Chapter 75 - ThE bEst oF mY LiFe

264 3 2
                                    

Kahit na nakahiga na ako, lahat-lahat, matutulog na rin sana ako, sumusulpot pa rin siya sa isip ko. Kahit anong iwas ko, kahit anong pigil ko sa sarili ko, pilit pa rin siyang nagsusumiksik sa isip ko. Bumabalik na naman ba ako sa dati? Huh? Mas malala pa yata yung nararamdaman ko ngayon kesa dati.

Nagpadala kasi ako sa feelings ko. I gave him a chance. Sana hindi niya sayangin. Sana sa pagkakataong ito, seryoso na siya sa akin. Kung totoo man ang sinasabi niya na hindi nga niya ako ginamit, linoko ko lang ang sarili ko sa mga buwang naglipas. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala na akong babalikan.

I get my phone on the table and text him. May itatanong pa ako sa kanya. Madami pang tanong na kailangan niyang sagutin. Baka bago pa man niya masagot lahat, masaya na kami.

"Sabi mo sa akin hindi mo ako ginamit. Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako pinuntahan agad ng marealize mo yun sa sarili mo? Bakit ngayon lang? Paano kung may mahal na akong iba? Paano pag huli na ang lahat?" I hit send.

Habang naghihintay sa reply niya, kumuha ako ng cake sa refrigerator. Nahihilig na naman ako sa mga matatamis. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko. Sumandal na muna ako sa gilid ng mesa habang sumusubo ako ng cake. Uubusin ko na muna itong isang slice saka ako papanhik sa kwarto ko. Hindi ko dinala ang telepono ko sa akin. Inilalagay ko sa sink ang mga pinagkainan ko ng biglang mag-ring ang phone ko. Mabilis ko itong tinungo at nakita kong si Seb ang tumatawag. Mahaba-haba na naman itong usapan. Kinalma ko na muna ang nae-excite kong puso. Inhale. Exhale.

"Hi!" I greet.

'Hey! What are you doing?'

"Wala. Kumakain ako kanina. Bakit ka tumawag?"

'Ang tagal mo kasing sumagot.'

"Kumain ako. Ano ba yung sinabi mo?"

'Sabi ko, ginawa ko na yun. Pero wala ka sa apartment mo. Hindi kita naabutan doon. Yun pala, nasa bahay ka na nakatira. Hindi na ako sumubok na hanapin ka dahil ano pang mukha ang ihaharap ko sayo. Kahit sino sa kanila ang pinagtatanungan ko, iisa lang ang sinasabi nila. That you are trying to move on already and that you don't need me anymore."

"Seb? Totoo ba talaga na mahal mo ako? Hindi ka nagsisinungaling di ba?"

'Totoo ang sinasabi ko, Shienne. I love you. I do.'

"Sige na. I already believe in you. Huwag mo ng ulit-ulitin. Kinikilig ako pag naririnig ko yan sayo eh." Bulong ko sa huli kong sinabi.

'So, I still have that same effect on you?'

"Huwag mo ng tanungin."

'I'll make sure na babalik ang tiwala mo sa akin. Hindi ko na uulitin yung mga masasamang bagay na ginawa ko sayo dati. Ang kapakanan niyo ng anak ko ang top priority ko Shienne. You and my son are my lifeline.' Isang beses mo lang naman akong pinabayaan.

You are my lifeline too Seb. And our baby boy.

--

"So, simulan niyo na mula sa umpisa." Dare ko sa kanilang tatlo. My arms crossed on top of my chest, waiting for them to speak. Wala ng urungan ito. Tapos na ako sa mga pagdadahilan nila. Todo iwas sila sa akin dahil alam nilang gusto ko na silang magkwento. Kung bakit ganun ang mga ginagawa nila. Na parang may hindi sila sinasabi sa akin. Sa umpisa pa lang yata, alam na nila ang totoo. Kung paano nila nalaman na hiwalay na si Seb at Asthrid. Mas nauna pa silang nakaalam sa akin. Paano yun nangyari? Noong tanungin ko ang bawat miyembro sa pamilya ni Seb kung may alam ba silang hiwalay na sila ni Asthrid? Iisa lang ang sagot nila sa akin. What? When? Hindi ko alam na hiwalay na sila. Yan ang mga katagang binitawan nila sa akin.

Without YouWhere stories live. Discover now