CHAPTER 37 : Mata

5.2K 66 2
                                    

Crizzel's P.O.V


Pagkatapos kung kumain ay dumiretso na ko sa garden. Ano naman kaya yung gustong gawin ni Migz?


"Ang tagal mo kumain." reklamo niya at nakasalampak siya sa damuhan. "May naalala ka pa dito?"


Dito? Ano nga ba?


*ting*


"Dito yung unang confession mo sakin diba?"


Tumango siya at pinaupo niya ko sa tabi niya.


"Ang tagal na rin pala simula nung sinuko kong maging casanova para mahalin ka."


Medyo tumalon ng konti yung puso ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi ang lakas maka-boom ng mga salita niya?


"Nung umuwi ako kagabi, di ko alam yung gagawin ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na 'Pano na? Nakipagbreak na siya sakin...di ko alam kung pano ko makikipagbalikan at maghabol sa isang babae.' Akala ko talaga wala na. Pero inisip kong, hindi ko kaya. Kahit hindi ko alam kung pano ka habulin, gagawin ko pa rin yung gusto ng puso ko. Gusto kong mag-sorry, mag-explain hanggang sa mahirapan ako basta bumalik ka lang ulit sakin."


Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Hindi na siya casanova. Hindi na siya yung unang Migz na nakita ko sa school. Siya na yung lalaking mahal ako. Gagawin lahat, kahit hindi niya alam kung paano, basta mapabalik niya ko sa kamay niya. Aww~


"Successful ka naman ah. Kahit hindi mo alam kung paano mo ko mapapabalik, nagawa mo naman. Kasi mahal mo ko kaya mo nagawa yung mga bagay na akala mo hindi mo alam diba?"


"Yung sinabi mo kagabi na mahal mo ko pero hindi ganito yung relasyong iniisip mo para sa'ting dalawa—"


"Mahal kita at maling mag-expect ako ng isang perfect na relasyon. Sorry nasabi ko yun."


Tumahimik yung paligid at wala ni isa samin ang nagsalita.


"Sorry nakipag-break ako sa'yo kahit alam ko sa sarili ko na mahal kita. Kung gusto mo, pwede ko namang bawiin yun para tayo na ulit."


Ramdam kong tumingin siya sakin dahil sa mga sinabi ko at dahil dun ay para kong shonga na napangiti mag-isa.


"Gusto ko. Gustong-gustong ko!" sabi niya na parang excited na bata.


"Mahal kita...migz."


Ngumiti siya at niyakap ako.


"Mahal din kita. Yes! Girlfriend na ulit kita!"


Para siyang sira. ^_^


Pagkatapos ng yakapan na yun ay hindi na naalis yung tingin niya sakin hanggang sa paghatid niya sakin.


"May problema ba sakin?" tanong ko dito


"Sa mata ko meron."


Eh? Nilapit ko yung mukha ko sa kaniya para tingnan kung may puwing ba siya o ano, pero wala naman akong makita.


"Wala namang problema eh."


"Meron nga. Tingnan mong mabuti."


Tumitig naman ako, nakita ko lang yung repleksyon ng sarili ko sa mga mata niya.


"Yan yung problema, di ko mapigilan yung mga mata ko na titigan ka."


Pinisil ko yung ilong niya dahil sa sobrang kabaduyan. Hay nako Migz~


"Sabihin mo na lang kung kinikilig ka, hindi yung pipisilin mo pa yung matangos kong ilong." reklamo niya


"Matangos ka diyan. Pffft. Oh sige, pasok na ko ng bahay. Ingat ka." lumabas na ko ng kotse niya kaso bigla niya kong tinawag.


Lumingon ako at lumapit sa bintana ng kotse niya.


Bigla niya kong hinalikan sa pisngi at sinabing "I love you."

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon