CHAPTER 27: M E A N

6.1K 71 5
                                    

Angel's P.O.V 


 Habang ine-enjoy ng dalawa yung pagmamahalan nila, lumingon ako kay Nelo at nakita kong pumatak yung luha niya. Nung makita niya kong nakatingin sa kaniya ay ngumiti lang siya ng mapait sakin.


"Ngumiti ka kung masaya ka at umiyak ka kung nasasaktan ka na ng sobra. Magpakatotoo ka nga." advice ko sa kaniya or more like utos? Anyway tinawanan niya lang ako. Kung hindi ko lang 'to crush, baka nasaktan ko na 'to.


"Baka hindi mo pa ko kilala, I'm Angel Lee, pinsan ni Christoff na kaibigan ni Crizzel. Bestfriend ako ni Migz at dati rin akong estudyante ng W.H.S"


"Ahh, nice meeting you." tipid na sagot niya


"Nakakatawa na sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala."


"Wait...kilala mo na ko?"


Nako yari. Hindi pa nga pala siya nagpapakilala, kaya pano ko siya nakilala? Hindi ko naman pwedeng sabihin na, kasi crush kita kaya tiningnan ko yung profile mo sa internet blah blah blah. TURN OFF YUN!


"Kasi...naku-kwento ka minsan ng mga barkada ni Crizzel at minsan ni Migz. Tama ganun nga."


"Okay. Pero para mas formal, I'm Nelo Estrada, present student ng W.H.S, Ex-suitor ni Crizzel."


Srsly? Ganito talaga siya magpakilala? 


"You should say, Hi! I'm Nelo Estrada, 16 years old, currently studying in Western High School, I'm a caristy player of basketball and I often watch NBA. Dapat ganun yung pagpapakilala mo sakin kung formality talaga yung gusto mo. Tsk." 


"Parang andami na atang nakwento ng mga kabarkada ni Crizzel para masabi mo lahat yan. In detailed talaga." at tumawa siya kaya naman natawa na rin ako para hindi hatalang napahiya ako. Kahit papano, napatawa ko yung crush kong brokenhearted.


"It was really nice meeting you Angel. Sige mauna na ko." papasok na sana siya sa kotse kaso,


"Wait!" lumapit ako sa kaniya "If you need someone to talk to, I'm always here, okay?" 


Tumango siya at ngumiti sakin tsaka siya umalis.


***


"Huh? Sinabi mo yun kay Nelo? Crush mo pala siya?"  sabi ni Migz habang nagmamaneho na siya ng sasakyan niya.


Tapos na kasi sila maglambingan ni Crizzel kaya naman nagpaalam na siya kanina at ihahatid na niya ko ngayon sa bahay. 


"Sa tingin mo, obvious ba talagang may gusto ako sa kaniya? Sa tingin mo naramdaman niya kaya na may feelings ako?"


"Sa kinwento mo sakin, halatang-halata."


The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon