CHAPTER 2 : CR

10.5K 145 13
                                    

Crizzel's P.O.V


"Miss ano po bang bibilihin nyo?"  sabi sakin ng tindera sa cafeteria.


"ay sorry po ! kanina pa po ba ko nakatayo dito?" sobrang gutom ko ata, di ko namalayan na nakatulala na pala ko. Tsk.


"oo, 10 minutes and 15 seconds!" sabi ng isang lalake sa likod ko...


"JAM !!!!!" sabi na kaya pamilyar yung boses eh. Iba talaga kapag bagong linis yung tenga ko!


"Wala pang puberty sa mukha mo ah!" aba ang sakit nito magsalita ah. Porket walang pores yung mukha niya ganun ba? "Dito na ko mag-aaral para na rin mabantayan ko si Avy"


"Wala kong pake mister perpekto." 


May pake naman talaga ko. Gusto ko lang maramdaman niya na nasaktan ako sa sinabi niya *insert dramatic tone here*

Nga pala, kaibigan ko rin 'to. Nililigawan niya si Avy na kaibigan ko rin. Madami akong kaibigan, mabait kasi ako tsaka maganda. HAHAHAHAHA. Ge. xD


"Ay si Avy ba yun?" tanong niya at tinuro yung babaeng naglalakad. "Sundan ko lang ah."


Hayaan na natin siya. Sinundan niya lang yung pangarap niya. Boom panis!


"Miss? Ano ba talagang bibilhin niyo? Humahaba na yung pila oh." 


Nagsungit na patay.


"Ultimate burger tsaka donut and cake. Pasamahan na rin ng softdrinks yung sugar-free ah!"


Wala pa sa limang minuto ay inabot niya na sakin yung order. Nakapaghanap naman ako ng pwesto na kung saan maayos kong nakikita ang lahat, saktong natatamaan ng aircon at——


"Zel!" sabay tapik sakin. Hindi yun tapik actually, malakas eh. Tulak yun!


Maganda nga, sakto ring may nanunulak sa pwesto ko. -_____-"


"Problema mo? Away o gulo?" tinaas ko pang parang makikipaglaban yung kamay ko.


"Ito naman oh!" at umupo siya sa tabi ko. Si Christoff pala, kaibigan ko rin. Friendly talaga ko.


"Nasaktan ka ba sa tulak ko?" tanong niya sakin.


Ay hindi. Hindi ako nasaktan. Kahit gawin niya pang way of greeting sakin yun okay lang eh! Lecheplandepruta! Malamang masakit yun. Biglaan eh!


"Ako kasi nasaktan." madrama niyang sabi


"Hoy hindi naman kita tinulak eh. Kainis 'to." ininom ko na lang ng isang lagukan yung softdrinks ko, wala kong tinira. Nauhaw ako simula pa kanina.


"Hindi. Ang ibig kong sabihin...nasaktan ako ni christine."


Ah yung girlfriend niya ngayon.


"Dahil sa casanova na yun!" hinampas niya yung table "Inagaw niya sakin yung mahal ko!" hampas ulit siya kaya inawat ko na.


"Isang hampas pa, hahampasin na kita ng suspension paper sa mukha mo. Alam mo namang bawal manira ng mga property ng school eh." Inalok ko siya ng ultimate burger para kumalma naman.


Aba hindi tumanggi. Kinain niya talaga. Ahm, christoff, uso magtira sa kaibigan.


"Anyway di ka na nasanay dun sa christine mo. Malandi—-" napatigil ako ng tiningnan niya ko ng masama "Sabi ko habulin naman kasi siya ng mga lalake kaya wala ng bago kung iiwan ka niya o hindi."


"Pero iba ngayon, yung bagong gwapong estudyante yung pinagpalit niya sakin. Kung hindi inakit ng lalakeng yung si christine...baka hanggang ngayon kami pa." at tuluyan niya ng inubos yung burger ko.


*suuuuuuuuuuuuup*


Napahawak ako sa pantog ko. Shit. Naiihi na ata ako.


*suuuuuuuuuuuuuuup* higop ulit nung nasa kabilang table.


Mas lalo akong naiihi.


Tumayo ako na kinagulat ni christoff.


"Hindi mo naman kailangang ipagtanggol pa ko Zel eh." sabi niya


"Kaibigan kita....pero wala kong planong makisawsaw sa mga usaping tulad nito. Naiihi lang ako christoff."


Naglakad na ko palayo at feeling ko....lumalayo yung CR sakin. Bakit tuwing naiihi ka...tsaka ayaw magpakita ng CR. Naman!

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon