CHAPTER 23 : Usap

6.8K 88 9
                                    

Migz's P.O.V

 

*Dismissal*


Nagmamadali akong mag-ayos ng gamit para sana maka-usap ko na agad si Crizzel kaso pagkatingin ko sa upuan niya, wala na siya. Ay nak ng!


"Nasan si Crizzel?" tanong ko kila Avy


"Sabi niya samin, magc-cr lang siya eh." 


Sabi na nga ba at tatakas lang yun eh. Nako naman! Ganun niya ba ko kaayaw kausapin at gagawa siya ng paraan para umiwas sakin? Pinipilit ko na ngang magpakatino kasi gusto—-hindi—-mahal ko siya oh! Di ko na nga alam yung gagawin ko tapos...ganito pa siya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap—-


"Oy, tatayo ka lang ba diyan o ano?" sabi ni Angel sakin at sumenyas siya na habulin ko si Crizzel. Tama, kailangan ngang habulin ko siya. 


Tumakbo ako hanggang sa may makita akong babaeng pasilip-silip sa labas ng gate. Nang makita ko kung sino siya, agad ko siyang hiawakan sa kamay at hindi na pinatakas.


"Mag-uusap pa tayo diba. Nakalimutan mo na?" nakatingin lang ako sa kaniya na halatang iniiwas yung tingin sakin


"A-alam mo, a-ano kasi. Maghuhugas pa ko ng pinggan sa bahay kaya kailangan ko ng mauna." 


Tsk.


"No."


"Kung yung pag-uusapan natin ay yung mga sinabi ko nung last monday, oo na! Sige na! Tama lahat ng narinig mo! Kaya pwede ba....bitawan mo na ko?" 


Niluwagan ko yung hawak sa kaniya gaya ng gusto niya pero...ganito niya ba ko kaayaw at kahit konting pag-uusap lang, tatanggihan niya pa?


"Sa-salamat." sabi niya at akma na sanang tatakbo kaso,


"Hinihingi ko lang naman na maka-usap ka. May bagay lang na gusto kong linawin sa'ting dalawa. Gaano ba kahirap sayo yun? "


"Tsk. Gusto mong linawin yung nararamdaman ko sayo? Hindi pa ba malinaw na halos umiyak ako sa phonecall na yun habang sinasabi ko kung gaano kita kagusto, kung gaano ko katanga at kung gaano ka kasinungaling? Ang alin ba dun sa parteng yun ang gusto mong ulit-ulitin ko para luminaw na para sayo migz?"


"Wala kong gustong ipa-ulit. Ang gusto ko, linawin mo sakin kung totoo ba lahat ng sinabi mo kasi nung gabing yun hanggang ngayon, gusto kong maniwala na totoo lahat yun. Except dun sa part na sinungaling ako."


Tumawa siya bigla. Huh? Kanina seryoso siya tas ngayon tatawa?


"Hindi mo gusto yung parteng yun kasi totoong sinungaling ka, ganun ba?"  naging seryoso yung mukha niya at matalas na tumingin sa mga mata ko "Sinungaling ka." 


Bahagya kong napatigil sa sinabi niya. Alam ko sa sarili kong lahat ng nararamadaman ko sa mga ex ko nun ay puro kasinungalingan lang. Paglilipas ng oras. Pero ngayon, ibang usapan na yung nararamdaman ko  sa babaeng 'to. Hindi na ko nagsisinungaling. 


"Mahal kita at nasasaktan ako kasi yun ang nararamdaman ko sa tulad mo. Mahal kita pero ang hirap sayo, marami kang minamahal. Lagpas na nga sa bilang ng daliri mo sa kamay at paa diba? Matinde ka. Naka-ilan ka na ba? 20? 30? 50 girlfriends? Marami na, sobrang dami mo ng past relationship kaya para saan pa yung pag-uusap na'to? Di ka pa ba sanay na marami ng nag-confessed sayong babae? Tapos ngayon sasabihin mo sakin na nag-uusap tayo para linawin ang isang bagay sa'ting dalawa? Wag mo kong lokohin. Ang rason kung bakit mo ko gustong kausapin ay dahil gusto mong linawin kung napaikot mo rin ba ko gaya ng ibang babaeng umamin sayo, diba? Pwes oo. Mahal din kita tulad nila. Mahal kita kahit alam kong sinungaling ka!!!!!" Hinampas niya ko sa balikat habang patuloy na umaagos yung luha niya.


Wala kong magawa kung hindi yakapin siya.


"Tama na. Masakit na makita kang nasasaktan dahil sakin." habang sinasabi ko yun ay nagpupumiglas siyang makawala sa yakap ko pero mas lalo ko pa itong hinigpitan. "Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko para maniwala ka saking mahal kita. Matapos ang ilang taong paglalaro sa nararamdaman ng ibang tao, ngayon na lang ulit ako nakaranas kung paano kiligin habang nakatingin sa mga ngiti mo. Kung paano magmahal ng walang kasiguraduhan kung kaya rin ba kong mahalin pabalik. Bonus na lang sakin ng malaman kong mahal mo rin ako. At least, hindi lang 'to one-sided love. " inalis ko ang pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ko yung chin niya para magtama ang mga tingin namin "Crizzel, mahal kita. Seryoso ko dun"


Gusto kong suntukin yung sarili ko dahil hindi ko alam kung ano yung mga tamang salita na dapat gamitin sa mga ganitong sitwasyon. Basta nasabi ko naman lahat ng gusto ko diba?


"Gusto kong ipaalala sayo na kapag totoong mahal mo ang isang tao, magkakaron ng responsibilidad na hindi sila paiyakin, na hindi sila saktan at hindi sila iwan."


Ngumiti ako at sinuklian niya rin ako ng ngiti sa mga labi niya.


"Mahal kita at handa akong gawin ang mga responsibilidad para mapatunayan sayo na totoo yung nararamdaman ko."


"Eew. Medyo baduy ka pala."


Nahiya ako sa sinabi niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Pero nakakatuwa, ganito pala yung pakiramdam kapag umamin ka sa isang tao. Feeling relieved. Simula kasi nung nangyari yung insidenteng yun, hindi na ko nangahas tingnan ang isang babae bilang isang seryosong nilalang na pwedeng masaktan. Buti ngayon, naranasan ko ulit kung pano magmahal ng totoo.


"Migz uwi na ko. Baka kasi maabutan pa tayo ng barkada ko at asarin ako ni Randel."


"Hatid na kita?"


Ngumiti siya sakin at medyo namula. Diba sabi nila kapag namula daw ang isang babae, kinikilig daw. So kinikilig siya sakin? Ang cute naman.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon