CHAPTER 45 : The Break-Up?!

5.1K 58 8
                                    

1 year after... (Yung mga characters ay nasa 4th year HS na)



Crizzel's P.O.V


March na at ilang araw na lang ay graduation na namin.



"Relationship with good start doesn't mean it will have a happy ending." bigkas ni Randel habang nakatingin sa cellphone niya.


Napatingin tuloy ako dahil dun, ako ba yung sinasabihan nito?


"Two words lang Crizzel, move on." dagdag ni Randel na ngayon ay nakatingin na sakin.


Move on. Big word.


Huminga lang ako ng malalim at tumingin sa bintana. Naka-upo sa tabi ko si Randel na dapat ay si Migz ang nakaupo. Hindi na naman kasi siya pumasok simula nung nangyari yun.


Mga dalawang linggo na rin simula nung makipaghiwalay ako sa kaniya. Dapat nga matuwa pa kong wala na kami eh. At least diba malaya na ko sa mga panloloko niya. Hindi na mukhang tanga.


"Zel...simula nung sinabi mo samin yung break-up mo kay Migz, hindi ka pa namin nakikitang umiiyak."


Tama si Avy. Hindi pa nga ko umiiyak. Kahit nung nakita ko si Migz harap-harapan na niloloko ako, hindi ako umiyak.


Pero aaminin ko, gusto ko na talagang umiyak. Gusto kong isigaw na nasasaktan ako! Kaya lang wala namang mangyayari kung iiyak ako diba? Hindi naman mawawala yung katotohanang minsan akong ginawang tanga ni Migz.


*Flashback*


Tinext ko si Migz at tinanong ko kung nasaan siya. Ang totoo niyan nasa harap na ko ng bahay nila, weekend kasi ngayon kaya siguro naman nasa bahay siya.


"Nasa mall ako eh." text niya sakin


Aww. Sayang naman.


"Mam?"


Lumingon ako at nakita ko yung yaya nila, galing ata sa grocery.


"Hello po." bati ko


"Si Migz po ba hanap niyo?"


"Opo. Kaso nung tinext ko siya...nasa mall daw po."


Mukhang nagtaka yung mukha nung yaya at mas lumapit pa sakin.


"Pero nandyan lang po sa loob ng bahay si sir Migz. Dapat nga po hindi ako maggo-grocery pero pinilit niya kong mamili."


The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon