija, pumasok ka na." 


"Sana maganda~" bulong ng mga lalake kong kaklase


"Sana gwapo~" bulong naman ng mga bakla at babae 


Lahat ng atensyon ay napunta lahat sa pintuan. Isang magandang anghel yung naglalakad, maputi at bagay sa kaniya yung uniform namin. Mukhang maayos at matalino. 


"Maputi lang pero hindi naman maganda" reaksyon ng iba, majority mga babae.


"Hi. I'm Angel Lee. Nice to meet you all!" sabi niya sabay ngiti. 


(Z/N: Angel's picture yung nasa taas. ^_^)


Para namang natunaw yung mga lalake at yung iba ay uma-acting pa na natamaan ng pana ni cupid. OA ah. Sa bagay, angel ang pangalan niya diba? Bagay talaga sa kaniya. Tumingin ako sa gilid ko para makita yung reaksyon ni Migz, aba napako yung tingin kay Angel. Grabe, pati casanova nahumaling sa ganda niya. *sigh* sana lang kasing ganda niya ko.


"Mamili ka ng gusto mong upuan Ms. Lee." -Ms. Santiago


"Dun po. Sa tabi ni Migz." sabay turo dun sa upuan. 


Nagsitaasan yung mga kilay ng mga babae. Pati ako rin eh. Alam kong kilala ng mga tao si Migz pero mali eh. May mali sa babaeng 'to. Siguro isa siya sa mga nagkakandarapa kay Migz. 


AKO—-MIGZ—-ANGEL <—- yan ang seating arrangement namin at...hindi ko 'to gusto.


*break*


Nasa isang table kami ni Angel at...hindi ko na naman 'to gusto. Masyado na atang naging friendly ang mga kaibigan ko at inaya nilang sumabay si Angel samin sa lunch. Maya-maya pa ay pumwesto si Christoff sa tabi ni Angel at inakbayan 'to. HUH?! o_O


"Pinsan ko." 


BOOM. 


"HAHAHAHAHAHAHAHA." tumawa na lang ako dahil sa sobrang pahiya.


Napahiya ako sa sariling kong iniisip sa babaeng 'to. Angel ang pangalan niya at siguro hindi siya yung tipo ng babae na may dalawang mukha. Masyado ka ng nag-iisip Crizzel. 

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon