CHAPTER 25 : Empathy

6.1K 78 6
                                    

Migz's P.O.V 


Pumasok ako sa bahay nila Crizzel at mali kayo ng iniisip, hindi ako makikikain. 


"Oh hijo, goodmorning!" bati sakin ng papa niya na nasa sala


"Goodmorning po." 


"Anong atin? May nangyari ba kaya ka naparito?" -mama niya


"Nako wala po. Gusto ko lang po sana kayong maka-usap...tungkol kay Crizzel."


Pina-upo nila ko at tinanong kung ano ba yung sasabihin ko tungkol sa anak nila.


"Mahal ko po yung anak ninyo." diretso kong sabi at bigla na lang tumawa yung papa niya


"Napakaganda naman pala ng anak natin diba mama? Biruin mong dalawang lalake ang nagkakagusto sa kaniya." 


"Tito...seryoso po ako sa nararamdaman ko. Humihingi lang po ako ng permiso, kung pwede, liligawan ko po yung anak niyo."

"Pero ayon kay tito Michael, Casanova ka. Madami kang nasaktan, napaiyak at nilokong mga babae." singit ng kuya ni Crizzel


"Totoo po yun. Pero nagbago po ako at patuloy na magbabago para mapatunayan kong seryoso ako kay Crizzel."


Biglang tinapik ni Kuya yung balikat ko.


"Nako Migz, tinatakot lang kita. Alam mo mas gusto nga kita kaysa kay Nelo. Gusto ko yung medyo bad-boy yung aura para sa kapatid ko. Tsaka parehas tayong gwapo—-"


"Kit, may pasok ka pa sa trabaho diba?" awat ng mama niya sa kaniya. Natuwa naman ako at kahit papano, boto siya sakin.


"Migz, hijo, nasubaybayan ko kung pano ka lumaki dahil mag-kumpare kami ng tatay mo. Alam kong mabuti kang binata kaya kung gusto mong ligawan yung anak namin, sige pagkakatiwalaan kita."

Lumabas ako ng bahay nila na masaya. YES! Hindi ako bigo para mapa-OO yung magulang niya!


Habang nagda-drive ako papuntang school ay nakita ko si Angel na lumabas sa isang convenience store. Binusinahan ko siya para pumasok sa kotse ko.


"Di mo kasabay si Crizzel?" tanong niya sakin kaya naman nagpaliwanag ako hanggang dun sa paghingi ng permisong ligawan si Crizzel.


"Aba talaga nga naman!" hinampas niya pa ko sa balikat "Isa ka ng ganap na lalake. Biruin mong nakaya mong humarap sa mga magulang niya at napa-oo mo pa sila." tapos nun ay tumawa pa siya pero napatigil siya ng makita niya si Avy na papasok sa school. 


"Diba sabi mo, kasabay ni Crizzel si Avy? Bakit mag-isa lang si Avy pumasok?" tanong niya. Hindi ko rin nasagot kasi hindi ko rin naman alam.


Habang naglalakad kami papuntang room ay panay ang kwento ni Angel ng mga nakakatawa kaya naman hanggang sa pagpasok namin sa room ay panay pa rin kami sa tawa. Natigil lang kami ng may nagtanong samin.


"Migz...kayo na ba?" tanong ng isang babae


"Ang tinde mo talaga. Pati yung bagong lipat napatos mo na naman migz! Ikaw na talaga!" sigaw ng ilang mga lalake.


Pagkatingin ko kay Crizzel ay nakatingin lang siya ng masama sakin. Ano na naman bang nagawa ko?


"Hindi kami ni Migz. Mag-kaibigan lang kami." sabi ni Angel sa kanila


"Magkaibigan? Showbiz na sagot!" sabi nila


"Hoy! Wag niyo ngang pilitin yung pinsan ko. Hindi nga sila ni Migz diba." pagtatanggol ni Christoff.


Maghapong tahimik sakin si Crizzel at tuwing kinakausap ko siya ay OO-HINDI-AYOKO yung mga sagot niya sakin.


*dismissal*


Aayain ko na sana si Crizzel pauwi kaso pagkapunta namin ni Angel sa parking lot ay sabay yung alis ng kotse ni Nelo, kasakay si Crizzel. Napakuyom ako ng palad. Naiinis akong makita siya sa kotse mismo ng lalakeng yun!


"Migz anong ginagawa mo?" tanong ni Angel habang paliko ako sa papunta sa  kanila.


"Hinahatid ka."


"Tsk. Can't you read her mind? Nagseselos siya sakin Migz."


Pinalo ko yung manibela sa sobrang inis ko!


"Ikaw na bestfriend ko pagseselosan niya? Isa pa, ang gulo niyo kasing mga babae! Para kayong tanga, ayaw niyong sabihin yung nararamdaman niyo sa mga lalake. Kung nagseselos kayo, sabihin niyo!" galit na sabi ko pero bigla na lang akong binatukan ni Angel. Para saan yun?!


"Yeah right, I'm your bestfriend. Pero alam niya ba? Ang alam niya lang ay si Angel Lee, new transferee student, pinsan ng kaibigan niyang si Christoff at close kay Migz ng hindi niya alam ang dahilan. You're rude, Migz. You didn't bother to introduce me as your bestfriend. And now you're asking why did she felt that thing called jealousy?"


Tama siya.


"And one more thing, in some cases, especially in love, men should know how to read the atmosphere because sometimes, words aren't enough to explain what's inside our hearts. Women are not stupid, Migz. We just want someone to understands us even without words. Empathy Migz, yun ang tawag dun!" 


Nag-U Turn ako at binilisan ang takbo ng sasakyan papunta sa bahay nila Crizzel. Mali akong hindi ko siya naintindihan at hindi ko napaliwanag kung na bestfriend ko lang yung pinagseselosan niya, kailangan kong mag-sorry at gawin yung responsibilidad ko bilang lalakeng may nararamdaman sa kaniya. Ngayon pa't may karapatan na kong ligawan siya.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon