Chapter 14

119 3 0
                                    

"Seb." ulit ko. Ito ba ang surprise na sinasabi niya sa akin? Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko. Bakit pag nagkikita kami, ang simple lang ng suot niya pero sa mga mata ko, ang porma niyang tignan. Kadarating lang ba niya, o baka noong isang araw pa siya dumating? O kaya, binisita na naman niya yung site niya dito at isiningit lang niya sa schedule niya ang pagdalaw sa akin? Kadarating lang niya pero ang dami ko na namang iniisip. Pero ang puso ko, puno ng saya.

"Can I?"

"Pasok ka." I gave him space to enter.

Exhale. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Tapos hindi ko pa siya pinapasok agad, ang dami pa niya yatang hawak-hawak.

Hindi pa pala namin napag-uusapan yung last time. Paano ko siya haharapin... ngayon? Sinundan ko siya sa kitchen at umupo ako sa upuan. Nadatnan ko siyang nakatayo sa tabi ng mesa. Nakatayo lang siya sa harapan ko at may kung anong kinukulikot sa phone nito. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa ginagawa niya. May katext ba siya? Naiinis na naman ako. Ayaw ko ng may kahati ako sa kanya.

May iniwan ba siyang babae doon at hindi man lang malubayan? Kung meron bakit pa siya nandito.

After two minutes siguro, ibinulsa na nito ang phone niya at tumingin na siya sa akin. Nagtaka ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Yumuko siya, ingat ko ang tingin ko, then he's eyeing me, and smoothens my forehead with his thumbs. I held his wrists na hanggang ngayon ang mga palad nito ay nasa pisngi ko.

"Ang sama mong makatingin. Ikaw na nga itong may kasalanan sa akin pero parang ako pa ang may problema." napalunok ako. "Irap pa ba ang isasalubong mo sa pagdating ko?"

Nakagat ko ang ibaba kong labi ng umupo ito sa harap ko, sa may paanan ko. Siya na ngayon ang nakahawak sa kamay ko na ipinatong niya sa hita ko. Lumapit pa siya lalo sa akin. Feeling ko, naririnig na niya ang malakas na pagtibok ng puso ko. Itulak ko kaya siya?

Sa mga lalaking nanligaw sa akin mula umpisa, siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Dahil sa first time ko nga ang mga nangyayari, hindi ako komportable sa ganito naming posisyon. Hindi pa rin ako sumagot. Naghahanap pa lang ng tamang salita ang isip ko.

Ng lumapit pa ang mukha nito, itinulak ko na siya pero konti lang naman. "Hoy, tumigil ka na nga." sita ko.

Natawa ito at umupo na sa katabi niyang upuan. Tumunog ang phone nito pero hindi niya pinansin. "May nagtext sayo. Hindi mo sasagutin?" sabi ko. Baka naman kasi importante, baka yung girlfriend niya.

He gave me a sideway glance. "Later. Gusto ko munang magpahinga. Hindi ka pa ba pagod? Matulog na tayo. Nga pala, para sayo pala lahat ng ito." Touche.

Andyan na naman ang salita niyang later. Buti, naalala niya pa akong bigyan ng pasalubong.

"Baka girlfriend mo ang nagtext. Tignan mo na, baka awayin ka niya pag nagkita kayo. Bahala ka." pilit ko pa rin. Ang sarap niya kasing tuksuhin. Let's see how he can take it.

Mataman niya akong tinignan. Straight to my eye. Nagpipigil na ako ng ngiti, konti na lang tatawa na ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong girlfriend ngayon? Ano bang gusto mong gawin ko to prove to you that I don't have any committal relationship right now?"

"Wala. Hindi ko alam. Ako kasi, mahirap akong magtiwala sa mga lalaking katulad mo. Natatakot talaga ako."

"What do you mean? Saang parte ka natatakot?"

Alam kong naguguluhan na siya sa pinagsasabi ko. Hinahayaan ko siya sa gusto niyang gawin pag nasa tabi ko siya pero mahirap kong ibigay sa kanya ang tiwala ko.

"Ganito muna tayo."

"Anong ganito?"

"Yung... Ano ba talaga ang plano mo sa akin? Bakit ako ang una mong in-approached?" tatanungin ko ulit siya ngayon.

Without YouWhere stories live. Discover now